Ilang pagtakbo, pagtatago at pag-iwas na nga ba ang nangyari? Ilang beses na kaming nakatakas sa guhit ng kapalaran. Pero nang gabing 'yon, nangyari ang isang bagay na dapat sana'y naganap na noon pa. Naganap ang nakatakda, isang trahedyang tila hindi na mabubura pa kahit ilang taon ang lumipas: ang annual abduction of gifts—ang pagdakip sa mga nilalang na taglay ang kapangyarihan ng isa sa anim na elemento: wind, water, fire, earth, dark, and light.
Wala na akong takas! Ang masaklap, sa haba ng panahong ginugol ko para sa oras na 'yon, hindi pa rin ako naging handa.
"Hulihin niyo siya!" malakas na sigaw ng pinunong kawal. Dinig ko habang tumatakbo palayo sa nasusunog naming bahay. Kasabay ng paghampas ng hangin sa aking mukha ang mga luhang kanina pa nagbabadya nang malaman kong sinusunog ang aming bahay kasama ang aking pamilya.
"Get her!" "GET HER!" Paulit-ulit na tila isang bulong ng kamatayang walang balak lubayan ang buo kong katauhan. Huhuliin ako!
Kailangan kong tumakas. Tanging ang kagubatan ang naging kanlungan ko. Maswerte pa rin ako dahil kabisado ko ang kagubatan. Tinungo ko ang daan pa-shortcut patungong ilog, doon ako tatawid at magtatago sa masukal na parte ng kagubatan.
Hindi niyo ako makukuha! Hinding hindi ako magpapaalipin sa Central Cairos! Sigaw ng aking isip. Alam kong ang gabing iyon ay ang annual abduction na ginagawa ng Magic Council ng Cairos. Cairos, ang bansang nahahati sa limang rehiyon. Ang Capitol o Central, tirahan ng mga maharlika at ng Council of Magic, ay nasa ikalimang rehiyon. Pero bakit ako? Hindi ko alam kung bakit ako ang kinukuha ng mga kawal. Hindi ako ang espesyal kundi ang kapatid kong si Cael. Marahil ay nakuha na nila ang aking kakambal, pero bakit kailangan pa nila ako?
Hindi ako espesyal! Wala akong taglay na gift mula sa anim na elemento! Ordinaryo lang ako! Bakit ako? Yan ang paulit-ulit kong tanong sa isip habang nakakubli sa malaking puno ng narra, napapaligiran ng naglalakihang dahon ng gabi. Doon ako nagpasyang magpalipas ng gabi. Sa sobrang pagod dahil sa malayong tinakbo ko, nilamon ako ng antok at agad na nakatulog.
Weird, pero sa kabila ng lahat, isa 'yon sa pinakamahimbing kong tulog sa buong buhay ko. Tila nahipnotismo ako ng lalim ng gabi at lamig ng hangin na binudburan ng mahika.
Sa mahimbing kong pagtulog, tila tinatangay ako ng hangin sa kalawakan. Humahalik sa aking pisngi ang malamig na hangin habang nililipad sa malawak na kalangitan ang lagpas balikat kong buhok. Nanaginip akong buhat-buhat ako ng isang anghel na may mapuputing pakpak. Naamoy ko pa ang suot nitong sutla na parang dinurog na dahon ng pine tree. Dinig ko ang bawat bagwis ng mga pakpak nito. Parang totoo ang mga nangyari. Ang pagtangay sa akin ng isang anghel na naka-cloak ng puti at tanging matangos na ilong at mapulang labi lamang ang naaninag sa maliwanag na buwan. Iyon ang pinakamahimbing kong tulog sa loob ng labimpitong taon.
"Kablag!!!" Dinig ko mula sa aking likuran. "Blag!" Mula naman sa magkabilang gilid. Naalimpungatan ako at bahagya minulat ang aking paningin. Nangangamoy bermuda grass ang paligid. Pakiramdam ko'y naging isang matigas na damuhan ang kagabi'y isang malambot na kama. Kinapa ko ang malambot kong unan. Wala akong naramdamang unan sa aking palad. Naalimpungatan ako nang mapagtanto kong nakatulog ako sa damuhan. Bumangon ako at nilibot ang buong kapaligiran. I was not alone!
Isang malakas na tunog ng bumagsak na bagay ang sumambulat. Sinundan ng isa pang bumagsak sa lupa. Nakakabingi. Malakas. Nakakabahala.
Nasundan 'yon mula sa dalawa hanggang sa sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga dinukot.
Nagsibagsakan pa ang mga tulog na tao sa paligid. Hindi isa o higit sa dalawa, kundi higit sa isang daan. Nasaan ako? Gulat kong tanong sa sarili ko nang mapagtanto kong isang malaking gate na gawa sa malalaking bakal ang nasa harap ko, at parang isang masukal na kagubatan ang nasa loob nito.
I realized I was not dreaming. All the flying, the angel, the pine tree-scented clothing was actual. Dinukot ako ng isang archangel?
I WAS ONE OF THE ABDUCTED!
BINABASA MO ANG
The Keepers [TKS#1]
Fantasi"Trust the power within you..." An unexpected abduction A gathering of demon slayers, archangels, shapeshifters and witches A unison of newborn keepers In a written fate The darkest war is coming. Lara is abducted by an unknown archangel. A mysterio...
![The Keepers [TKS#1]](https://img.wattpad.com/cover/23083168-64-k404650.jpg)