27. Endgame

71.9K 2.6K 160
                                    

AMBER

Gosh! Kainis na 'tong si Silex hah. Mukhang iniwan pa ako sa ere dahil ilang segundo na lang ay iaanunsyo na ang mananalo. Tila walang mag-eescort saakin sa oras na manalo ako. Yes. I was pretty confident that I'll win. With all the awesome tricks Mistress Fhaun taught me, I believed I'll be the Musa de Cairos. Sabi kasi niya umubra yung talent na yun noong kapanahunan niya. Naniwala naman ako at nagpauto.

Nakacross fingers pa ako nang kami na lang ni candidate number 10 ang natirang magkatunggali. She's from the house of draco, Eloise Torres na laging sinasapawan ang performance ko tuwing lumalabas ng entablado. She's been a threat eversince the competition began. She has a beuty queen aura and a winning walk and smile. I wished I was better than her.

"Now, ladies and gentlemen, this year's Musa de Cairos is no other than... candidate number..." nambitin pa ang host at inantay ang nakakakabang drum roll. Mga ilang segundo rin ang pinalagpas nito.

Call my name... call my name... Ako ang mananalo. I whispered in my head. Silex. Nasan ka na ba? Lagot ka sakin nito mamaya! I swear! I even cursed him as I gathered my fist together. Wala akong escort nito. Wala din si amang Laurent o kaya si Alvis para magproxy na lang. Nahalata ko pang kanina pa tingin ng tingin itong prinsipe na parang gusto akong ihawin at gawing hapunan. Kairita.

"Our Musa de Cairos is candidate number... candidate number nine, Amber Frost!!!"

I heard it! Tumataginting na number nine. Naghiyawan ang mga tao pero tila nabingi ako sa sariling ingay na nilikha ng kabog sa aking dibdib. I won? I won! I WON! Sigaw ng aking isip. Mga ilang segundo pa na hindi ako makapaniwalang ako ang nanalo. Ilang segundo bago nagsink-in ang pagkapanalo ko sa aking diwa. Napatili ako, tiling pinakamalakas sa lahat ng tili at hiyawan sa stadium.

Ahhh!

Katahimikan. Isang napaka-wrong timing na katahimikan. Tahimik ang lahat at napansin kong ako na lang ang parang maingay na sirenang nagtititili sa entablado. Mukha akong tanga.

"Congratulations Amber!" Sigaw ni Alvis na katabi ni Lara. Finally Alvis is there. That shout saved me from shame dahil bigla uling nagsipalakpakan ang mga tao at naghiyawan. Nabalewala ang nakakarindi kong tili na 'Unbeautyqueen-like' na gaya ng binulong ni Mistress Fhaun sa utak ko.

Nanalo ako. Nanalo ako. Nanalo ako pero wala parin si Silex na escort ko. Ilang minuto na ang nakalipas mula nang ianunsyong ako ang bagong Musa de Cairos at magpaparada na ako sa harap ng madla pagkatapos kong makoronahan at masabitan ng kung anu-anong palamuti.

"Miss Frost, we can't find Silex. Bigla na lang siyang nawala. Alvis will take over!" Narinig kong sabi ni Mistress Fhaun. May kung anong laman ang tono nito sa utak ko. Nasaan ang future husband ko??? Bigla akong kinabahan. Mukhang may pangyayaring hindi ko magugustuhan.

Tapos na akong koronahan, lagyan ng cape, bigyan ng crucifix, sabitan ng sash na may markang Musa de Cairos at bouquet nang mamataan kong paakyat na si Alvis sa entablado. Siya na talaga ang magiging escort ko. Naisip ko. Mananagot talaga saakin si Silex pagkatapos nito.

"Ladies ang gentlemen, our Musa de Cairos ngayon taon!" Anunsyo ng host na si Jennifer Salgado.

Everybody was expecting Silex will be the escort. Then before Alvis the proxy could reach the stage, a guy from behind offered his left arm for me to take. In red prince suit with embroidered linings of gold, prince Kaiser just volunteered to be my escort. Sa mata ng mga nakatingin, who am I to refuse? Wala akong nagawa. Alvis as well. Tila napahiya pa sa biglaang pagsingit ng isang reiol. Isang antipatikong Holoma.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon