LARA
Natigilan ako dahil halos magkasabay na nag-ayang ihatid ako nina Alvis at Laurent. Anong meron sa dalawang 'to? Naisip ko pa habang nagpabalik-balik ako ng tingin sa kanila. Kaya ko namang bumalik mag-isa sa house of draco dahil ilang hakbang lang naman yun mula sa headmasters house. Napayuko ako, ayokong isipin nilang masyado akong paimportante o may pinapaboran ako sa kanila. Hindi ko naman kasi ugaling mamahiya ng tao saka hindi ako komportableng sa sitwasyon.
"I t-think I should go." Bulong ko habang nakatingin lang sa sementong daraanan ko. Humakbang ako paalis. Malalaking hakbang para mas mabilis akong makalayo sa kanila. I even crossed my fingers wishing neither of them would follow. Nakalang hakbang pa ako palayo hanggang sa narating ko ang lobby ng draco. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtanto kong hindi na ako sinundan ng dalawang magulo ang pag-iisip.
Kailangan ko munang magpahinga. Kailangan kong matulog at takasan pansamantala ang dagok sa aking buhay. Saka na ako babawi sa kanila kapag maayos na ang estado ko. Saka na...
***SILEX
Nagising ako sa ingay ng mga estudyanteng abala sa paghahanda para sa nalalapit na anniversary ng academy. Labing-apat na oras na pala ang lumipas simula nang maidlip ako sa ilalim ng malaking oak tree na nasa pinakadulo ng academy. Mas komportable ako kapag sa damuhan natutulog. Weird pero dun ako masaya. Mag-aalas dos na ng hapon at biglang humilab ang aking tiyan. Gutom na ako. Ang huling kain ko ay noong pabalik pa lang kami ng academy -dalawang pirasong tinapay na baon ni Amber. Kahit papano'y may silbi din yung napakabigat na maleta ni Amber.
Mabilis akong bumangon at naglakad patungong house of Monceros. Uubusin ko lahat ng pagkain sa kusina. Nadatnan ko pang nagkakabit ng mga palamuti at banderitas sa Road of Moondane sina Lara at Alvis habang nasa isang sulok naman si Laurent na tila bad mood. Mukhang nagkakaselosan. Natatawa akong napailing nang lingunin ko uli ang tatlo bago tuluyang naglakad patungong Monceros. Himalang walang maingay na Amber ngayon ah? Nabore tuloy ako. Oo. Napansin kong wala nga si Amber at hindi ko ito nadatnan o nakita man lang sa kahabaan ng daan. Dapat nandoon na yun ngayon kasama nina Lara habang pinapairal na naman ang mga kaalaman niya sa designs. Naalala ko nga pati kuko nito kailangang araw-araw may design. Pampa-good vibes daw. I don't get it...Hanggang ngayon. Nasaan na kaya yun? Wala rin ito sa kusina pati sa lobby ng monceros.
Is she hiding or something? O siya ang punong abala para sa pangangampanya sa labas ng eskwelahan para sa nalalapit na pagdiriwang? I asked my self while eating. For sure hindi na yun mangangailangan ng mikropono sa sobrang ingay. Nang matapos ako sa kantina ay tinawag ako ni Ollyn at Raivenrei na mga kapwa ko taga house of monceros. Kailangan ko daw magtungo sa opisina ni Phobus, ang cute na cute na batang head ng monceros.
Mabilis naman akong nakarating sa opisina ni Phobus. Nasa bungad lang ito ng lobby. Nakabihis na ito ng isang green na ballgown. Ewan, madaming palamuti sa suot niya at pati sa ulo niya. Nagmukha tuloy siyang isang manika. Napakunot ang noo nito nang mapansing nakakunot din ang noo ko habang tinitignan siya.
"Silex?!" Mataas ang tono ng boses nito na parang bata. Hindi ko alam kung galit ito o sobrang excited lang kaya ganun. Mukha itong manika -literal. She has round big blue eyes surrounded by black long eyelashes. She has rosy and chubby cheeks with tiny lips. Itim ang buhok nitong laging may bangs at may dalawang set ng strand ng buhok na nahuhulog mula sa magkabilaang tainga. Napakacute nito na mukhang gumagalaw na laruan lang.
"Phobus? Ano na naman ba?" Angil ko dito. Ganun din ang trato niya sa iba pang mga estudyante ng monceros. Parang kapatid lang. Ayaw niyang tinatawag siyang master o kaya'y pormal. "Is this about Amber again?"
BINABASA MO ANG
The Keepers [TKS#1]
Fantasi"Trust the power within you..." An unexpected abduction A gathering of demon slayers, archangels, shapeshifters and witches A unison of newborn keepers In a written fate The darkest war is coming. Lara is abducted by an unknown archangel. A mysterio...