10. Super Physics

105K 3.7K 82
                                    

LARA

Kakatapos lang ng orientation nang araw na 'yon. Hindi sumipot si Laurent sa unang araw ng klase. Hindi na yun nakakapagtaka dahil sa pagkakakilala ko sa kanya so far ay ayaw nito sa nga bagay na hindi makakaapekto sa buhay niya.

First day: nahilo na ako sa mga binabanggit ni Preceptor Navitas, isang maganda at sexy na guro namin sa Super Physics. Isang subject kung saan tinuturo ang pagbuo ng kapangyarihan o sandata mula sa enerhiya ng isang keeper.

Preceptor ang tawag namin sa mga guro sa academy. Katumbas sila ng mga propesor o kaya'y guro. Exciting na mahirap ang Super Physics. Sa subject na ito ay kaming mga baguhan lang ang magkakaklase. Walong lalaki at pitong babae. May mga basic subjects naman na tinuturo ng bawat house or division. Kung sa monceros ay mas madaming mind reading, mind control, illusion and telepathy subjects, sa columbae naman ay more on healing, resurrecting, body control and buff support, and power diffusion. Sa draco, more on attack and defense. Sa special subjects lang kami magkakaklaseng labinlimang novice.

Nakakatuwa nga kasi may special subjects kaming target tracking kung saan lahat ng newbie sa tatlong house ay magkakaklase. May mga basic at special subjects ang bawat novice keeper hanggang sa graduation. Sabi ni tatang Dravan, after ng graduation malalaman kung saang sangay kami ng capitol mapupunta.

Labinglima dapat kami sa klase, kulang ng isa -si Laurent. Kaming labinlimang pumasa sa pagsusulit sa Garon at sinunog sa ardens. Katabi ko si Amber sa likuran na halatang nabobore na sa lecture dahil obviously ay alam na niya ang nilalaman ng libro.

"Energy is the the physical or mental strength that allows you to do things. It is a usable power coming from the heat of your body and the electricity that is usually manipulated by your brain. Dito nanggagaling ang energy ball na binubuo niyo at binabato sa target. Mula sa nabuong form of energy, as you go farther manage to master you skills, you will be able to form blazing arrows, energy swords, shields, or any form of weapon or shield you want."

Nosebleed. Ni hindi ko nga alam kung papaano maglabas ng energy by just clutching my weak hands. Hindi na naman ako nakakarelate.

Tumagal nga ng dalawang oras ang lecture ng preceptor. Hanggang sa dumating ang kinatatakutan kong practicum na ginawa sa shielded gym ng house of draco. Nagpasiklaban ang mga kasamahan namin. Hindi rin naman nagpahuli si Amber. Hanggang sa ako na ang tinawag. Nasa harap ako ng labingtatlo ko pang mga kasamang baguhan. Nasa likuran ko si Preceptor Navitas, nakaantabay.

"Okay Miss Lara, simulan mo na... magfocus ka. Buuin mo ang porma ng iyong enerhiya. Diyan mo iproseso sa utak mo kung gaano kataas ng level ang gusto mong pakawalan. Ipunin mo lahat ng nararamdaman mong enerhiyang dumadaloy sa iyon katawan sa pinakasentro ng iyong katawan. " Utos ni ng guro. Matiyaga ito sa pagtuturo. Kahit na alam niyang nahihirapan ako'y inuulit-ulit niya ang proseso ng paggawa ng energy ball. Isa na siya sa mga favorite teacher ko.

"Sorry Preceptor Navitas, parang hindi pa ako handa," paumanhin ko... marahil ay mukha na akong tanga sa lagay na yun dahil ang mga kaklase ko ay hindi nahirapan sa paggawa ng energy ball. Mas lalo pa sigurong kahiya-hiya kung nandoon si Laurent na kung sa paggawa din lang ng energy ball ay walang kahirap-hirap, baka pagtawanan pa ako nun.

"Okay Lara. Last try na. Ulitin mo lang yung proseso. Just trust your self okay?" Navitas convincingly claimed. She really knows how to motivate her students.

So trying ro remove my desperation, sinubukan ko uli. This time with a triple effort. Pinagpawisan ako.

"Ramdamin mo yung pagdaloy ang init patungong centro ng katawan mo. Your head should dominate the control. Let your imagination work!" She instructed.

Ginawa at sinunod ko lahat ng sinabi ni Navitas. Paulit-ulit. Nakakapagod. Nakakaubos ng lakas. "Uhg!" I heaved heavily. Naramdaman kong may kuryenteng dumaloy sa mga ugat ko. Nakakamanhid... dinama ko ang bawat kalamnan ko hanggang sa parang nasusunog na ang bawat bahagi ko. Jeez!

"Feel like burning?" Navitas asked wit a fluky smile. She gestured her hands like instructing me to gather the heat to the central part of my body. Oh I'm feeling it.

Nagfocus ako, inutusan ko ang dumadaloy na enerhiya sa aking katawan na para bang ang mga ugat ko ay isang mahabang kanal na dinadaluyan ng tubig. It was effective.

"Now use the electricity on your head to put that energy to your hands." She was hopeful, "okay Lara, good! Now gather your hands like you're weaving each energy together to form a ball of power."

Naramdaman ko habang ginagawa ko ang sinasabi ni Navitas na bahagyang nakuryente ang dulo ng aking nga daliri. Ramdam kong parang nagtatalitali ang bawat hibla ng enerhiya upang maging isang energy ball. It came out. It's a white energy ball... Natuwa ako at nagulat at the same time! Nang tinangka kong pakawalan ang maliit na energy ball mula sa aking palad at bigla itong nalusaw at nawalang parang usok lang. Pagkatapos nun ay para akong hinigupan ng lakas dahil lang sa pagpapakawala ng almost-energy-ball. Ang hirap pala, pero para sa iba parang napakadali.

"Wow! It's almost there! Good job! Masasanay mo rin ang sarili mo at mapeperfect mo din yan." Navitas cheered trying to make me feel better.

It's almost there. Almost.

Natapos ang klase kay Preceptor Navitas. Nang magdismiss ang guro ay mabilis akong hinila ni Amber. Halatang may importante itong sasabihin. Mabilis ako nitong nadala sa likuran ng house of draco.

"May pupuntahan tayo!" atat nitong sabi sabay kabig sa kanan kong braso na parang may hinahabol.m

"Saan?" taka kong tanong na sinabayn ng nakunot kong noo.

"It's operation secret wings! Hahanapin natin ang winged light keeper ngayon din!"

###

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon