Chapter 29: Long time no see
◆◇◆◇◆◇
"Ahm. Ma'am Asol!" Tawag ko sa head ng department namin kung saan ako kabilang.
"Why?" Tanong niya na nakataas ang kilay. Aga-aga nagsusungit.
"Ahm. Magfifile po sana ako ng resignation letter." Sabi ko sabay abot nung resignation letter ko.
"Ano?! Masyadong busy ang kompanya because of the new owner tapos isisingit mo pa 'yang resignation na 'yan. Maghintay ka na lang pwede? at baka isa ka sa matanggal." Masungit na sabi nito at tinalikuran na ako. Aba't! Umirap na lang ako sa kawalan, busy raw pero nakita ko siyang nagsho-shopping kahapon sa mall. Kainis. Padabog akong bumalik sa may office ko.
"Ay! Ano ba yan Hannah!" Inis na sabi ni Rem, may ginagawa kasi siya at mukhang nagulat dahil hinampas ko lang naman 'yung resignation letter sa table.
"Kaasar!" Inis kong sabi at umupo. Ang sabihin niya tamad lang siya. Sus! Busy daw!
"O na-aprubahan naman 'yang kaartehan mo?" Tanong niya. Kaartehan?
"Anong kaartehan pinagsasabi mo diyan?" Sigaw ko sa kanya.
"Kasi hindi ko alam kung bakit magreresign ka. Diba nga sabi mo ayaw mong matanggal? O ediba kaartehan tawag diyan. " sabi niya at inirapan ako. Tusukin ko kaya ng ballpen 'yung eyeballs niya. Nagiinarte ba ako? Well hindi naman ako magreresign kung 'di dahil sa Drake na 'yan. Isa siyang malaking epal sa tahimik kong buhay. Hindi ko naman alam kung bakit ganto ang buhay. Kainis!
---
Inis kong tiningnan ang telepono na nasa harap ko. Wala talaga ako sa mood today.
"Hello?!" Sagot ko.
"Is this Ms. Hannah Sanchez?" Tanong sa kabilang linya. Sino paba?
"Ako nga." Sabi ko.
"You need to come at the president's office immediately." Wiika nito. President? Si Drake?
"Ahm bakit daw?" Tanong ko.
"I don't know." Sabi nito at ibinaba na ang telepono. Bastos! Ngayon ko lang nakikita ang tunay na ugali ng mga katrabaho ko.
Inis akong tumayo mula sa pagkaka-upo at nag-marcha papunta sa president office kuno.
Okay! Siguro alam niya na nandito ako. Pinatawag pa nga niya ako diba? So ano pang magagawa ko mamaya sabihin nun pag hindi ako humarap ay guilty ako sa nagawa ko sa kanya. Teka? Hindi ako guilty okay?
Tsaka hindi ko na talaga siya matatakasan, kung tinadhanang magkita kami so be it. Teka? Tinadhana?
Huminto ako sa harap ng sekretarya ni Drake abala ito sa kung anuman.
"You must be Hannah? Pasok kana." Turo nito sa pintuan ng office ni Drake.
Agad naman akong naglakad papunta doon pero huminto din agad. Goodness! Bakit parang ang bilis naman ata masyado ng heartbeat ko ngayon. Normal ba 'to?
Sinigurado ko muna na nasa huwisyo ako bago ako taas noong pumasok sa loob.
"Mommy!!!" Muntik na akong matumba ng may maliit na tao ang dumamba sa mga binti ko.
Tiningnan ko si Dale na ngayon ay umiiyak na.
"Dale." Mahinang sabi ko. Na-miss ko siya. Yung feeling na ang tagal mong nawalay sa anak mo.
"Sorry na Mommy, I will never be get mad to you anymore." Sabi nito. Lumuhod ako para magkapantay kami. Agad ko siyang niyakap at niyakap niya naman ako pabalik.
"Okay. I forgive you." Sabi ko. Tiningnan niya ako, lukot parin ang mukha niya at namumula ang ilong dahil sa pag-iyak niya.
"Really?" Tanong nito. Kulit!
"Ye-"
"Dale." Agad akong napatingin sa likod ko ng marinig ko ang boses ni Drake. Napasinghap pa ako ng makita ko siya, grabe ang gwapo niya parin talaga.
"Hannah long time no see." Pormal na sabi nito. Eh?
---
V&C
BINABASA MO ANG
I'm Hired: to be a Mommy
RomanceI'm Hired: To be a Mommy Copyright ©2014 ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieva...