Chapter 11: condition

23.4K 557 6
                                    

Chapter 11: condition 

◆◇◆◇◆◇

Matapos naming kumain ng dinner ay pinatulog ko muna si Dale pagkatapos ay kakausapin ko na si Drake . Nang masiguro ko na tulog na siya ay lumabas na ako ng kwarto . Medyo kinakabahan ako dahil hindi ko talaga sigurado kung mapapayag ko ba siya . Kita naman kasi sa mukha niya kanina na ayaw niyang mag-aral sa isang school talaga si Dale , gusto niya itong i-homeschooled . At base sa pagkakakilala ko sa kanya siya yung tipo ng tao na pag nag-desisyon ay yun na yun . Hindi na mababago .

Nasa tapat na ako ng mini office niya dito sa bahay dito kasi siya naglalagi sa ganitong oras. Kumatok na ako .

''Tok tok ! ''

Hinintay kong buksan niya pero wala kaya naman kumatok uli ako .

''Tok tok !'' matapos ng limang minutong paghihintay ay wala parin . Bwisit! ang tagal naman niyang buksan nakakinis na siya ha !

Drake ?! ''tok tok'' hindi ko na napigilan at tinawag na siya pero walang sumasagot inilapit ko ang tenga ko sa may pinto at pinakiramdaman kong may tao nga ba sa loob at baka nagmumukha na akong ewan dito kakakatok tapos wala namang tao . At sa kamalas-malasan nga naman nagmukha nga akong ewan dahil mukhang wala ng tao . Baka nasa kwarto na 'yun? So kakatokin ko pa siya sa kwarto niya?   Kainis ! syempre kelangan ko siya makausap ngayon din ayaw kong madissapoint sa akin si Dale.Nagtungo na ako sa kwarto niya at ng nasa labas na ako ay walang pag-aatubiling kinatok ko na '' matapos lang '' .

Tok tok

Drake?! gising kapa ba? tanong ko ang tagal naman buksan nito . Imposible namang tulog na 'yun masyado pang maaga . Nakarinig ako ng yabag malapit sa pintuan at alam kong siya na yun . Nang magbukas ito ay bumungad sa akin ang topless na si Drake . Tae ! hindi ko mapigilan tingnan ang katawan niya .

Ahemm . napaangat naman ang tingin ko ng dahil dun . Takte! Baka akalain niyang pinagnanasahan ko siya .

Nandito kaba para lang pagnasahan ang katawan ko . nakangisi niyang sabi . Sabi na nga ba ! as expected may kayabangan din siyang taglay . Hindi ko na lamang sya sinagot sa pang-aasar niya dahil nandito ako para kay Dale , kailangan ko siyang makausap.

Pwede ka bang makausap . nakatingin kong tanong sa kanya , pinipigilan kong huwag bumaba ang tingin ko sa katawan niya . Okay naman talaga ang itsura niya naka pajama siya na itim yun nga lang wala siyang damit pang-itaas . Wala na ba siyang damit na maisosoot ang alam ko kakalaba lang ni Manang .

what for? tanong niya na nakataas ang kilay .

about Dale . sabi ko , hindi niya ako sinagot at pumasok na sa kwarto niya pero nakabukas pa ang pinto niya . Ano yun?

pumasok kana , dito na tayo mag-usap ayaw ko ng lumabas . sabi niya mula sa loob . Seryoso ba siya? . Pumasok na ako sa kwarto niya dahil sa oras na ito ay wala akong karapatan na mag-inarte dahil ako ang hihingi ng pabor. Nang makapaso na ako ng tuluyan ay hindi ko napigilan na ilibot ang mata ko sa kwarto niya malaki ito , malinis at lalaking-lalaki ang dating .

So anong tungkol kay Dale yan ? tanong niya , nasa kama na siya ngayon at nakasandal ang likod niya sa headboard ng kama .

Uhmm, hindi mo ba talaga siya pwedeng payagan na mag-aral sa real school? tanong ko sa kanya .

 I said no already right? 

e' naisip ko lang naman na mas magandang sa school mo talaga siya pag-aralin para magkaroon siya ng maraming kaibigan doon , bata siya at kailangan niyang maranasan yung mga ganong bagay. sabi ko , totoo naman diba mas maganda ang real school dahil mag-kakaroon ka ng maraming kaibigan doon .

I don't know . I just only want to protect him . sabi niya.

Hindi naman dahil nasa labas siya ng bahay ay hindi mo na siya maproprotektahan , you know kailangan niya rin makasalamuha ng mga tao sa labas para naman mas tumaas ang confindence nung bata sa sarili niya .

Why ? hindi paba siya confident ? He's energetic . Lagi siyang maingay at makulit hindi pa ba confidence ang tawag mo doon? sabi niya na nakataas na naman ang kilay . Ang hirap kausap ng isang 'to .

Sa kakilala niya lang siya ganoon pero pag sa ibang tao hindi na , napapansin kong nahihiya siya . sabi ko minsan kasi pag nagma-mall kami ay todo kapit siya sa akin hindi kagaya pag nasa bahay ay masyado siyang aligaga .

Okay if thats what you want . Then pumapayag na ako . natigilan naman ako sa sinabi niya at hindi ko mapigilang ngumiti ng malaki . Yes ! pumayag siya sigurado akong matutuwa si Dale dahil ito talaga ang gusto niya .

Talaga ! O my G . Salamat sigurado akong matutuwa si Dale. sabi ko sa kanya hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti naiisip ko na ang magiging reaksyon ni Dale bukas sigurado kong matutuwa ng sobra 'yun .

But I have my condition . sabi niya na nagpaalis  ng ngiti ko . Bakit may ganon pa ? Grabe hindi talaga siya pumapayag ng walang kapalit.

Ano naman  ? 

Na' hindi ko muna sasabihin sayo paunti-unti lang muna . anong paunti-unti lang ? ibig sabihin marami itong kondisyon dahil lang sa pagpayag niya .

Paunti-unti? edi andami ng kondisyon mo? hindi ko mapigilang magtaas ng kilay din , nakakainis kasi hindi ba pwedeng pumayag na lang sya at wala ng kondisyon .

You got it right but as for now matulog kana at  maghanda ka para bukas. sabi niya ng nakangisi .

Maghanda? para saan naman 'yan ? sige na kahit anong kondisyon ay okay lang basta para kay Dale .

 I was invited at my friend's party and you will be my date tommorow . 

So isa 'yan sa mga kondisyon mo? tanong ko sa kanya .

Yes . sabi niya .

Okay anong oras ba? 

6:00 pm aalis tayo dito . sabi niya at tumayo nang kama niya . 

okay . lalabas na ako . Goodnight . tumayo narin ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa sa loob ng kwarto niya at humakbang na para makalabas . Sumunod naman siya malamang ay para maisara ito pagkatapos koong makalabas . Napaharap ako sa kanya nung magsalita siya, nasa labas na ako ng kwarto niya .

Hey ! tommorow okay 6:oo pm . Dont forget about it ! Pag-uwi ko bukas i'll just change and we're heading off . Okay ?  sabi niya .

Okay. tanging sabi ko nalang .

Goodnight . sabi niya ng nakangiti at hindi ko namalayan

O_O hinalikan niya na pala ako sa labi .  

Nakagalaw lang ako matapos niyang isarado ang pinto sa kwarto niya . Bwisit ! naisahan na naman ako nun ! Wag mong sabihin na isa rin yun sa kondisyon niya . '' E' tanga mo naman kasi natulala ka lang imbes na itulak at sampalin siya'' kastigo ng isip ko . 

Arrrggghh ! 

---

vote . comment po .

I'm Hired: to be a MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon