Chapter 25: I need to leave
◆◇◆◇◆◇
"Drake" Nilingon ko si Drake at wala man lang akong mabasang reaksyon sa mukha niya. What the- kung sinabi na namin sa bata kaagad ay hindi namagiging kumplikado ang lahat. Tapos ano 'to?
Wala man lang siyang pakialam sa nangyari?
Nilapitan niya ako at itinayo mula sa pagkaka-upo ko sa sahig.
"Stop crying" sabi niya at inalalayan ako na maka-upo sa kama niya. Tiningnan ko siya kung kanina ay wala akong makitang reaksyon sa mukha niya ngayon naman ay bakas dito ang pag-aalala.
"Paano na 'yun? Galit na sa akin si Dale." sabi ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko. Natatakot ako na magalit sa akin si Dale. Ayaw kong makita ulit 'yung reaksyon niya kanina para bang ang sama-sama kong tao para sa kanya.
"Bata pa lang 'yun. Baka nagtatampo lang. Everything will be okay" pag-alo niya sa akin. Tumango-tango naman ako na para bang sumasang-ayon ako sa sinabi niya. Sana nga ganun lang iyon, 'yung nagtatampo lang siya.
Nang matapos ako sa pag-iyak ay napagpasyahan kong pumunta na sa kwarto namin si Dale. Nang makapasok ako ay nakita ko siyang nakatalukbong sa kumot niya. Humiga ako sa tabi niya at agad naman siyang umisod palayo.
"Baby" tawag ko atsaka ko sya hinawakan. Tinabig niya lang ang kamay ko at umisod na namn palayo sa akin.
"Don't touch me! Ayoko sayo?!" sigaw niya.
"Dale, 'wag ka nang magtampo" paglalambing ko sa kanya, tinanggal niya na 'yung kumot na nakabalot sa kanya kanina nakita ko na namamaga na 'yung mata niya.
"Why are you here? Diba hindi naman ikaw 'yung mommy ko?" sabi niya at muling nagtalukbong ng kumot.
Sa sinabi niya ay nakatulala na lang ako habang umaagos 'yung mga luha ko. No- ayoko magalit siya sa akin, aalis ako pero hindi 'yung galit siya sa akin.
---
Nakatanaw lang ako kay Dale habang naglalaro siya ng kanyang laruang kotse sa may garden. Ilang araw narin matapos mangyari iyon at simula nun ay hindi na niya ako pinapansin. Hindi na nga rin siya nagpapahatid sa akin sa school niya at kapag naman matutulog kami ay parang wala siyang katabi. Invisible ako sa kanya. Ang sakit pala pag ganto, napamahal na siya sa akin ng sobra kung pwede nga lang na anak ko na talaga siya. Nasaktan ko ''yung damdamin niya alam ko 'yun, ang bata-bata pa niya para makaranas ng ganitong pakiramdam.
Minsan nga iniisip ko kung nagsisisi ba ako at tinaggap ko ang trabaho na ito. Kasi diba kung hindi ko ito tinaggap edi sana hindi masasaktan ng ganito si Dale, hindi siya makakaranas ng kasinungalingan mula pa sa tinuring niya ng ina. Pero pag iniisip ko 'yung mga oras na magkakasama kami, 'yung time na naglalambing siya sa akin hindi ko magawang magsisisi sa desisyon na nagawa ko. Selfish na kung selfish pero ang saya-saya ko ng mga panahon na 'yun.
Nakita ko si Jenna na papunta kay Dale at may dala-dala siyang tray, maybe Dale's snack.
"Jenna ako na mag-dadala niyan" sabi ko, nginitian niya ako.
"Sige po" sabi niya at ibinigay sa akin ang tray at pagkuway umalis narin. Lumapit ako sa kinaroroonan ni Dale nandoon siya at nakasalampak sa may bermuda grass. Busy siya sa pag-lalaro kaya naman hindi niya namalayan ang paglapit ko sa kanya.
"Dale baby com'on mag meryenda kana" sabi ko sa kanya ng nakangiti. Nag-angat siya ng tingin at nakakunot noo akong tiningnan.
"Ayoko mag-eat" sabi niya at bumalik ulit sa kanyang paglalaro.
"Nope hindi pwede, look Manang Fe baked you a cookies. Your favorite buttered cookie!" sabi ko sa masiglang boses. Tumayo na siya kaya naman napangiti ako.
"I said I don't like to eat! Are you deaf !?" sabi niya at tumakbo sa kung saan. Nanghina ako sa narinig ko kaya naman napaupo na lang ako sa damo.
God... Anung nagawa ko kay Dale dahil sa pagsisinungaling ko nakaapekto iyon ng malaki sa kanya. Feeling ko hindi siya magiging okay hanggat nandito parin ako 'yung malapit parin ako sa kanya at ramdam niya parin ang presensya 'ko, alam kong kapag nakikita niya ako ay lagi niyang naiisip 'yung kasinungalingan na ginawa ko.
I need to leave... Kaya lang naman ako nag-stay pa dahil gusto kong umalis na maayos kami sa isa't-isa but I know hindi pa ito 'yung time, the pain I've caused to him is too much it takes time to vanished it and I willing to wait for that. But thinking of leaving Dale and Drake make me cry. Napaluha ako habang nakasalampak sa damo gusto kong magwala ang simpleng buhay na meron ako noon ay ibang-iba na, kung dati ay kailangan ko lang ng maayos na trabaho para makakain at makapagbayad sa matabang landlady 'ko ay iba na ngayon. Parang hindi na lang iyon ang kakailanganin ko para mabuhay I need Drake and Dale in my life. Pero kailangan ko ring hanapin ang sarili ko, pakiramdam ko matapos ng pagpapanggap ko parang nag-iba pati pagkatao ko, 'yung feeling na parang hindi mo na alam kung sino ka ba talaga. But for now...
I need to leave...
----
VOTE & Comment
BINABASA MO ANG
I'm Hired: to be a Mommy
RomanceI'm Hired: To be a Mommy Copyright ©2014 ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieva...