Chapter 35: For a change

22.6K 462 13
                                    

Chapter 35: For a change   

◆◇◆◇◆◇

"Rem sigurado ka bang kailangan ganito ang suot ko? Para hindi opisina ang punta ko para akong papasok ng club nito eh!" Reklamo ko kay Rem. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Kaya ko bang magsuot ng ganto kaikli 'yung feeling na pagyuyuko ako makikita na yung panty ko.

"Ofcourse! Tsaka pwede ba Hannah if you want this plan to work you need to be cooperative!" Inis na sabi nito sa akin. Wow cooperative sa ganitong klaseng plano niya?

"You know what baka nga mas mapasama pa ang imahe ko sa kanya dahil dito!"  Sabi ko at inis na inis na hinila ko ang skirt pababa.

"O com'on Hannah. At ano ang isusuot mo 'yung mga pang-manang mong damit na nabili mo sa mga chipipay na store? Gosh sinong matinong lalake ang magkakagusto sayo?" Sabi niya.

Wow ha! Ang tabil talaga ng dila ng bwisit na 'to.

"Meton naman a! May iba diyan na ang gusto ay simple. You know simplicity is beauty!" Sabi ko sa kanya na namewang pa sa harap niya.

"Kaninong tangang qoute mo naman nakuha yan? Simplicity is beauty! Tse! Walang katotohanan sa mundo ang mga ganyan nu! Kung gusto mong magustuhan ng tao ay mag-bigay ka ng effort sa sarili mo!" Sigaw nito.

"Anong effort? Itong pagsusuot ng ganito kaikli?" Sabay irap ko sa kanya.

"Anong maikli diyan? Sakto lang naman medyo OA ka lang talaga! If you wan't to make our plan work you should follow me! Intiendez???"

"Oo na! Siguraduhin mo lang na hindi ako magmumukhang pupunta ng club nito." Sabi ko sa kanya. Well nakapag-agree na ako at nakapag-promise sa kanya na dapat hindi ko ginawa dahil feeling ko mapupunta sa kahihiyan ang pangalan ko sa mga pinaggagawa namin.

"O' eto naman ang isuot mo pang-taas." Bigay niya sa akin sa isang sleeveless na may napakanipis na strap, kulay black at halatang fit na fit.

"Are you serious? Rem pinagtritripan mo lang ata ako e'." Sabi ko sa kanya na hindi kinukuha ang damit na binibigay niya sa akin.

"Pwede ba Hannah! Tigilan mo nga ako sa kaartehan mo dahil hindi ka naman kagandahan para mag-inarte ng ganyan. Kaya nga ginagawa natin ito dahil hindi ka kagandahan kung mala-Marian Rivera ka ba naman ay wala tayong proproblemahin." Mahabang lintanya nito na nag pausok ng ilong ko.

Walanghiyang babaeng 'to! Paulit-ulit niya ng inaapakan ang pagkatao ko dahil sa pang-lalait niya a'.

"Baka gusto mong last day mo na dito sa apartment kung hindi mo titigilan 'yang kalalait sa akin, remember ako ang nagbayad ng upa nung nakaraan?" Banta ko sa kanya. Agad naman siyang ngumiti sa akin.

"Joke lang naman Hannah ito naman! Alam naman natin na maganda ka talaga ang kaso we just need to change a little 'yung pananamit mo." Maamong sabi nito.

"Tsaka may blazer naman iyan, ayun o" dagdag nito sabay nguso sa gray blazer na nakasabit sa pinto ng cabinet niya. Nang mapagtanto kung mukhang magiging safe naman ang itsura ko kapag sinuot ko 'yung blazer ay pumayag na akong suotin 'yung top na binigay niya kanina. Nang maisuot ko ito ay dali-dali akong lumabas ng banyo.

"Teka Rem parang maluwag ata itong bandang dibdib." Sabi ko.

"O' isuot mo yan." Bato niya sa akin sa isang bra na agad ko namang nasalo.

Bwisit 'to kelangan talaga ibato?

"Teka! No way!! Hindi ako magsusuot niyan." Sabi ko sa kanya sabay bato 'nung push-up bra sa kanya.

"Hoy Hannah 'wag ka ng mag-inarte! We both know na wala masyadong laman 'yang hinaharap mo! Kaya kung ako sayo isuot mo na 'yan. Haven't  you realized na kaya ka hindi napapansin si Papa Drake kahit pa naging fake kang ina ni Dale ay dahil ang tingin niya sayo lalaki dahil wala ka namang dibdib hmp."

Gusto ko nang maiyak sa pinagsasabi ni Rem, walang hiya siya lahat na 'ata ng parte ng katawan ko nilait na ng bruhang 'to.

"Oo na! Pero pwedeng i-zipper mo na 'yang bibig mo dahil baka hindi ako makapagtimpi sayo!"

---

Vote & comment ♡

I'm Hired: to be a MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon