Chapter 33: Maling akala

21.7K 483 15
                                    

Chapter 33: Maling akala

◇◆◇◆◇◆

Hayop na Drake! Pinapunta lang ako rito para ipamukha sa akin na ikakasal na ito at ang hitad sa harap ko. Pinilit kung ngumiti kay Belinda the leech kahit ang totoo gustong-gusto ko nang umiyak at magwala.

"Gusto ko nga sanang ikaw ang maging brides maid ko kasi si Drake ang best man. Pero kasi I already have my sister kaya-" hindi ko na pinatapos ang sinabi niya at biglang umurong ang mga uhog ko na ilalabas ko sana mamaya pag-uwi ko sa bahay.

"Bestman? Si Drake?" Tanong ko at tinuro ko pa si Drake.

"Yes, kasi siya lang naman ang nag-iisang pinsan na lalaki ni Steve, and you know naman Steve doesn't have brother." Wika niya. Okay ngayon ko lang napagtanto na isa akong malaking OA.

"Ahehe. Si Steve pala." Sabi ko na lang.

"Yes. Don't tell me akala mo si Drake ang pakakasalan ko?" Mapang-asar na tanong sa akin ni Belinda.

"Ha. Oo-i mean hindi. Ofcouse na se-see ko ang chemistry niyo ni Steve. Grabe! You look good together. As in good!" Masayang sabi ko sa kanya. Bagay na bagay sila ni Steve kaya naman dapat ikasal na talaga sila.

"Really? I know. You know yung pagmamahal namin sa isa't-isa alam kong walang makakasira. And I know na kami na talaga forever." Madramang sabi ni Belinda. Walang forever! Gusto ko sanang isigaw.

"Ofcourse kayo na talaga forever!" Wika ko. Sila na forever. At kami naman ni Drake ay bubuo ng forever namin! At dapat lang na sila na forever! Para hindi na siya makalapit kay Drake ko. Drake ko? Pwee!

"Mamaya na kayo magkwentuhan we should eat first." Wika ni Drake. Oo nga pala may kasama pa pala kami dito. Dahil sa kagustuhan kong magka-forever sila Belinda at Steve ay nakalimutan ko na ang tao sa paligid. Hindi naman siguro ako ganun ka-obvious na gustong-gusto ko na siyang ikasal? Well it's for the future of Drake kasama ako. Isa kang malaking desperada Hannah!

Kumain kami ng tahimik, kita mo nga naman pag mayayaman. Sobrang tahimik pag kumakain na, hindi ba nila alam na mas masaya 'yung may konting usap-usap? Nakita ko kung paano punasan ni Belinda ang nguso niya, seriously dapat ganun kahinhin? Teka Hannah? Belinda is not a leech anymore hindi na siya makakalapit sa Drake mo kaya 'wag mo na siyang pag-isipan ng kung ano-ano dapat nga magpasalamat ka sa kanya at nakapag-isip siyang magpapakasal na. Wika ng malanding si Rem sa konsensya ko. Si Rem talaga? Natawa ako sa kabaliwan ko.

"What's funny?" Tanong ni Drake.

"Hehe. Wala naman." Sabi ko sa kanya. Tinaasan lang ako nito ng kilay. Ang sungit ng koya!

---

"Anyway Hannah, I expect you in our wedding. K?" Pahabol ni Belinda sa akin, tapos na kasi kaming kumain at nagyaya na si Dale na umuwi.

"Yeah! Pupunta ako." Nakangiting sabi ko. At sumunod na sa mag-ama na nasa harapan ko.

Ngayong wala ng panggulo, mapapasaakin na kayo! Bwuhaha! Isip-isip ko. Feeling ko pag may makakarinig sa mga pinagsasabi ko ngayon mukha na akong desperada.

Lord please naging mabait naman ako at masunurin alam kong may mga kasalanan ako dahil hindi naman talaga yun maiiwasan pero ibigay niyo na lang sa akin 'yung dalawang D. You know Dale and Dra-

"Hannah!" Sigaw sa akin ni Drake. He's so sweet talaga. Note the sarcasm.

"What?" Inis kong tanong sa kanya.

"Make it fast! Maaga pa ang gabi para managinip ka."


---

Sorry for errors.

TNX for voting! Also for those who leave their comments in this story.

I'm Hired: to be a MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon