They said everything happens for a reason. Whatever that reason is, everything is where they are supposed to be.Standing here at the end of the hallway....Alam ko na... nasa tamang lugar ako.
He's hidden in the darkest part of the other end of the hallway. Sigurado akong lalaki siya. Tanging ilaw lang ng buwan ang nagbibigay ng ilaw para makita ang kalahating parte na kanyang mukha at katawan. He's wearing a mask, not like any other mask. Hawig ito sa mga maskarang sinusuot sa purge.
Unti-unti siyang kumaway sakin at tumapat na sa ilaw mula sa balcony. Kung dati ay hindi kita ang kanyang kabuoan, ngayon ay kitang kita na.
His eyes were cold and piercing as if he sees my soul. Yet everything about him felt familiar. His eyes, the way he stands, his built, everything.
He looked at me intently at pinakita ang kutsilyong nakalagay sa bulsa niya at iniangat iyon. Winawagayway niya 'to sa ere at tumawa.
He looks insane. He's burning with anger. Ramdam na ramdam ko iyon.
Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil napakatanga ko para pumunta dito. Ang dami na ngang red flags pero hinayaan ko na humantong ako sa gantong punto ni armas wala akong dala. Bakit ba sinalo ko lahat ng kabobohan ngayong gabi?
He took out his phone and called me. Tinawagan niya ang telepono ni James.
"Hello?"
"How are you, Francesca? Or you like to be called Eurydice now?"
He's wearing a voice changer. But the intensity of his eyes never changes. Hindi ko lang maalala kung saan ko nakita ang mga matang iyon.
"Anong pakay mo sa'kin?" I put on a brave face to hide my emotions. Hindi ako pwedeng manghina. Hindi ngayon.
"Straight to the business huh?
Don't worry, baby. I won't kill you. There's a time for that. For now, I just want to visit you because it seems like you're having fun."
Pinasadahan niya ang kutsilyo sa grills na malapit sa office at masayang tumatawa.
"Galvan ka nga. Matapang ka din gaya ni Savanah. Nakuha mo din ang ganda niya." he laughed loudly. "Putanginang mukha yan. Kala mo inosente pero tigre naman." May diin nitong sabi.
"For now, papakawalan muna kita. May box diyan sa tabi mo. May munti akong regalo sayo.
Let's just say it's a welcoming gift."
Pagkatapos non ay naputol ang linya kasabay ng pagkawala niya. Sa loob ng box nakalagay ang celphone ko at ang isang lumang photo album. Hindi ko alam kung siya ba si James o ano. Pero habang tumatagal mas palaki ng palaki 'tong kasong ito.
"Eury! kanina ka pa namin hinahanap." Sigaw ni Aya sa kalayuan habang nakita akong naglalakad palabas sa building.
"Sorry.. may ginawa lang."
"Sasusunod magsabi ka samin ah? Hinagilap ka pa namin ni ate Cloe kung saan saan."
"Asan si Dane?"
"Hinahanap ka din. Nakuha mo na ba cellphone mo sa soulmate mo?" ani ni Cloe.
"Ah oo tawagan ko lang si Dane."
"Wag na. Halika na sa baba at baka nandon na din yon." hatak ni Aya sa'kin.
Kasunod namin si Cloe at ang isang lalaki.
"Where were you?" Dane looks like he's been through hell.
"May kinuha lang sa office. Ikaw asan ka kanina?" Hindi ko alam kung saan nangaling ang mga katagang iyon. I asked Dane as if he was the guy I met earlier. I was frightened of how familiar he is na iniisip ko na baka siya si Dane. Pero impossible iyon.

YOU ARE READING
Saving Justice | The Lawyer Series #1
रहस्य / थ्रिलरHalos lahat ata ng bagay na kay Eurydice na. Masayang pamilya, maranyang buhay, kaibigan at marami pang iba. Ngunit, bumaliktad ang lahat ng ito nang patayin ang pinakamamahal niyang tatay, her mom was raped and abused, sinunog din nang mga taong yu...