"Mr. Liano, Stand up. How does a bill became a law?""The bill becomes a law when the lawmaker passed it."
"Of course, talagang magiging batas yan eh napasa na eh. Bobo ka ba? I am looking for some decent answer. Remain standing. Call a friend." Bwelta ni Attorney.
"Si Ocampo po, Attorney." Turo ni Liano kay Ocampo.
Pagkatapos ni attorney magshuffle ng card ay walang buhay niyang tinignan si Ocampo na ngayon nanginginig na.
"Hmm.. Ms. Ocampo, answer the question."
"I'm sorry, Attorney. Can you please repeat the question?" Takot na tanong ni Ocampo.
"I said, how does a bill becomes a law?"
"I didn't read that po." nakayukong sabi nito
"Seriously? Anong year na kayo hindi niyo pa den masagot yung tanong kung pano ba napapasa ang batas? Why are you even on law school?!"
Hindi na mapigilan maiyak ni Ocampo. Normal na tagpo samin.
"Stop crying. Right from the start alam niyo ng bawal balat sibuyas sa law. Kung dito palang nahihirapan ka na, pano iaasa ng mga magiging kliyente mo yung buhay nila sayo!? Might as well kill yourself now than to pull others down with you." She said emotionless.
Kasabay non ang pagtunog ng bell. She said her Farewells. Pero umiiyak pa den si Ocampo na nakatayo.
"Tahan na, Abi. It's just a bad recit. Hindi ibig sabihin it's a bad life." Simpleng tapik sa likod ni Asuncion
"You don't understand!" She broke down and cried even harder "I'm almost 1 year clean. Why does she had to bring up phrase like killing myself."
"Abi, hindi lahat makukuha mo sa paiyak iyak mo. So what? Tanggapin mo then come back stronger. Magbasa ka magaral ka. Patunayan mo na deserve mo maglaw school." Marco said.
"Stop na guys. Halika na Abi dadalhin muna kita sa cafeteria ng mahimasmasan ka." Aya said.
"No. I can't rest. 2hrs na lang class na na'tin sa Remedial Law. I can't afford to stop and rest." Abi gathered herself to compost.
That's the thing. You could teach a Medical Student how to be a Doctor, but you can never teach a law student how to be a lawyer.
They need to figure out everything on their own. Laging nagbabago ang batas at dapat marunong kang sumabay dahil mapagiiwanan ka kung hindi.
Tahimik na bumuntong hininga si Ocampo at pinilit na ngumiti. Kasabay non ay naghanda na kaming lahat papuntang library.
Parang walang nangyari. Simpleng tapik lang namin kay Abi sa kanyang balikat ay alam niya na na paraan namin yun upang sabihin na magiging maayos ang lahat.
Normal na senaryo na samin ang sabihan ng kung ano ano. Ilang beses na namin narinig ang salitang magpakamatay o bobo. Hindi na yon bago. Yung iba umiinom na ng paracetamol pag naririnig pa lang nila ang yabag ng mga terror naming prof. Yung iba ay nagdadasal na sa Diyos.
Habang naglalakad nagkatinginan kami ni Aya.
Marahil pareho kami ng naiisip.
Sa apat na taon na nagaaral kami, nagsimula kami sa 50. 50 na magkakaklase. Pero asa 10 na lang kami. 6 don ay alanganin pa.
Sa totoo lang hindi rin namin alam ni Aya pano ba kami umabot ng ganto katagal. Naalala ko noong 1st year yung makakausap namin na katabi namin bigla bigla na lang sila nawawala yun pala nag drop na at hindi na tumuloy sa law.
YOU ARE READING
Saving Justice | The Lawyer Series #1
Mystery / ThrillerHalos lahat ata ng bagay na kay Eurydice na. Masayang pamilya, maranyang buhay, kaibigan at marami pang iba. Ngunit, bumaliktad ang lahat ng ito nang patayin ang pinakamamahal niyang tatay, her mom was raped and abused, sinunog din nang mga taong yu...