"I just don't want to lead you on without clarifying my intentions." "I like you, Eury. It's not love yet but I think I can love you that's why I want to pursue you. You don't have to say your response now. I can wait for you." Hinawakan niya ang pisnge ko sabay halik sa aking noo.Kinuha niya ang mga kamay ko at nilaro ang mga iyon. Kasalukuyan kaming nakaupo sa dalampasigan habang hinihintay lumubog ang araw.
Masaya kaming bumalik ni Dane sa school para sunduin si Aya. Kahit wala pang depinisyon kung ano kami ay payapa ang puso ko. Hindi ko na kinakailangan na magtanong kung ano ba ko sa buhay niya dahil siya na mismo nagpahayag kung ano ako sa buhay niya.
"Did you already ask her out kuya?" sigaw ni Aya pagkapasok nito sa kotse.
"Yep. I told her because I want to ask her blessing about us." ani ni Dane sa akin
"Omaygad Eury bilang self-proclaimed best friend mo if hindi nagpaalam sa'kin yan nako tutol ako diyan even though he's my kuya. Duh, you deserve better kaya."
Aya clings to my arms habang nagkukwento tumawa na lamang ako dahil hindi ko lubos maisip na magkakaroon ako ng best friend gaya ni Aya o magkakaroon ng isang lalaki na kagaya ni Dane.
"Anyway, sa mansion tayo daretso kuya. Dad wants us to be there for some reason."
Aya and I talked the entire time. Nakwento niya ang mga napagusapan nila ni Mayor. Hinatid kasi nila Aya kanina si Tita Cassandra ang Mommy ni Aya sa airport sa kadahilanang aattend ito ng Fashion week sa France.
Kahit ang pangagaliwa ng Dad ni Aya ay nakwento din niya. Nagkausap na daw sila ni Mayor na hindi na to magloloko sa kadahilanang ayaw nito na humatong ang pamilya nila na hindi na sila nagkikibuan ni Tita Cassandra. Todo effort naman si Aya na magbigay ng tips para sa papa niya. Kaya naman sinupresa nila kanina ang ina niya.
Masaya man magkwento si Aya mababakas mo naman sa mga mata nito na ayaw niya ang pinagagawa ng ama niya. Ang tangi niya lamang magagawa ay tatagan ang loob niya dahil sa panganay siya at may mga kapatid siyang umaasa sa pamilya nila. Ayaw niya maranasan ng mga ito ng sakit na pinagdadaanan niya.
Kahit siya na lang ang sumalo ng lahat ng sakit. Wag lang ang mga kapatid nito.
Pagkatapak sa mansyon ay agad kaming sinalubong ng mga silbedora. Magaalasais na din kaya malamang ay naghahanda na ang mga ito para sa dinner.
"Good evening po yaya. Asan po si Dad?" bati ni Aya sa pinakamatandang yaya nila. Nagsimano naman kami bilang respesto dito.
"Asa garden may bisita. Ipapahanda ko lang sa mga katulong ang tsaa niyo habang naghihintay ng dinner." tumango ito sa amin at umalis na.
Pagdating namin sa Garden sumalubong ang isang magandang babae. Nakaside view ito kausap si Mayor pero bakas ang aking ganda nito. Maputla ang kulay ng balat nito. Porcelain terno sa wine red lipstick nito. Nakasatin white backless dress ito.
"Dad" Agaw ni Aya ng atensyon dito.
"Oh Aya, Eury, Dane, kayo pala. Si Ate Cloe mo pala." Sabay ngiti samin ni Mayor.
"Omaygad ate Cloe? how are you na? gosh it's been a year since you last visit." Sinalubong naman ni Cloe ang mga yakap ni Aya.
"Not now girl. Nakakahiya sa mga bisita." ani nito "Hi, good evening. Cloe Abigail Lustre." Pakilala naman niya samin.
"Francesca Eurydice Galvan."
"Hmm. Your name sounds familiar. Kilala mo ba yung dalawang abogado namatay magoone year na?"
nawalan ako ng hininga sa sinabi niya agad naman ako nakabawi at sumagot.
"Hindi."
"Ow owkay. My bad." Ngumiti ito at binaling ang tingin kay Dane.
Hinalikan nito ang pisnge ni Dane at kumapit sa mga braso nito.
Tinitigan lang ako ni Dane. Hindi man lang tinangal ang pagkakalihis ng mga kamay ni Cloe sa braso niya. Umirap na lang ako.
Napansin siguro ni Aya ang inis ko kaya naman ay hinatak niya si Cloe at pinagtabi kami ni Dane sa upuan.
"By the way kamusta ang pag-aaral niyo Eury?" tanong ni Mayor sa'kin.
"Ayos naman po Mayor. Sa ngayon wala naman po kaming inaatupag kundi ang pagaayos ng para sa nalalapit na ball."
tugon ko dito"Mabuti naman. Plano kasi magstay ni Cloe dito hanggang sa ball. Kaya naman mas mabuti na samahan niyo siya nila Aya para itour sa school."
"Wala pong problema Mayor." formal kong tugon dito.
"Tito na lang, Eurydice. Magiisang taon ka na dito sa Ormoc at para ka na ding kapatid ni Aya. Kaya naman ay parang anak na kita." nanaba naman ang puso ko sa sinabing iyon ni Mayor at isang banayad na ngiti ang sinukli ko dito.
"Osiya tara na sa dining table at nagugutom na ko. Aya rito na kayo matulog."
"Yes Dad."
Naging fruitful ang dinner namin. Bukod kasi nagopen up ng debate about sa Politics si tito at palaban si Aya ay nagengage sa diskusyon si Cloe. Tahimik naman kaming nakaupo ni Dane at tumatawa sa sobrang competitive ni Aya.
Pagkatapos ng dinner ay nagpaalam na si Dane na uuwi muna sa condo niya at susunduin na lang kami bukas ng umaga. Nagshower muna si Aya at sumunod na ako. Dito ako matutulog sa kwarto ni Aya sa kadahilanang 'girls night out' daw. Nanood lang naman kami ng 50 first date at 27 dresses. Lumalim na ang gabi kaya naman we decided to call it a night.
Dane: Can I call?
Patulog na sana ako noong nabasa ko ang text ni Dane.
Ako: Yep. Why?
Tulog na si Aya at si Cloe kaya naman ay dali akong lumabas sa balkonahe na walang ginagawang ingay. Pagkahintay ko ng ilang sandali ay tsaka tumunog ang phone ko at dali dali kong sinagot iyon.
"I miss you." bungad ni Dane.
"I miss you too." pigil hininga kong tugon dito.
"Are you jealous earlier? about Cloe?" tanong nito.
Oo. Leche ka.
"I know hindi ka aamin so I'll just pretend that you're jealous. I'm sorry, baby. The moment she'll do that again ako na mismo iiwas. I don't want you to go to sleep overthinking and making inexistent scenarios about that. I want you to know that we're on the same page."
"I understand. Hindi naman ako nagoverthink. Nainis lang ako kanina. But that's fine. Ngayon na lininaw mo na sa'kin ay okay na ako. We should go to sleep. Maaga pa tayo bukas."
"Yes, baby. Please... lutuan mo ko breakfast. Gustong gusto ko na luto mo una kong kakainin sa umaga."
"Sure. Good night, Dane."
"Sleep well, baby."
After that I went inside at nahiga na.
Ghad yung puso ko. He called me baby. Hindi ko na matago ang ngiti ko. Jusko Eury maaga ka pa bukas. Pagluluto mo pa si Dane.
Walang sisidlan ang saya ko.
Siguro nga nakikinig ang Diyos. Wala man ako sa sitwasyon na pinapangarap ko. Alam naman niya ang papatunguhan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/222353398-288-k166789.jpg)
YOU ARE READING
Saving Justice | The Lawyer Series #1
Mistério / SuspenseHalos lahat ata ng bagay na kay Eurydice na. Masayang pamilya, maranyang buhay, kaibigan at marami pang iba. Ngunit, bumaliktad ang lahat ng ito nang patayin ang pinakamamahal niyang tatay, her mom was raped and abused, sinunog din nang mga taong yu...