Tatlong araw na ang nakalipas simula ng dumating si Cloe at nagpahayag ng nararamdaman si Dane. Naging abala sa trabaho si Dane samantalang wala namang magawa si Cloe sa mansion kaya sumasama siya samin ni Aya. Ngunit madalas ay lagi kaming dalawa ang naiiwan kaya inis na inis na siya sa kadahilanang puro pangangasar ang inaabot niya sakin. Masarap asarin si Cloe. Bukod sa pikunin ito ay daretsa itong nagsasabi ng saloobin. Harsh and has no filter.
Kahit masakit ito magbitaw ng salita ay hindi ako nasasaktan. Mature magisip si Cloe bagay na ayon kay Dane ay pinagkapareho namin. She's a woman of substance.
"Dane! inaaway ako ng babaeng 'yan oh. Iwan mo na nga yan." tumakbo si Cloe papalapit kay Dane at kumapit sa mga braso nito. Tawang tawa kami ni Aya pag nakikita namin siyang ganyan. Kay Dane lang kasi lumalabas ang pagkaisip bata niya.
"Ang aga mo naman kaming sunduin." wika ko dito.
"I'll be flying home tonight. Pinapasundo sa'kin ni Papa si Tristan. I'll be back before the ball." Tinitigan lang ako nito at ngumiti.
"Pupunta dito kapatid mo?" ani ni Cloe.
"Yeah. He's planning on building a name here. You know, away from our family's business. Medyo urgent lang dahil hindi na siya mapigilan ni Papa. Mama would be so devastated if I don't pick him up."
Sa pagkakatanda ko sa mga kwento ni Aya ay si Tristan ang nakakatandang kapatid ni Dane. Ngunit hindi nagkakalayo ang edad nilang dalawa. Aya would tell me stories about her childhood and how she met Dane and Tristan. Madalas kasi daw noon ang papa nila Dane sa Ormoc ngunit ng magkaroon daw ng problema sa negosyo ay minabuti na nitong tumira sa Manila.
"Oh see you tomorrow then? Uuwi den ako samin ngayong hapon. Masyado ko ng naiwan ang bahay." Sabi ko sa mga ito.
"Are you sure? Hindi bat high risk ka pa din dahil sa stalker chuvanes mo?" Aya asked with worry.
"For someone like you 'di ko ineexpect na may magtatakang iistalk ka ah! Unbelievable." Cloe stated.
"It's okay. Wala naman ng nangyare pagkatapos non. I'll be fine on my own." I assured them.
"I'll text you after I land." Dane put his hand in my cheeks and brushed it.
Dahil ako ang iba ang uuwian ay ako ang unang hinatid nila Dane. Nagsabi ito na tatawag siya from time to time para kamustahin ako at siya namang pinahintulutan ko. Pagtapos ng paalamanan ay pumasok na ko sa bahay. Magaalaskwatro pa lang naman ng hapon kaya naman ay minabuti kong maglinis ng bahay. I also checked kung may mga signs ba na may pumasok sa bahay habang wala ako. Mabuti naman ay wala akong nakitang pagbabago. Nagorder ako ng mga hidden cameras mula sa trusted brand nila Aya. Ngayon ang dating non kaya naman ay maisesetup ko na. Mas mabuti na ang maingat.
Saktong alasingko dumating ang mga hidden camera na binili ko. Pagkatapos kong maglinis ay inasikaso ko ang mga iyon. Nagdesisyon ako na maglagay ng camera sa mga parteng madilim at di masyadong dinadaan lalo na sa labas. Lalo na sa labas ko nakita ang babaeng iyon. Naniniwala ako na hindi iyon guni guni. Totoo ang mga nangyareng iyon. Pagkatapos kong magset up ng camera, I connected it to my monitor. Just like in our old house there's also a hidden room in here. My mom and dad are so obsessed with precautions. Lahat ata ng properties namin ay may gantong built in panick room. Pumasok ako sa kwatro ko at iniangat ang headboard. May buttons don na pagpinindot mo ay mafofold ang bed at marereveal ang hagdan sa baba. It's also automatic. Pag umapak ka na pababa babalik sa normal na ayos ang kama. Pangapat na araw ko sa Leyte nang matagpuan ko iyon. Aksidente ko kasing nabangga ang head board. Akala ko noon ay ito yung daan sa basement pero may iba pang room bukod dito. Nasa loob kasi ng room na yon ang original blueprint ng bahay. May isa pang room which is ang basement na nasa ilalim ng staircase. Puro kahit anong hanap ko sa mga buttons don ay hindi ko yon mahanap. Pagkatapos ng lahat ay nagdesisyon na kong kumain. Simpleng pancit canton lang at itlog ang kinain ko. Ako lang naman magisa kaya hindi na ko nagabala pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/222353398-288-k166789.jpg)
YOU ARE READING
Saving Justice | The Lawyer Series #1
Misterio / SuspensoHalos lahat ata ng bagay na kay Eurydice na. Masayang pamilya, maranyang buhay, kaibigan at marami pang iba. Ngunit, bumaliktad ang lahat ng ito nang patayin ang pinakamamahal niyang tatay, her mom was raped and abused, sinunog din nang mga taong yu...