Kabanata 12

47 2 0
                                    

Hindi na namin pinagusapan ni Cloe ang nangyare kagabi. As if we had an unspoken rule to never talked about it again.  Ayos lang sa'kin iyon. I trust her.

After all, everything that's happening is a warning that there's a bigger picture than what we're seeing today. The welcoming gifts, him, pictures of people I don't know. Lahat ng iyon ay mga piraso lamang.

Time will tell. Ang kailangan ko lamang ang maging handa at maging matalino.

"So, wala pa ding paramdam si Dane sa'yo?" Tristan smirks are iritating.

Kay aga aga mukha na naman niya ang makikita ko. Ghad how annoying.

"So? Ano naman sa iyo yon?"

"Woah. Kala ko ba bati na tayo? Ang cute mo pag umiirap ka." Kindat nito sa'kin.

"Tss.."

"Hoy lovebirds! tigil-tigilan niyo yan ah ang aga aga bad energy kagad ang kinakalat niyo." Pagalit na sigaw samin ni Aya.

"Asan pala si Cloe?" tanong ko rito noong mapansin ko na wala siyang kasama. 7 am pa lang naman pero sayang yung free breakfast na sineserve nila kung hindi kakain si Cloe.

"She's busy. Tinawagan siya ng manager niya. Nagsabi na din siya na baka buong araw siya makipagmeeting so, we're free to do whatever we want daw." Aya stated.

Kahit umaga pa lang ay ramdam mo na ang init ng araw sa Palompon. I am wearing a bikini and a white mesh pants. Tamang lakad at titig lang sa alon ang ginawa ko. Busy naman si Aya sa beach bench dahil kahit nasa vacation kami ay nagtatratrabaho pa din siya. Lalo na't naging malaking issue ang nangyare sa gabi ng ball. Wala pa ding lead kung sino gumawa. The police asked me for questioning at tinugonan ko naman. All the people who are with me are also questioned. Maliban na lang kay Dane at kay Tristan na wala sa mismong aksidente. Naging successful man ang event despite of the accident, dissapointed padin si Aya sa sarili niya kaya bumabawi siya ngayon kay tito. Tito on the other hand didn't put the blame on her.

Tanging bugtong hininga na lamang ang nagawa ko.

"Come on, Eury. Let's play some games." ani ni Tristan sa tabi ko.

"Ano na naman yan?"

"Wala pa nga akong sinasabi nakabusangot na naman yang mukha mo!" He laughed loudly. Everything in him screams wrong. His devilish eyes, his grins, his sarcastic remarks, his face. Para bang hinulma siya ng Diyos to serve as a living warning sign. Pareho sila ni Dane na cold ang aura pero may kung ano kay Tristan na para bang anak siya ng Demonyo.

"What is it?"

"Treasure Hunting!"

"Treasure Hunting?" ulit ko rito. "San naman tayo magtetreasure hunt dito?"

"Here. The staff were giving this brochure earlier."

"A treasure hunting for kids, really?" Sarcastic kong tanong rito.

"What? don't judge me! wala kaming childhood ni Dane so I won't apologize for enjoying shits like this." Ani nito at nagpout pa si timang.

"Fine. Let's go. Basta libre mo 'ko ng milktea after nito." Pasuko kong sabi pero sa totoo lang masaya ako na makita na ngumiti siya. Hindi gaya ng nakakaasar niyang mga ngiti pero sincere ang mga iyon at para talaga siyang bata na nabigyan ng Ice cream.

I don't know anything about his past or Dane's past. But you can clearly tell based on how they react on things kung paano sila pinalaki ng mga magulang nila.

Saving Justice | The Lawyer Series #1Where stories live. Discover now