"Ms. Eurydice, himala at dumalaw ka. Bakit ? kilala mo na ba si Adreana?" Sabay tawa nito.
"Dean—"
"Aba Ms. Galvan baka nakakalimutan mo na isa ka sa dahilan bakit hindi na ko ang Dean ngayon." He said mockingly.
"Sir. With all due respect gusto ko lang tanungin kung sino si Adreana? At anong kinalaman ko sa kanya?" May diin kong tanong sa kanya.
"Pakiramdam ko alam mo na na si Adreana ang kambal ng mama mo. Iisang school lang kami nila Savannah kaya kilala ko siya. Unang kita ko sa'yo hindi maipagkakaila na Villamor ka. Hindi ko alam kung saan ka kumuha ng lakas ng loob para pumunta pa rito sa Ormoc. Hindi ba pinatay ang mga magulang mo?" Ngisi nitong tanong. "Dito ka pa talaga sa Ormoc dinala ng pagkakataon. Dito pa talaga sa kuta ng mga demonyong nagtatangka sa mga Villamor. Kala mo ba ligtas ka rito? Kala mo ba na gugustuhin ni Savannah na rito ka pumunta lalo na na rito rin namatay si Adreana? Hindi ka nga siguro matalino. Panong hindi mo iningatan ang pagkatao mo."
Dagdag nito. Totoo nga. Aminado ako na hindi ako maingat. Lalo na't hindi ko rin inimbistigahan ng mabuti kung ligtas ba ko rito sa Leyte.
"Hindi rin kita masisise sa mga naging desisyon mo at bata ka pa. Pero hindi ka ligtas dito sa Ormoc at kahit magtago ka malamang sa malamang ay mahahanap ka rin nila."
"Nila? Sino ba talaga sila?" Hindi ko mapigilang itanong yun. Hirap na hirap na ko sa totoo lang. Kahit sa pagtulog hindi ako panatag kasi pano kung bigla na lang silang dumating. Kahit kailanman hindi ako nakahinga ng maayos.
"Malalaman mo rin kung sino sila. Lalo na't nagiisa ka lang namang taga pagmana at bakit ka naman nila sasaktan kung nagiisa ka hindi ba?"
"Hindi nila ako sasaktan?"
"Hindi. Sabihin na lang na'tin na ang panget ng family history niyo. Binabawi ka lang ng totoong dapat na kasama mo."
Hindi ko maiwasang magalit.
"Pinaglalaruan mo ba ko? Anong pinagsasabi mong hindi nila ako sasaktan? Pinatay ang mga magulang ko sa harap ko. Simula ng mapunta ako rito sa Leyte, unti unti silang nagpapakita sa'kin. Tinatakot nila ako. At kahit hindi ako takot para sa sarili ko may mga tao akong malalapit sa'kin na pwede nilang saktan. Naiintindihan mo ba yun?" Pagalit kong tanong sa kanya.
"Tingin mo hindi ko naiintindihan? Tingin mo na gusto kong malaman lahat ng nalaman ko? Hintayin mo Eurydice ang susundo sa'yo. Tandaan mo Villamor ka. Halang ang mga kaluluwa niyo."
Ngayon ko lang natitigan ng maayos si Dean.
Pula ang mga mata niya at umiiyak na.
Magulo ang buhok niya at tila napabayaan. Namayat din siya halatang halata na hindi naging maayos ang lagay niya matapos makulong."Hindi lang ikaw ang may mahal sa buhay, Eurydice." Matapos niyang sabihin ang mga katagang yon, balisa siyang tumingin sa paligid namin.
"Ginawa ko na yung utos mo." Palahaw niyang iyak.
Parang huminto ang oras. Parang bumagal.
Inagaw ni Dean ang baril sa isang pulis na nakatayo para i-supervise kami. Kasabay non tinutok niya ang baril sa ulo niya. Kasabay ng putok napuno ng hiyawan sa buong police station.
Pagkatapos non nandilim ang mga pananingin ko.
...
"Eury?"
"Mommy?"
"Eury, anak..sumama ka na sa'kin."
"Mommy?"
YOU ARE READING
Saving Justice | The Lawyer Series #1
Misteri / ThrillerHalos lahat ata ng bagay na kay Eurydice na. Masayang pamilya, maranyang buhay, kaibigan at marami pang iba. Ngunit, bumaliktad ang lahat ng ito nang patayin ang pinakamamahal niyang tatay, her mom was raped and abused, sinunog din nang mga taong yu...