"Anong dinner natin?"
Bungad ni Aya sa akin sa kusina.
"Caldereta."
"Talaga?! Omg kuya Dane, alam mo ba magaling magluto tong si Eury! Nako, baka di mo na gugustuhing umuwi pag natikman mo luto niya. Wag na wag mong tatangkain na agawin sakin bestfriend ko, nako talaga. Akin lang si Eury!"
Sigaw naman ni Aya. Medyo malayo ang kusina sa dining area. Bahagya naman akong natawa sa mga pinagsasabi niya.
"Sige na, Aya. Tulungan mo na kong maghanda sa Dining para makapagpahinga na tayo bago magdigest ng kaso."
Sumunod naman si Aya sa sinabi ko. Habang nagsasandok ako ng ulam, nagaayos naman ng lamesa si Aya. Mabuti na din yun at baka maweirduhan pa sakin si Engineer bakit sobra sobra ang plato. Pag kami kasi ni Aya, hindi siya nagtatanong bakit sobra yung platong nahahanda ko. Para bang nagkakaintindihan na kami kahit hindi ko man lang sinasabi sakanya ang dahilan.
"Tara na, kumain na tayo." aya ko sa kanila.
"Grabe ka, Eury! Ang sarap mo talagang magluto, samantalang ako triny ko magluto, imbis na yung linuto ko yung sumarap, ako yung sumarap."
Nagtawanan naman kaming tatlo. Habang kumakain, napagusapan namin tatlo yung mga kaso na idadigest namin. Madami dami kasi yun kaya mas maayos kung maaga din namin matatapos. Napagkwentuhan din namin yung proyekto ni Dane.
Pagkatapos kumain, si Dane na ang naghugas ng mga plato at kalderong nagamit. Naging abala naman ako sa paglilinis ng kusina at si Aya naman ay natulog muna sa kwarto ko. Early dinner kami kaya may oras pa para magsiesta at magpahinga.
"Coffee?"
"Sure." inabot ko na ang mug sa kanya habang linalabas ko naman ang mga kaso na binigay samin.
"Where are your parents?"
"Iniwan na nila ako." malumanay kong sagot.
"Pareho pala tayong iniwan."
Napatingin ako sa kanya. That statement gives me chills. His cold and dominating aura was replaced. He looks as if he was lost for so long. Walang mali sa sinabi niya pero ramdam ko bawat salita.
Iniwan.
Tinignan ko ang mga puno sa tapat ng balkonahe namin. Dito namin napili mag kape at magmuni-muni muna.
"Hindi lahat ng umalis, gustong umalis. Hindi lahat ng nangiwan, gustong mangiwan. At some point we're bound to left or be left. Kasi pano tayo matututong maging matapang niyan?"
Dinama ko ang simoy ng hangin.
"Don't worry, you're just as lost as me." sa pagkakataong ito siya naman ang tumingin sa'kin.
Nginitian ko siya.
"I hope someday you can smile brightly at me." Tinignan ko siya at tumawa.
"Bakit? Nakangiti naman na ako sayo ah. Kahit mahal ngiti ko, ngumingiti na ko sayo."
"Masaya ka lang sa labas pero hindi sa loob. Kita sa mga mata mo." Ngumiti siya sakin. "Hanggat 'di ko nakikita yung ngiti mong totoo, hindi ako titigil na lumapit sayo."
Sana nga.
Napabuntong hininga ako."Hindi ba may Francesca ka sa pangalan mo?" Tuloy niya.
"Hindi ko na itatanong kung pano mo nalaman. For sure sinabi ni Aya. Baka nga pati number ko alam mo na eh. Pero oo, may Francesca nga ako." Umirap ako at naging hudyat para tumawa siya ng malakas.
"Alam mo ba ang meaning ng Francesca ay Free one. I'll stay until you're free from the one that holds you down." Tumingin siya sa kawalan. Kasabay non ang pagkawala ko sa mga iniisip ko.
Tayo naman kasi diba ang pumipili kung saan tayo papunta?
"Aya, may napansin ako sa kaso ni Leo Echegaray." Pagkatapos naming magkape ni Dane, ginising na namin si Aya. Nagpaalam naman siyang uuwi na dahil may kakausapin pa siyang kliyente mamaya.
"Who's that? Yan ba yung first na pinoy na nahatulan ng death penalty?"
"Oo, according sa isang article na nabasa ko. There's an existing group of Judges na eager magbigay ng death penalty. The group was called Guillotine Club. Later on those who are involved in Death Penalty admitted that out of 10 cases, 7 don ay possibleng inosente. Kung titignan mo parang ginawang Guinea Pig si Echegaray."
"Well, he deserves it. Hindi ba nang rape siya?"
"True. Ang interesting lang kasi hindi ba nabangit ni Attorney, nagmamajong lang daw si Erap noong pinapatay na siya sa lethal injection? Too think siya yung first na taong hinatulan ng kamatayan."
"Yup. Anyway nakalimutan kong itanong kung bakit nga ba wala na yung death penalty sa pinas ngayon. Inabolish ba?"
"Nope. Law cannot be abolish. Wala tayong batas na nagaabolish ng law, ammend lang ganon. Tulog ka noong tinanong ng kaklase natin yan. Puro ka kasi tulog eh. Buti di ka nahuli ni Attorney."
"Syempre. Law is life but tulog is lifer. Sabi nga nila, mas okay na bumagsak kang maganda kesa bumagsak kang stress. Kahit ano naman gawin mo pag asa law school ka pabagsak ka pa den 😂. Kaya mas magandang bumagsak ng fresh."
Napailing ako. Ganto mindset ni Aya sa pagaaral pero mamaw naman. Parang 'di running sa top ten highest GWA.
Nagfocus na lang ako sa pagbabasa ng articles and cases. Need pa namin imemorize lahat. From facts to rullings. Ganon din ginawa ni Aya. People from our school thought we had it easy. Running for top ten kasi kami ni Aya. Kaya isa din kami sa laging tinatawag ng mga professor to recite. Kala nila kahit hindi kami magaral masasagot namin yung tanong. But the truth is, wala sa talino para makasabay ka sa law school. Kung gusto mong pumasa, magbabasa ka. Mag ttiyaga ka. Mag effort ka. That's why I hated people who use intelligence as an excuse for them not to study.
The pages you're learning right now would save someone's life someday. Hindi ka magaabogasya kasi gusto mo lang kumita ng pera. Magaabogasya ka hindi lang para sa sarili mo. Kundi para sa mga magiging kliyente mo. Walang lugar ang kamalian sa law. Pag nagkamali ka posibleng 10 taon ng buhay ang nakasalalay. Iba iba tayo ng paraan para ipaglaban kung anong tingin nating tama. Sa akin ay ito. Batas.
Para sa Diyos. Para sa pamilya. Para sa pangarap. Para sa bayan. Higit na para sa bayan.
I submerge myself with that thought. Mas inigihan ko pang magaral. Someday. I'll become somebody. I'll make my parents proud.
'Mommy...
Daddy...
Please help me. Tulungan niyo po ko para makatulong din ako sa iba.'AN: Hi, everyone! Please take this time to pray for our fellow kababayan who are suffering right now. Use the hashtag #CagayanNeedsHelp #RescuePh #IsabelaNeedsHelp #TaguegaraoNeedsHelp. If you're in the position to help someone please do so. Hindi kawalan ang pagbibigay tulong sa iba.
{CITATIONS}
Case Digest: https://www.digest.ph/decisions/people-vs-echegaray
https://filipiknow.net/facts-about-death-penalty-in-the-philippines/
https://youtu.be/xp6azjyL4lk
YOU ARE READING
Saving Justice | The Lawyer Series #1
Mistério / SuspenseHalos lahat ata ng bagay na kay Eurydice na. Masayang pamilya, maranyang buhay, kaibigan at marami pang iba. Ngunit, bumaliktad ang lahat ng ito nang patayin ang pinakamamahal niyang tatay, her mom was raped and abused, sinunog din nang mga taong yu...