Today is the first day of our foundation week. Unlike the previous days, our schedules are not that hectic. Naglilibot lang kami ni Aya sa mga booths dahil sa protocol ng SSC na icheck ang mga tent. Open gates din kami for the entire week kaya naman doble ingat ang mga guards sa school.
Many people from different schools and universities are here also. Since malaki ang pagdidiwang na ito, hindi lang sa buong school kundi sa mga taga leyte. Dane is also here. Apparently, wala daw siyang trabaho for two weeks kaya naman niyaya niya din kami ni Aya na magout of town after the ball. Umoo naman kami ni Aya. We definitely need a break at isa pa ay wala na kaming pasok dahil summer na din. Napili namin sa Kalanggaman Island sa Palompon mag bakasyon. After that, uubusin ko naman ang natitirang buwan para kumayod. Naisipan kong maginvest sa mga lupa at agriculture. Mabuti na lang din ay may sapat pa kong pera.
"Picture naman tayo, Eury"
Agad kong kinuha ang DSLR at tripod na nakasumbit sa likod at leeg ko. Agad kong sinet yun sa timer para makapwesto kami. Pinagitnaan naman ako ng dalawa. Nakapatong ang mga kamay ni Dane sa balikat namin ni Aya, Nagpapicture pa si Aya ng silang dalawa lang para daw may mapost siya sa facebook ng matigil ang mga lalaking nanliligaw sa kanya.
"Oh kayo naman ni kuya Dane!"
Sigaw ni Aya.
"Oo nga Eury, tayo naman."
His green eyes shone upon the hit of the sunlight. His smile were genuine, unlike the first time we met. Hindi siya mukhang arogante, hindi siya nagfoflaunt ng estado sa buhay, hindi siya mayabang at hindi niya tinuturing si Aya o ako na 'babae lamang'. I was quick to judge. Habang tinititigan ko siya palapit. I can't help but notice how calming his spirit is. Para bang wala ng dadating na bagyo pag kasama ko siya. As if all my aches are gone for good. His smiles are comforting.
Tumabi ako sa kanya at ginabayan niya ang mga kamay ko para kumapit sa braso niya.
Tumingin naman siya sakin na siyang dahilan bat napatingin ako sa kanya. Kasunod non ang pag click ng camera.
"Aya isa pa hindi pa ko handa." sigaw ni Dane
Bumulong bulong naman si Aya na parang kinakausap ang sarili pero sinunod naman niya.
Nakailang shoot pa kami bago ako tinawag ng EIC namin para pumalit sa pwesto niya. Umalis na din si Aya para icheck kung may mga problema ba. Samantalang nanatili sa tabi ko si Dane.
Hindi na ko nagsalita at ganon din siya. Busy ako sa ginagawa ko kaya naman di ko namalayan nakatulog na pala siya sa lamesa. Paalis alis kasi ako para kumuha ng litrato sa court. Bumabalik lamang ako para tignan ang schedule ng susunod na laro at para magsulat na din ng article. Kulang ang staff namin kaya naman halos lahat ay doble ang ginagawa.
Hindi ko na namalayan na magaalasdos na pala. Hindi pa kami kumakain ni Dane. Ng tignan ko ang mga chat ni Aya ay nagpaalam ito na magkakaroon sila ng luch meeting kasama ang mga staff niya. Kaya naman umalis na ko para sumaglit sa karinderya sa tapat ng school. Since maraming booth na may mga pagkain malamang mahina ang benta nila Aling Lerma. Kaya naman dito ko na napili bumili ng makakain. Eto lang kasi ang pinangbubuhay ni Aling Lerma sa lima niyang anak. Tatlo don ay nasa manila pa nagaaral. Ito din ang paboritong kainan namin ni Aya."Ate Lerms, kamusta po kita ngayon?"
"Eury, ikaw pala!"
sabay yakap niya sakin. Sinuklian ko naman ang yakap niya. Parang nanay na din si Ate Lerms samin ni Aya."Eto nako matumal kasi foundation week niyo. Isang linggo pala yan? Mabuti na lamang may mga Construction Worker na nagtatrabaho sa malapit at dito kumain."

YOU ARE READING
Saving Justice | The Lawyer Series #1
Mystery / ThrillerHalos lahat ata ng bagay na kay Eurydice na. Masayang pamilya, maranyang buhay, kaibigan at marami pang iba. Ngunit, bumaliktad ang lahat ng ito nang patayin ang pinakamamahal niyang tatay, her mom was raped and abused, sinunog din nang mga taong yu...