Kabanata 4

67 1 0
                                    


"I can't believe it! Top one ka sa highest GWA! Hindi lang sa department natin kundi pati sa buong University. Omg! Need natin magcelebrate!"

Nginisian ko lang siya at nagpatuloy na sa ginagawa.

"Alam mo, napakahumble mo talaga Eury. Hindi ko alam pano tayo naging magkasundo eh sobrang contradicting ng personality natin." ani niya

Asa quadrangle kami ngayon at dito namin napagdesisyunan mag lunch. Payapa kasi dito kasi halos lahat ng mga student andon sa canteen o di kaya asa tagong parts lalo na sa mga magjojowa para makaiwas sa disciplinary action ng admin.

Nagpaalam na magccr lang si Aya. Napagdesisyunan ko namang magsulat ng thesis namin.

"Magaabogado ka na niyan?" Renica ask mockingly. Sabay tawa kasama ang dalawa niyang alagad. Hindi ko namalayan ang paglapit nila sakin.

Hindi ako kumibo.

"Tignan mo yan. Kahit sarili mo hindi mo mapagtanggol pano ka magiging abogado niyan." dagdag ng alipores niya.

Hindi pa den ako tumigil sa ginagawa ko.

"Tandaan mo Galvan, hindi porket nasa tuktok ka hindi ka na bababa. Magaling ka lang sa klase pero hindi ka magaling sa lahat. Sarili mo nga hindi mo mapagtanggol eh. Si Aya pa nagtatangol sayo." tumawa siya at umalis na.

Kinuha ko yung tubigan ko at uminom para kumalma. Nagagalit ako. Hindi dahil sa totoo lahat ng sinabi ni Reni. Kundi dahil, sino ba siya para sabihin kung hanggang saan lang ako. Eto pinaka ayoko sa mga tao eh. Hindi ka naman nila kilala pero sila na yung nagdedecide kung babagsak ka o hindi eh.

Hindi ako kumibo dahil alam ko wala din namang papatunguhan kung mangangatwiran ako sa kanya. She made up her mind to hate me. Nothing will change that. Lalo na't narcisstic siya. Arguing with someone with such philosophy in life is pointless, puno pa ng Fallacies ang mga argument niya. She's not just narcisstic but in denial too. Lalo na pag kinocorrect siya ng mga tao sa paligid niya. She think so highly about herself and I don't have time to deal with that kind of person.

If I reacted and defend myself parang binenta ko na din kaluluwa ko sa kanya. I won't give her that kind of satisfaction. She don't even know me. Why bother to explain myself.

Sometimes we need to choose our battles wisely. Hindi si Reni ang dapat kong pagtuunan ng pansin kundi pano pa mas magiging magaling para mapaghandaan ko yung totoong laban na kakaharapin ko. Which is yung mga taong pumatay sa magulang ko. Reni is just a distraction.

Mabilis kumalat sa buong school ang pagiging top one ko. Ginusto din ng papa ni Aya na magcelebrate sa mansyon nila. Ngunit humindi na ako. Bukod sa madaming tao silang planong imbitahan dahil asa top 2 naman si Aya ay dahil din sa masyado pang maaga para magdiwang. Madami pa kaming aasikasuhin kahit malapit ng matapos ang school year.

Maaga kaming dumating kinabukasan. President kasi si Aya ng Student council ng department namin kaya mas mabubusy siya ngayon dahil sa founding celebration ng Law sa school namin. Bihira lang ang Law school sa probinsya kaya naman labis na pinagmamalaki ng papa ni Aya na nagkaroon ng Law School dito sa Leyte. Hindi na kakailanganin na lumayo o pumunta pa sa manila ang iba. May puso ang Papa ni Aya para sa mga tao lalo na sa mga kabataan na naghahanap ng murang paaralan. Isa sa mga rason kung bakit dito din pinili ni Aya ang magaral. Para makatulong at matuto sa papa niya pagdating sa politika.

Mataas ang pangarap ni Aya para sa buong leyte. Mas higit pa sa potential ng kanyang ama. Kaya ilang beses na ding pinagiinitan ng mga kalabang partido si Aya.
Ayon kay Aya,
Hindi mabuting asawa ang papa niya. Ngunit mabuti itong politiko at ama. Na siyang kinakahanga niya.

Mas lalo akong napaisip dahil sa mga iniwang salita ni Aya.

Hindi lahat ng mabuting tao ay mabuting magulang at hindi lahat ng masamang tao ay masamang magulang.

                Do we really even know what happens behind closed doors? Some people are living a double life.

"As we all know, magkakaroon tayo ng Founding celebration sa department natin. Student Council came up with the theme of God and Goddesses. Ngunit, unlike any other God and Goddesses ang napili kong pagbasehan ay Philippine Mythology. The theme would be implemented throughout the whole week, but we are encouraging all of you to dress up during our last day which is a ball. Magkakaroon din tayo ng activities such as Debate, Pageant, Sports and Booths. All participants of the said activities would recieve a plus 10 to all major subjects and a plus 5 to all minor subjects. Yun lamang. Maraming salamat po." pagkatapos ni Aya bumaba sa podium ay agad siyang tumabi sakin.

Exempted na si Aya sa mga activities since part na siya ng SSC samantalang exempted naman ako dahil isa ako sa mga facilitators ng debate club at ako naman ang magcocover ng buong event para sa school publication.

Buong week wala kaming ginawa kundi magaayos ng booth at magprepare para sa event na ito. Doble ang hirap ni Aya dahil sa mga expectations ng mga tao sa kanya. The best thing I can do for her is to help her manage her schedule and talk to those investors na inimbita niya lalo na pag hindi niya kayang imeet due to the schedule. Hindi na nga kami nagkakatagpo ni Aya minsan. Kaya mas lalong nagkaroon ng panahon si Rina para guluhin ako. Wala siyang ginawa kundi manira sa social media accounts na iniiscreenshot na lang ni Aya sa'kin. Hindi kasi ako natambay sa social media kaya naman wala akong alam sa nangyayare. Kung hindi ako nakapagtimpi baka nakasuhan ko na siya ng cyber liabel.

Wala naman akong pake sa mga sinasabi niya. From the very beginning, sinabi na sa'kin ni mommy na hindi lahat ng tao maniniwala sayo at sa pangarap mo. Kaya importante na maniwala ka sa sarili mo.  Ang daming tao na ngang hindi naniniwala sayo tas pati ba naman ikaw hindi ka maniniwala sa sarili mo?

Wag mong patayin yung pangarap mo dahil lang sa mga taong ganon. Aya once said. Nagaalala kasi siya na baka nananahimik lang ako at dinadamdam yun. Pero sa totoo lang nakakaawa yung mga taong ganon. Ang lungkot siguro talaga ng buhay nila para magdiwang sa kalungkutan ng iba.

Tinignan ko sa malayo si Rina.

Asa may bintana ako ng office namin. Katapat non yung mga upuan sa quadrangle. Nakatulala lang siya at nakatingin sa malayo.
Napansin din namin na may mga pasa siya sa iba't ibang parte ng katawan niya na pilit na tinatago sa concealer. 

Para siyang aso na nakadena.

Nasasaktan siya sa sakal ng kadena sa leeg niya pero nagagalit siya pag may nagtatangkang tumulong sa kanya.

Hurt people tend to hurt other people as well. But it doesn't mean their deed is justifiable.

Funny, how much we swore not to be the person we hated the most yet we became one of them. Abuse, anger, and hatred are  contiguous.


Saving Justice | The Lawyer Series #1Where stories live. Discover now