Kabanata 1

154 3 0
                                    

"Natagpuan ang  dalawang naglalakihang Abogado ng ating bansa na patay sa nasusunog nitong bahay. Labis na nagulat ang mga awtoridad nang malaman na pinatay ang mga ito at sinunog ang kanilang bahay. Walang ebidensya na magpapakita kung sino ba ang gumawa ng karumaldumal na krimen na ito. Agad din pinahanap ang nagiisang anak nila na si Francesca Galvan. Dineklara itong nawawala at hinihinalang hawak ng mga suspek.

Labis na nakikiramay ang buong bansa sa pangyayaring ito. Kilala ang mga Galvan sa pakiki-paglaban ng mga karapatan ng mga simpleng mamamayan at sa pagpapanalo ng halos lahat ng kaso na kanilang hinawakan."

Agad akong tumingin sa bintana ng sinasakyan kong bus.

Umaga na pero bakas pa den ang mga patak ng ulan dito. 
      Meron pa kong apat na oras para makapunta sa leyte. Dito ko ginustong magtago. Bukod sa hindi gaanong kilala ang Galvan sa leyte maliit na tsansa na dito nila ako mahahanap. Meron kaming bahay sa leyte pero hindi nakapangalan sa amin. It was named by our trusted Yaya. Si Nana Soling.
She died when I was fifteen, dahil na din sa katandaan nito. Walang pamilya si Nana Soling kaya naman sa kanya nila Mommy pinangalan ang bahay. May kalakihan ito pero sapat para di makaagaw ng atensyon.

"Kawawa naman ang batang iyon baka hawak pa ng mga suspek."

"Oo nga eh. Sabi pa naman ni Erning, pinatay sila dahil sa hawak nilang kaso. Yung Land Mining ng mga Castro?. Diba malupit ang mga iyon sa mga trabahante tas corrupt pa. Sabi nga dapat daw hindi nila kukunin ang kasong yan kaso kinuha noong babaeng attorney. Si Savanah Galvan ata. Naawa daw sa mga trabahante kaya ganon."

Narinig kong bulungan ng mga Ale sa likod ng inuupuan ko. Tama nga sila. Hindi dapat kukunin ni Mommy ang kasong ito. Katwiran naman niya ay hindi niya maatim na may mga trabahanteng hindi nakakasahod ng maayos. Sabi niya ay hindi ito makatao.

Magte-ten na ng makababa ako sa terminal ng Ormoc. Mga 20 minutes pa para makapunta sa bahay. Plano ko sanang bumili ng makakain at magasikaso ng bahay. Bukas luluwas naman ako sa Sentro para maghanap ng paaralan. Malapit na kasi ang pasukan. Tunay na pangalan ko ang gagamitin ko dahil wala naman nakakakilala sakin bilang si Eurydice At wala namang nakakaalam kung asan ako. Tinapon ko ang cellphone ko sa Bangin malapit sa Mansyon namin. Ayokong mabisto at mahuli ng mga hayop na yun.

Wala pa kong napapatunayan at wala pa kong laban. Iyon ang totoo. Kaya hanggat maari gagawin ko lahat para mag-ingat.


Pagka-dating ko sa bahay ay agad kong tinignan kung gumagana pa ang ilaw at tubig. So far ay maayos ang mga ito. Kaya agad na din akong umalis upang mamili sa kalapit na palengke. Pag balik ko naman ay naglinis na ko. Pagkatapos non ay inubos ko ang oras ko kakabasa ng mga law books na nandito sa bahay.

Bata palang ako ay tinuruan na ko sa mga ganto. Mayaman kami pero naniniwala si Mommy na dapat ay maalam ako para makasurvive ako sa mga panahong wala sila or wala na kaming pera. Bahagya akong natawa. Handang handa sila mommy at daddy kung sakaling mamatay sila.


Pero hindi nila ako hinanda sa lungkot na mararamdaman ko sa pagkawala nila.

Bumuntong hininga ako.

Wala akong oras para magisip ng ganto. Ang tanging dapat ko lang isipin ang matutong tumayo sa sariling paa at lumaban.

Wala akong oras umiyak at namnamin ang sakit. Kasi habang nagsasayang ako ng oras, nagpaplano na ang mga kalaban ko sa susunod na gagawin.

Mabilis lumipas ang panahon. Ginugol ko ang mga natitirang mga linggo para maghanap ng trabaho at magbasa ng mga libro o di kaya'y maglinis. Bukas ay pasukan na.
Nag-iisa lang ang Law School sa buong Ormoc kaya wala akong choice kundi dito mag-aral. Nakahanap na din ako ng Trabaho ilang araw lang pagkatapos kong magsettle down. Isang simpleng coffee shop lang ang pinagtrabahuhan ko. Para maiwasan ko din gumastos sa pang-araw araw na kailangan ko.

Naglilinis ako sa may kusina ng marinig kong tinawag ako ni Yna. Isa sa mga katrabaho ko. 


"Umm.... Eury, Sinabi ng Costumer ikaw daw gusto niyang magserve. Pwede bang ako na diyan?"

Mahiyain si Yna kaya mas pinipili niya sa kusina at magasikaso ng orders kesa maging cashier. Dalawa lang kami ngayon kaya naman ay wala sa siyang choice kanina.

Tumango na lang ako bilang sagot.

"Good Afternoon, Sir. Eto na po order niyo."

"Hindi ka ba marunong ngumiti?  Ang alam ko dapat pag may costumer ay dapat welcoming ang aura at nakangiti, hindi ba?"

Nakapoker face ako habang Tinitignan siya.

"Masyado mababa ang sahod ko para ngumiti at magpanggap na mabait sa mga taong di ko naman kakilala."

Simpleng sagot ko at umalis na para maglinis. Dinig na dinig ang tawa niya sa buong store. Well, siya lang mag-isa kaya wala siyang naiistorbo.

"Magkano ba ngiti mo at ng mabili ko?" Sabay ngisi niya.

Pinasadahan ko siya ng tingin. Naka-Versace Suit siya, and this is their exclusive edition. He's also wearing a Bolvaint and a Rolex.

"Done checking me out?"

Eto ang pinaka ayoko sa mga lalaki.  Ang mga mayayaman na katulad nito. Yung akala nila kaya nilang paluhurin sa mga paa nila ang mga babae.

Na kaya nilang bilhin ang buong pagkatao ng mga kababaihan. Na isa silang Diyos na dapat sambahin.

Hindi nabuhay ang mga babae para sa mga lalaking kagaya ng isang to. Hindi tayo nabubuhay para lang masatisfy sila.

Umirap ako.

"Kahit milyon milyon pa ang ibigay mo. Hindi ako ngingiti sa mga lalaking kagaya mo." Seryosong sabi ko sa kanya.

Pero ibang klase. Imbis na matinag ito mas lalo lang siyang ngumisi at tinignan ako.

His eyes are intense. Kulay green ang mga iyon. Bagamat ay may ngisi ito sa mga labi alam mong seryoso ito.

Tinaas ko ang kilay ko.

 

  Hindi na siya sumagot at nag-asikaso na ulit ako ng mga gawain ko. Onting oras na lang ay malapit na matapos ang shift ko. Hanggang 12am kasi ang shop at may mga pang night shift.

   

     Nang maayos na ang lahat ay iniwan ko na si Yna, wala pa yung kapalitan niya kaya hindi pa siya makaalis. Nagpalit naman ako ng simpleng white v-neck na T-shirt katerno ng jeans ko ngayon.

Pagka-uwi sa bahay, agad kong inasikaso ang dinner ko. Bumili lang ako ng bbq keyla Aling Bebang sa tapat.
Nag-ayos na din ako ng mga gagamitin ko sa school bukas. Habang hinihintay yung sinaing, naglagay na ko ng tatlong plato sa dining table.

Sa gantong paraan man lang nararamdaman ko na hindi ako mag-isa.

Na kasama ko pa den sila Mommy at Daddy. Na magtatanong sila kung anong nangyare sa araw ko o 'di kaya naman ay magkukwento sila ng mga taong natulungan nila.

Sa gantong paraan,
Pakiramdam ko ay buo padin ako.

Na kailanman, hindi sila nawala. Na walang nangyareng masama sa kanila.

Sa gantong paraan,
Nakakakain ako ng maayos.

Sa gantong paraan ako nabubuhay.

Saving Justice | The Lawyer Series #1Where stories live. Discover now