Maaga ako nagising kinabukasan.
After I ate my breakfast agad kong inayos ang sarili ko. I put some makeup too. Linugay ko na din ang buhok ko. Kulay brown ang mga iyo at natural na may pagkakulot.Simple lang ang uniporme namin.
Blouse na puti na may necktie na gray at skirt na above the knee. Kinuha ko na ang bag ko at nagtrycicle na.Apat na tao pa lang ang nasa classroom at mukhang magkakakilala sila kaya sa harap na lang ako naupo. Pag sa tabi kasi ako ng bintana, madidistract lang ako. Pag sa may likod naman ay baka tulugan ko lang ang prof ko.
Kaya okay na din sa harap.
"Eurydice." simpleng sagot ko.
Habang dumadami ang estudyante na mukhang magkakakilala na dati pa ay ilang beses na din may gustong makipagkaibigan ngunit hindi din sila nagtatagal. Bukod kasi sa hindi ko inaalam pangalan nila ay hindi ko sila dinadapuan ng tingin.Sa ang dami kong iniisip pakiramdam ko wala lang talaga akong gana na kumilala pa ng ibang tao.
Back then,
Madami akong kaibigan. I got dozens of them. Kasama ko sila sa lahat, sa taas. Pero noong nadapa ako at kailangan ko nang tulong. Inapakan pa nila ako lalo.Hindi pala enough yung loyal ka lang. Kaya hindi ko maintindihan bakit lagi nilang sinasabi na you'll gain friends when you're loyal to them, na pag naging mabuti ka deng kaibigan sa kanila. Kasi ako naging mabait naman ako eh. Pag may kailangan sila nandon ako. Pero noong ako na? Nawala na sila.
Kasi,
Sa totoo lang,
Never kang magiging enough sa maling tao."Good Morning, everyone. You can call me, Ma'am Salvador. Before we proceed to introduction's, Please pass all your index card." My professor is in her late 30's . She have this dominant aura in her kaya agad namutla ang mga kaklase ko.
It's a good start actually.
"Hmm, Miss. Ikaw na may kulay blue na headband. Stand up, please." sabay turo sa kaklase namin na nasa likod ko lang.
"Apelido?"
"Reyes po"
"Who is the author of preamble?"
"Uhm, Author po?" halata sa kanya na hindi siya nakapagbasa. Pagkatapos ng ilang segundo ay nagsalita na siya. "Si Hector De Leon po."
Bahagyang kumunot ang noo ni ma'am. Palihim na tumawa naman ang iba.
"Remain standing."
Mabilis na minarkahan na singko ang index card niya.
First day pa lang to ah.
"You"
Sabay turo sakin.
"Stand up. Anong Apelido?"
"Galvan po."
"Hmm. Ms. Galvan, same question."
"Filipino people, Ma'am."
"Sure? Explain."
"Yes, Ma'am. According to the preamble itself the first line na mababasa natin is "We, the Filipino people" confirming that the author's are Filipino people."
"Very good. Sit down."
After non ay nagtuloy tuloy lang ang pagtatanong ni Ma'am hanggang na consume na ang oras namin. Nagliligpit na ko ng gamit ng kalabitin ako ng isa sa mga katabi ko kanina na late dumating.
"Hi, I'm Aya! Sorry I don't get to say hi kanina sayoo nalate na din kasi ako tas sakto dating ni Ma'am."
"Hello. Eurydice." nginitian ko siya at nagpatuloy na sa pagclose ng bag ko. Saktong, narinig namin na padabog na pagwawala ni Reyes.
"Hmp, first day pa lang bida bida na." sabay irap nito. Kaming tatlo na lang amg nasa classroom kaya alam ko na kagad na ako lang naman ang pinapatamaan niya.
Hindi ako pala patol sa mga taong inaaway ako. Bukod kasi nasanay ako na lahat ng tao mabait sakin dahil Galvan ako ay dahil mas pinipili kong pagtuunan ng pansin ang mahalaga kesa sa mga bagay na hindi naman. I rather waste my time reading and growing my understanding in my subjects than to engage with a person who is narcisstic and not open minded.
At the end of the day, sarili lang din naman nila ang paniniwalaan nilang tama. So, bakit pa ko magsasayang ng laway hindi ba?
"Excuse me. Hindi kasalanan ni Eurydice na hindi ka nagaral, okay? Wag mong idamay yung tao sa kakulangan mo." pataray na sabi ni Aya.
Napatingin naman si Reyes na paiyak na.
"Halika na nga, Eury." sabay hatak niya sakin palabas.
Sabay kami kumain ni Aya ng lunch. Nakwento niya na anak siya ng Mayor ng Leyte, may dalawang kapatid at siya ang panganay. After non ay umuwi na din kami kasi yun lang naman ang subject namin for today.
Mabilis lang ang naging takbo sa mga sumunod na araw at buwan. Walang nagbago sa pakikitungo ni Reyes sakin at sa kung paano pinakikitunguan ni Aya si Reyes. Matagal na pala silang magkakilala ni Aya. Nito lang noong nalaman ko na Renica Reyes ang buong pangalan niya.
Matagal na daw maiinit ang dugo ni Aya kay Renica or mas kilalang Reni sa kadahilanang naiissue na kabit ang mama ni Reni sa Papa ni Aya na kilala sa buong leyte.
Hindi nagtatago ng saloobin si Aya. Pag ayaw niya, ayaw niya. Kaya laging barado si Reni sa tuwing babanat siya sakin.
"Alam mo, magdadalawang sem na tayong magkakilala pero hanggang ngayon hindi pa den kita kilala ng lubos." ani ni Aya.
"Pano mo naman nasabi?"
Kahit nakapalagayan ko na siya ng loob ay ni isa hindi ko nakwento sa kanya ang mga nangyari sakin.
"Kung ako bukas na aklat sa lahat, ikaw, para kang lake. Payapa, pero nakakamatay."
"Grabe naman to. Halika na nga sa bahay ka na lang ulit matulog para naman madigest na natin tong cases na binigay ni Sir."
"Yup. Nga pala sabi ni Daddy hindi daw available mga driver namin so baka yung pamangkin na kasyoso ni Dad yung sumundo satin. Engineer yun, yieee. Alam mo naaa, ang mga Attorney bagay sa Engineer."
Agad akong sumimangot.
"HAHAHAH oo na. Hindi na kita aasarin. Malapit lang yung site na tinatrabaho niya don sa Bahay niyo eh. So sabi ni Dad pwede daw ba doon na siya kumain sa bahay niyo."
"Okay, Whatever." umirap na lang ako sa kawalan.
Natapos na ang lahat ng groupings namin sa isang subject kaya naghintay na kami sa Shed habang kumakain ng kwek kwek.
"Aya."
Agad akong lumingon sa pinangagalingan ng boses. Hindi nga ako nagkakamali. Eto nga yung lalaki sa coffee shop.
"Kuya, andito ka pala. Si Eury. Eury, si kuya Dane pala."
Agad itong ngumisa at may halong pangangasar na tinig.
Umirap ako.
Jerk.
![](https://img.wattpad.com/cover/222353398-288-k166789.jpg)
YOU ARE READING
Saving Justice | The Lawyer Series #1
Misteri / ThrillerHalos lahat ata ng bagay na kay Eurydice na. Masayang pamilya, maranyang buhay, kaibigan at marami pang iba. Ngunit, bumaliktad ang lahat ng ito nang patayin ang pinakamamahal niyang tatay, her mom was raped and abused, sinunog din nang mga taong yu...