Magaalsais na ng magising ako. Naligo at nagayos na agad ako para makababa at makatulong keyla manang na maghanda. May sarili akong damit at sapatos keyla Aya dahil kung minsan ay pinipilit niya kong doon matulog. Lalo na noong hindi ko pa siya yinayaya sa bahay. Minsan kasi siya lang magisa sa kanila. Laging asa ibang bansa ang mommy niya para sa trabaho nito nainvolve sa Fashion. Samantalang si Mayor naman ay minsanan lang umuwi dahil sa trabaho. Ang mga kapatid naman niya ay sa Manila nakatira at doon nagaaral. Tanging si Aya lang ang napiling dito magaral.
Simpleng jeans at sleeveless white top naman ang suot ko at rubber shoes na puti naman ang napili kong sapatos.
Pagbaba ko ay nasa sala na si Dane at nagkakape.
"Good morning" wika nito
"Ang aga mo naman"
"Gusto kitang masolo eh."
"Oh really?" Hindi ko mapigilang ngumiti.
"I couldn't sleep last night. Masyado akong excited na makita ka." He pats my head and brushed my hair.
Ngumuso ako sa kadahilanang hindi siya natulog. Malamang mamaya ay matutulog lang to sa office ko lalo na't naka duty ako gumawa ng article about sa foundation. Meron na lang kaming apat na araw bago magbakasyon at gusto kong tapusin ng mas maaga ang mga trabaho. Nais kasi ng Editor in Chief namin na maglabas ng digital magazine ang magiging highlight naman non ang foundation week ng Law. Mas mabuti na din na maaga ko matatapos ang mga articles na nakaassign sa'kin dahil ayokong matambakan ng trabaho at nais ko sanang ilaan ang start ng summer namin sa pagiinvest ng oras para sa napili kong negosyo.
Sa halos magiisang taon ko ng nakatira rito sa Ormoc ay pinagtuonan ko ng pansin ang agriculture. Madami akong natutunan lalo na keyla Aya. May Farm kasi sila kaya naman kung minsan ay doon namin ni Aya napipiling magaral bukod kasi sa tahimik ay malinis ang simoy ng hangin. Ilang dekada na ang farm nila Aya. Ngunit hindi nila to ginagamit para pagkakitaan. Bagkus ay para pangtulong sa mga mahihirap na pamilya.
Tumayo na ko sa kinauupuan ko at nagpaalam kay Dane na magluluto na. Kinuha ko na ang trabaho keyla manang. Sa ilang beses ko dun dito ay nasanay na sila sa pagpupumilit ko. Dati rati kasi ay humihindi pa sila at tinatawan ako na wag ko daw sila agawan ng trabaho. Naging hilig kasi namin ni Aya ang makipagkwentuhan sa kanila. Madalas ay kwinekwento nila ang buhay ng mga anak at apo nila.
Hindi nga lang maalam sa kusina si Aya kaya ako na ang nagkukusang loob.
Simpleng American breakfast ang ihahanda. Request daw ni Mayor iyon. Hinanda ko na ang recipe ko ng waffle at pancakes. Tapos ng magprito sila manang ng bacon and eggs. Kaya naman ang inatupag ko na lang ay pag totoast ng tinapay at pagasikaso sa waffles at pancakes. Ang recipe ko ay galing kay Mommy. Mahilig kasi kami ni Dad na magpaluto sa kanya ng pancakes and waffles tuwing sunday morning.
Ngumiti ako sa kawalan. Napakasaya ng mga alaala kong iyon. Napakswerte ko at nagkaroon ako ng magulang na kagaya nila.
YOU ARE READING
Saving Justice | The Lawyer Series #1
Misterio / SuspensoHalos lahat ata ng bagay na kay Eurydice na. Masayang pamilya, maranyang buhay, kaibigan at marami pang iba. Ngunit, bumaliktad ang lahat ng ito nang patayin ang pinakamamahal niyang tatay, her mom was raped and abused, sinunog din nang mga taong yu...