"Hindi nga ako buntis." Sabi niya at umupo na.
Umupo na rin si Hellion at nagsimula ng kumain.
"Grabe, first date natin pero ang mahal ng binayad ko." Hellion said dramatically."
"It's not date, obviously." Sabi niya at kumain ng chicken joy---anong chicken joy? McDo 'to.
"Aray ko naman. Ang mahal na nga ng binayad ko tapos hindi pa date." Pagdadrama nito.
She can't help but to roll her eyes.
"Babayaran kita kung 'yan ang ikakasakit ng damdamin mo." Sabi niya havang ngumunguya.
"Doon ka talaga sa makakagastos ka, 'no? You just have to agree it's a date then viola! Free food." Giit pa rin nito.
Hindi na lang niya pinansin ito at nagpatuloy sa pagkain. Sarap na sarap pa siya ng biglang may dumating.
"Wow!" Sabi ng lalakung may hawig rin kay Hellion.
Kilala niya ito dahil kasintahan ito ng pinsan niyang sinabihan ng Mama niya ng pokpok dahil raw nakabingwit ng Benjamin. Napaingos na lang siya dahil sa pagiging ipokrita nito. Kung gayon trained pokpok na rin siya dahil inuutusan siya ng Mama niya na mamingwit ng Benjamin?
"Breakfast date?" Pang-aasar na tanong ni Hendrix sa pinsan nito.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Hellion sa pinsan.
"Nagrequest si Chloe, eh. Mukhang marami-rami naman 'yang pagkain niyo kaya manghihingi na lang ako." Nakangising sabi ni Hendrix at akmang kukuha ng fries ng tapikin ni Hellion ang kamay nito.
"Ang cheap mo naman! Manghihingi ka lang tapos ibibigay mo sa girlfriend mo. If I were Chloe, I'll break up with you."
Hendrix just laughed and playfully hit Hellion's shoulder.
"Nah. My girl ain't like that. Baka kapag nandito 'yun makikikain rin 'yun. At saka pupunta kaming Hawaii next month. Tss, cheap my ass." Sabi nito.
"Oo. Mumurahin talaga ang puwet mo." Pang-aasar ni Hellion.
Hendrix just raised a middle finger on Hellion. That's just so fake news. That's a Benjamin's ass.
As she was staring at Hendrix. She saw shine on his eyes the way he talk about her girlfriend. Napakaswerte ni Chloe at nabiyayaan siya ng isang Benjamin na mahal siya.
Napatingin siya kay Hellion ng maramdaman niya ang talim ng titig nito. Nang lingunin naman niya ang binata ay umiwas ito ng tingin at tahimik na nagpatuloy sa pagkain.
"Hi, Hellion's date. What's your name?" Tanong sa kanya ni Hendrix.
"Clea." She answered politely.
She was impressed and shock knowing or seeing this side of Benjamins. They said that Benjamin's are heartless, ruthless and manipulative especially the higher generations.
"Sige, una na ko. Salamat sa libre." Sabi nito at kumuha ng pagkain na halos mangalahati na ang nadala nito.
"Papatake-out ko 'to." Sabi pa nito saka nag-lakad na paalis.
"Mahilig pala kayong magpinsan sa McDo, 'no?"
"He's taken."
Kumunot ang noo niya.
"Ha?"
"He's taken already. Boyfriend siya ni Chloe. Ako single ako kaya ako ang tingnan mo."
Napailing na lang siya. Kung ano-anong pinagsasabi nito. Kikiligin na ba siya? Pwede ba 'yun?
BINABASA MO ANG
Captivating Benjamin (4th Gen #11)
Ficción GeneralClea x Hellion Note: Required to read Chasing Benjamin