Chapter 28

19.8K 490 60
                                    

jealousy jealousy...
started following me.





Kung dati si Hellion ang umiiwas ngayon siya naman. Natatakot nga siyang mapalapit dito dahil bigla na lang nanlalambing.

Isang linggo matapos ang nangyari. Nagawa naman niyang iwasan, ngayon hindi niya alam. Susunduin nila si Chloe sa hospital, she got into an accident lately. Naaawa na nga siya kay Drix Loe.

Nakalabas siya ngayon bilang Clea dahil na rin magkasama si Chloe at Hellion, it means tge security is strong at hindi rin maghinala ang tao. They think that she's with Chloe, not with Hellion.

"Are you okay na?"

Tumango naman ang pinsan niya. Siya na ang nagpumilit na magdala ng shoulder bag nito baka mabinat.

"Where's Hellion?" Tanong nito.

"He's paying the bills."

"Oh."

Naglakad na sila palabas ng hospital. Susunod naman si Hellion siguro. Mabuti nalang at hindi nagpumilit si Chloe na hintayin ang binata.

"Clea, what do you think of Hellion?" Biglaang tanong nito.

Muntik na siyang masamid at matigilan pero agad niyang sinaway ang sarili. Don't act obviously, Clea! Baka mapaghalataang may ano ka kay Hellion.

"Huh? Bakit mo naman natanong? At saka may girlfriend 'yun." Patay malisya na sagot niya.

Mas mabuti na lang sabihin niyang may girlfriend ito para tantanan siya ni Chloe sa pagtatanong. Sa tatlong taon nilang pagsasama ngayon lang ito nagtanong tungkol sa kanila ni Hellion.

May nahalata ba ito? Hindi naman siguro siya amoy zonrox, 'no?

"You mean, ex-girlfriend? Well, I'm just curious, may nakita kasi ako 'nung mga nakaraang gabi." Sabi nito na halatang may pinupunto.

Hindi lang siya nagbigay ng reaksyon pero sa loob-loob niya ay nag-aalburuto siya.

Anong nakaraang gabi? Hindi naman siguro 'yung naghalikan sila sa kusina, 'di ba? Nangyari kasi 'yun kung kailan nandoon rin si Chloe at Loe sa mansion ni Hellion.

Pero huwag naman sana. Nakakahiya kapag ganoon.

"Ah, wala lang. Kaibigan lang, ganoon." Kibit-balikat na sagot niya.

"CR muna ako." Paalam niya.

Nang makapasok siya ay napabuga siya ng hangin. Halos mahimatay na siya sa kakapigil ng hininga! Sana naman hindi na magtanong si Chloe tungkol sa kanila ni Hellion, baka sa sunod hindi na niya magawang magsinungaling.

Napabuga siya ng hangin bago lumabas. Nasa eskina na siya bago lumiko ng marinig niya ang boses ni Hellion.

"Honey."

Kilala niya ang boses na 'yun. Hinding-hindi siya pwedeng magkamali.

That's Hellion's voice. And he's calling someone honey. Could it be Chloe?
Is he calling her honey while he just said something to her weeks ago?

"Honey." He repeat again.

Confirmed. It's Hellion.

Naninikip ang dibdib niya at agad na tumalikod. Muli siyang napabalik sa loob ng CR habang hawak ang naninikip niyang dibdib.

Hindi niya alam kung bakit masikip at pakiramdam niya ay may pumipiga 'nun.

Eh, ano naman? Ano naman kung tinatawag nitong honey si Chloe? Wala namang sila at saka hindi naman niya ito gusto! Bakit ba siya mag-eemote?

Captivating Benjamin (4th Gen #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon