"Do you wanna play with Mommy?" Nakangiting tanong niya sa anak ng magising ito.
Kumunot ang noo ni Drix Leo at hinawakan ang mukha niya.
"Have you been crying, Mommy ko?"
She frozed for a millisecond before shaking her head.
"No, baby. Napuwing lang si Mommy. Let's go now?" Kinarga niya ang anak niya at inakay na pababa.
She hugged him tight while carrying him and kiss his cheeks.
"I love you, Leo."
"Love rin kita, Mommy."
Napangiti siya sa sinabi ng anak at bahagyang kumampante. Halos ayaw niyang humiwalay sa bata.
Sinubuan niya ito habang nakakandong sa kanya. Alam niyang nagtataka si Drix pero hindi naman ito pumalag.
She bathe him and dress him up. Nakatingin lang sa kanya si Leo mukhang inoobserbahan siya.
Baka nakalimutan nitong tatlong taong gulang pa lang ito? Saan ba 'to nagmana sa talino? Galing pa siguro sa Lolo Frigus nito.
"Are you okay, Mommy? Should I call Daddy?"
Natigilan siya sa tanong ng anak. Nang makabawi at umiling siya at hinaplos ang buhok nito.
"Mommy's fine. Bakit ayaw mo bang bini-baby ka ni Mommy?"
"Okay lang naman po."
Ngumiti siya at kinarga ang anak.
"Let's play downstairs?"
Bumaba na sila at tumungo sa parte ng sala kung saan may kids playden. Doon maglalaro si Drix Leo at Loe.
Binaba niya ang anak doon ng may nagdoorbell sa pinto. Kumunot ang noo niya ng maisip kung sino ang possibleng bisita.
Hindi pwedeng si Chloe kasi hindi naman ito nagdo-doorbell. Si Hendrix? Baka bibisitahin nito si Chloe?
"Maglaro ka muna, Drix. I'll just see the visitor, okay?"
"Yes po, Mommy."
She check first her son's safety before walking towards the door.
She open it and her blood drained upon seeing who it is.
"Ding dong." The girl smirked mockingly.
"P-paano ka nakapasok?"
Wala bang guards na nakabantay? Pinayagan ba nito na pumasok si Ivy?
"Why? Am I not allowed to sneak in? Gosh, it's so embarrassing to sneak in because of the tight security system." Sabi pa nito at pinaypayan ang sarili bago natigilan at hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Ohh, someone's threatened. You look good tho, nasa lahi natin 'yan."
Lihim siyang napaingos. As if they look alike. She get her look from her father while Ivy from his father, too.
"Umalis ka na, Ivy."
"You can't make me. I'm not here for you but for my son." Anito saka nilagpasan siya.
Hindi na niya napigilan ang pagpasok nito ng tuloy-tuloy.
"Where is he--oh, who's that?" Tanong nito sabay turo kay Drix Leo na naglalaro ng lego blocks.
BINABASA MO ANG
Captivating Benjamin (4th Gen #11)
Ficción GeneralClea x Hellion Note: Required to read Chasing Benjamin