Note: There's a bit change in the story, nagkagulo, eh. Ivy is Clea's cousin from mother side while Chloe is from her father's side. May na-edit na akong chapter about it, I don't now if may ibang chapters pa bang need ma-edit sa bagong info. Sorry for the errors😅
KINAKABAHAN na kumatok siya sa library sa bahay ni Hellion, nasa loob si Chloe at sinadya niya talagang saktuhin para sakaling hindi tumanggi ang binata.
Sumilip siya sa loob at naabutan niyang nag-uusap ang dalawa kasama si Drix Loe.
"Snacks." She mouthed with a big smile on her lips.
Chloe smile and nodded, si Hellion naman ay napaiwas ng tingin at nilaro si Loe.
"Sorry, nadisturbo ko ba kayo?" Nahihiyang tanong niya, parang galing kasi sa seryosong usapan ang dalawa. Si Hellion wala namang kangiti-ngiti sa kanya. Baka nalaman nitong hindi niya ginamit ang luxury card na binigay nito kanina?
"Of course not, Clea."
Ngumiti siya sa pinsan at nilapag ang tray sa mesa. Hindi siya umakis tulad ng inaasahan ng dalawa.
"Do you need anything?" Tanong ng binata. His mood is sour and she knew it was a bad timing!
"Uh, kasi..ano, magpapaalam lang po ako." Napayuko na siyabsa hiya, sinaway pa nga ni Chloe si Hellion.
Hellion brows creased.
"Where are you going?" Malamig na tanong nito sa kanya.
"G-gusto ko sanang bibisitahin si Nanay sa probinsya."
"No."
Kahit inaasahan niya iyon, nagulat pa rin siya. Akala pa naman niya okay na sila. Bakit galit na naman ito?
"You're so rude, Hellion!" Saway ni Chloe pero hindi pa rin natinag ang binata.
"It's a no, Clea Leonor." Pinal at mariin na pagkabigkas ni Hellion.
Bumagsak ang balikat niya. Kung sila lang siguro dalawa ay kanina pa niya sinupalpal ang binata pero nakakahiya naman kay Chloe.
Hinawakan siya ng pinsan niya sa balikat.
"Don't worry, I'll convince him." Bulong nito.
Pilit siya ngumiti sa pinsan saka napalipat ang tingin kay Hellion saka dito.
Siguro nga makumbinse ito ni Chloe. Siguro gusto ni Hellion si Chloe. Sino nga bang hindi magkakagusto kay Chloe? They've been together for three years, parang siya pa ang third wheel sa dalawa. Hellion has been good to Chloe but cruel towards her.
Siguro nga 'no?
Mapait na tiningnan niya ang binata bago tumalikod. Napabuga na lang siya ng hangin. Siguro kukumbinsihin niya ulit ito mamaya.
TAHIMIK na ang buong bahay, siguro tulog na si Chloe. Mabuti na lang at natulog na si Drix Leo kasama si Loe at nakalimutan nito na dapat silang itabi sa kama ng Daddy niya.
Pumanhik siya pababa at tumungo sa kusina. Nga ganitong oras alam niyang nasa kusina si Hellion.
At hindi nga siya nagkakamali, nandoon nga ang binata.
Wala itong pang-itaas at tanging pajama lang sa pang-ibaba.
"Hellion." Tawag niya sa binata na nakatalikod sa kanya.
"If you're here because of what you asked earlier, just go back to your room and sleep." Malamig na sagot ng binata.
Kumuyom ang kamao niya sa inis.
BINABASA MO ANG
Captivating Benjamin (4th Gen #11)
General FictionClea x Hellion Note: Required to read Chasing Benjamin