Chapter 18

16.7K 435 42
                                    

"KRISTINA!"

Isang malakas na kalabog ang gumising sa kanya.

"Ate..."

Agad siyang napatingin sa gilid niya ng makita si Kristina na umiiyak.

"Anong nangyari? Sino 'yung sumisigaw sa labas?" Nagtatakang tanong niya at hinimas ang tiyan.

"Kristina, bubuksan mo 'to o sisirain ko ang pinto na 'to!" Galit na sigaw ng isang lalaki sa labas. Hinuha niya nasa mga sengkwenta na ito.

"Kristina.." Pagpapakalma niya ng umiyak ang bata.

"Umalis na ka, ate." Hikbing sabi ng bata.

Nagtatakang hinawakan niya ito sa balikat pero winaksi iyon ng dalagita.

"Kristina.."

"Umalis ka na lang!"

"Hindi, ano bang meron? Paaalis ko 'yang kumakatok kung natatakot ka---"

"Tatay ko 'yun! At bumalik siya rito kasi nalaman niyang may kinupkop si Nanay na mapera. Ayaw kong bumalik pa siya rito, at kung paalisin kita para lang hindi siya magawi rito. Paaalisin kita."

"Kristina..."

"Sige na, parang-awa mo na. Palagi akong sinasaktan ni Tatay...kami ni Nanay, kaya kung ayaw mo kaming masaktan umalis ka na."

Tumayo si Kristina at kinuha ang maleta niya at pinasok lahat ng mga gamit niya roon. Napatayo rin siya at lumapit dito.

"K-kristina, wala akong ibang mapuntahan...p-pwede ko namang bigyan ng pera----"

"Hindi mo naiintindihan! Makasarili ka ba? Iniisip mo lang ba ang sarili ml? Paano kung mapahamak kami? Wala kaming laban sa tatay ko!" Umiiyak na sigaw ng dalagita.

May pumihit sa kanyang dibdib sa sinabi at mukha ng bata. Tumulo na rin ang luha sa mga mata niya at tinulungan itong ipasok ang mga gamit sa maleta niya.

Pero nag-iwan siya ng isang bestida na alam niyang dati pa gusto ng dalagita.

"Dumaan ka sa likod. Pasensya na kung hindi kita mahatid."

Tuloy pa rin sa pagkalampag ang pintuan ng bahay at pagwawala ng lalaki pero walang pumansin.

"S-si Nanay."

"Ako na ang bahala sa kanya, sige na, a-ate."

Lumabas siya ng bahay bitbit ang maleta niya. At sa huling pagkakataon ay lumingon siya kay Kristina na puno ng luha ang mata.

'Hindi ka naman magtatagal dito, ate. Isang araw, lalabas ka sa lungga mo at babalik ka sa taong pinagtaguan mo.'

Ang galing niyang manghula.



"Babalikan ko kayo." Aniya hanggang sa isinara ng dalagita ang pinto ng likod bahay.

Agad siyang naglakad paalis.

The midnight wind blows through her skin. Nanginig siya sa lamig pero pinagpatuloy niya ang paglalakad.



She doesn't even know where the bus station is. Iyon na lang ang natatanging paraan lara makabalik siya sa Manila. Hindi nga niya alam kung saang probinsya siya napadpad.


Napatingin siya sa mga nagtatawanang mga matatandang nag-inoman. Dinamba siya ng kaba.


"Nandito pala ang ampon ni Aling Apol, oh."

Captivating Benjamin (4th Gen #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon