Special Chapter

17.7K 478 102
                                    

"Hi, bro. It's us again!"

Hellion groaned when his cousin went up on that mini stage to say something to him.

Pigil siyang natawa ng ngumisi ang ang mga seryoso na kinasal na dati. Mukhang gaganti kay Hellion.

"You can get back to me but can't make my wife leave me."

Lumapit si Uno sa microphone.

"As if."

"Fuck."

Natawa siya at pinisil ang kamay ng asawa para pakalmahin ito.

Unang lumapit si Tres at inagaw ang micropono sa kambal nitong si Uno.

"Clea, don't you know that Hellion contacted me to give an information about a girl named Clea? And that dumbass didn't realized that there's 505 from the world population named Clea. He should be thankful that I'm wise enough."

"Yabang mo!" Pagdadrama ni Hellion.

Inagaw ni Heazen ang mikropono kay Tres saka ngumisi.


"Hellion, salamat sa lumpia. Inuwi ko na."

Agad itong binatukan ng pinsan nito.

"Ang duga mo kamo! Kaya pala nawala ang lumpia sa mesa." Cinco.

"Sana sumakit ang tiyan mo." Dos.

"May balak pa ngang kunin ang pansit, eh!" Gatong ni Harvie.

"Ako na nga," inagaw ni Hinx ang mic kay Heazen na pinatulungan ng mga baliw na Benjamin.


"Bro, alam mo na ang dapat gawin, 'di ba? The wife, the law. And, if she said no, that means yes. And if she's mad and you're angry, don't shout nor hurt her, angry sex is enough."

Agad na naghiyawan ang pinsan ng binata habang namumulang natawa naman ang mga asawa ng mga ito, pati siya.

Sunod-sunod na nagmensahe ang mga pinsan ng binata hanggang sa si Hover na.


"Uh..I don't know what to say, I'm not inspired. Just...congrats." Sabi nito pero natawa na lang sila.

Hiwalay na nga pala ito at si Chen. Umuwi lang ito ngayon sa kasal ni Hellion pero babalik rin itong California. Si Chen wala rin dito kasi may emergency sa kompanya, susubukan lang daw nito mamayang gabi pata sa after party pero mukhang hindi na nito maaabutan si Hover.


"Hellion, my man." Ngumisi si Hendrix kay Hellion.


"Ayus-ayusin mo lang talaga Hendrix." Banta ni Hellion.

"Of course, bakit ka ba kakabahan? May nalaman lang ako galing sa pinsann natin. Hindi naman nakakakaba 'nung nagbar ka when that three years na hindi kayo nagpapansinan ni Clea tapos may babaeng..." Pabitin na saad ni Hendrix.

Agad siyang lumingon kay Hellion at kumunot ang noo niya.

Nakita niyang nanlaki ang mata nito at napalunok.

"K-ketchup, I don't know what he's talking about! I swear, I'm very faithful! I won't---"


"May babaeng lumapit kay Hellion na pinsan niya tapos ayun, nag kumustahan lang sila. Bakit ka ba kinabahan, Hellion? Hindi naman 'yun nakakakaba, ah?" Inosenting tanong ni Hendrix pero halatang inaasar si Hellion.

Agad na hinubad ni Hellion ang sapatos nito at binato kay Hendrix.

"Tangina ka!"

Captivating Benjamin (4th Gen #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon