"Nood ka dali." Yaya sa kanya ni Hellion ng mapadaan siya sa sala.Kumunot ang noo niya at tumingin sa TV. Nakita niyang nanonood ito ng isang interview.
"Mahilig ka pala sa mga ganyan?" Tanong niya at lumapit rito.
Uupo na sana siya sa pang-isahang sofa ng hilahin siya ng binata kaya napaupi siya sa tabi nito.
"Hindi. Nandiyan kasi si Hendrix. Ganyan talaga kami, kapag may interview ang isang Benjamin manonood kami."
Napangiti siya sa sagot nito.
"That's nice. Supportive talaga kayo sa isa't-isa."
Agad na kumunot ang noo nito.
"Anong supportive? Of course, not. Manonood lang kami para may maipang-asar." He said then laugh loudly.
Napailing na lang siya at bumaling ang atensyon sa TV kung saan naroon si Chloe at Hendrix.
"Wow, you're the famous instagram couple the people are crazy about! They are actually craving for your day to day update." Sabi ng host na si Maiden Co.
Hendrix laugh and look at Chloe who started to talk. Kitang-kita niya ang kislap sa mga mata nito habang nakatingin sa pinsan niya.
"I wish I could find someone like Hendrix." She muttered.
Hellion immediately looked at her as his brows furrowed.
"Baliw 'yan."
"Baliw ka rin naman, ah? At least Hendrix knew what love is. Chloe is lucky." Sabi niya.
She's happy for her cousin that she got a best man. Sana nga magkatuluyan na ito.
Napatingin siya sa binata na padabog sumandal sa backrest at pinatay ang TV. Bagot na bagot ang mukha.
"Anong nangyari sa 'yo?" Nagtatakang tanong niya.
Sinamaan siya ng tingin ng binata at tumayo ito saka padabog na umalis.
"Magsama kayo ni Hendrix!"
Napaawang ang labi niya sa inasta nito. Anong nangyari doon?
Kahit nang magtanghalian na sila ay parang bubuyog si Hellion na may pa-bulong-bulong sa sarili habang nakabusangot ang mukha.
"May problema ba?" Hindi niya napigilang tanong dito.
Mas lalong napasimangot ang binata at padabog na sumubo ng pagkain, may mga nalaglag pa ngang kanin. Para itong bata talaga. Tiyak na kung mag-asawa ito hindi na hihingi la ng anak dahil sapat na si Hellion.
She sighed and scoop a spoonful of food. Nilapit niya iyon sa bibig ng binata at hinawakan ang panga nito para buksan ang bibig.
"Ganito ang pagsubo, butter." She said and put the spoon with food in his mouth.
Hellion frozed on what she did.
"Hindi 'yung padabog-dabog ka, okay? Nagsasayang ka ng pagkain." Marahang pangaral niya sa binata.
Nilunok lahat ng binata ang sinubo biya at muli itong ngumanga.
"Subo ulit." Parang bata nitong sabi.
She stared at him with disbelief.
"Ano ka bata?"
Ngumuso ito.
"Ikaw nga ang unang sumubo sa 'kin, eh. Sige na, ketchup. I don't think I could eat anymore if you're not going to feed me." He demand.
Nalaglag ang panga niya sa sinabi nito. Ano bang klaseng gatas ang pinainom ng ina nito at mukhang premature pa rin ang utak?
BINABASA MO ANG
Captivating Benjamin (4th Gen #11)
Fiksi UmumClea x Hellion Note: Required to read Chasing Benjamin