Sorry sa late update. Ang hirap icollate ulit ng nawawalang ideas. Plus work is so demanding. Demanding pa sa jowa. Anyway, i am trying so hard to retrieve the memory of this story. Sorry kasi again, I need to rewrite because my laptop ate this story and the next story too! Plot na lang ang naiwan kaya ang hirap. Tinatry ko po kasi ireimagine lahat. I will do better, thank you for waiting and supporting.
Ayie
Palala na ng palala ang issues ko sa buhay, both personal and career. Last time, all my Aunt ganged up the guys para hayaan kami magdecide. Even Mama. Ayaw daw ng girls na pilitin kami muna. Mama and Papa even argued but Mama won. She said that they need to let me decide on my own because I will be the one to suffer later on.
Tapos, heto naman ngayon.
"Ano na naman to Mary, Ayie??? Sasabog na talaga ang ulo ko!!"
"Sorry, Tita."
"It's not your fault Ayie. Mary, can you please find sino kaya ang gumagawa ng issues against Ayie? Hindi naman ito basta lumalabas lang!?!"
Paano bang di kami matataranta, may naglabas ng blog na may pictures ni Paeng na may kasamang babae. Ang sabi dun sa blog, matagal na daw silang magkarelasyon kaya ipinipilit nung blog na fake yung sa amin. Reason daw kung bakit hindi kami lantad sa public dati. They even call me as the relationship wrecker.
Actually, I remembered Rayna telling her name. She was Glydel. I am not sure kung ano ang meron sa kanila. Ni hindi nga namin napaguusapan kung sino ang babaeng yun.
Kakatapos pa lang ni Papa matanggap na may boyfriend ako, may issue na naman.
"Ayie, binibigyan lang tayo until today para maclear ang issue. Kundi, baka may magback out na namang mga endorsement mo."
I sighed
"Tita Aria, Ayie, tumawag po si Doc Rapahel, papunta na daw po sya dito."
It took less than an hour para makapunta sya rito.
"Doc Raph, kung may girlfriend ka pala, sana sinabi mo sa amin, para walang ganito."
"Ah Tita, hindi po kasalanan ni Paeng yun. Malaki na po ang naitulong nya sa atin. Baka po pwedeng tayo na lang magsolve nito."
"Pero paano Ayie? Kahapon pa tayo nagiisip ng gagawin natin, hanggang ngayon, wala pa din tayo maisip."
"The truth is Glydel was my ex-girlfriend. Naghiwalay po kami nung college. She's still close with my sisters though."
"Kaya naman pala luma itong pictures!"
Tita Aria sighed.
"Mary."
"Haii. Paano ba natin iclear ito?"
"Kailangan matakpan ng bagong issue, and it must be good."
"Premiere sa isang araw ng movie mo Ayie, escort mo si Doc Raphael. Sigurado kukuyugin kayo bukas."
"May naisip ako Tita Aria! Ayie! I don't know if this will be okay for both of you pero, an engagement ring might help."
"Ha?? Mary?? Engagement ring??"
Tita Aria nodded.
"Oo, yun na lang kasi naisip ko. We can shoot a private proposal na ipapakalat natin after the news about the ring circulates."
"Mukhang maganda yung naisip ni Mary! Ayie! Bili tayo ng singsing mo!"
Kakatapos ko lang tumakas sa issue ng kasal eh!