Paeng
48 hours straight duty, nakakapagod pero sulit dahil sa babaeng magandang nakaupo sa may garden pero hindi naman nakangiti.
"Love."
"Wow, after two weeks sa wakas nagpakita ka din."
"Galit ka Love?"
"Kumain ka na Paeng."
"Paeng? Paeng na lang? Hindi na Love?"
Ayie walked out on me. Mukhang galit na galit talaga ang asawa ko ah. Sabagay, nagka two-week break din kasi sya. Unfortunately, yun yung two weeks na kailangang-kailangan kong magtrabaho.
"Love."
"Sinabi ko na kumain ka na diba? Wag mo akong sundan."
"Hindi mo ba ako sasabayan?"
"Hindi. Sanay na ako kumain nang ako lang."
"Ay, ang tindi naman nyan Love. Huwag ka na magtampo please."
I tried hugging her pero iniiwasan ako.
"Bitaw!"
"Love."
"Bitaw sinabi eh!"
"Aii nako naman talaga ang asawa ko. Wag ka na magtampo Love, kailangan lang talaga ako sa ospital."
"Wow lang Paeng, ano? Ikaw na lang ba ang doktor sa ospital??"
I hugged her tight.
"Miss na miss ko na yung asawa ko."
"Hindi kita namiss. Sanay na ako mag-isa."
"Misis, huwag ka naman na magtampo ng ganito."
Ang hirap naman talaga ng nagtatampong asawa oh.
"Aynako naman talaga ang napakaganda kong asawa naman oh."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nakikita ko ang ganitong side ng asawa ko o matatakot ako kasi irap lang ang isinasagot nya.
"Misis, tingnan mo kaya kung ano ang katabi ng bag ko."
Now her beautiful eyes are piercing mine.
"Yung bag ko Love, hindi ako."
She then diverted her gaze on where my bag is. May binili kasi akong bulaklak kanina bago ako umuwi. Konting pambawi.
"Sorry Love. I love you."
I kissed her cheeks pero agad din syang kumalas sa yakap ko para puntahan ang bulaklak.
"Hindi ako nadadala sa bulaklak lang."
"Alam ko kaya basahin mo yung card."
She read the card pero sinabayan ko sya habang nagbabasa.