15

690 36 3
                                    

Ayie

Kinakabahan ako kasi malapit na daw ang parents ko dito sa bahay.

"Yie, bakit ka ba ikot ng ikot jan?"

"Kinakabahan ako!"

"Bakit ka naman kinakabahan?"

Paanong di ako kakabahan, bukod sa andito na mamaya ang parents ko, kasama ko itong baliw na 'to dito sa Germany, sa bahay ng magulang ko.

"Natural Paeng! Imagine mo magpapakasal tayo! Ngayon mo lang makikilala ang Papa ko. Nakwento ko naman na sayo yung say ni Papa. Tapos ikaw, chill ka lang jan??"

"Yie, wala naman akong masamang intention sa'yo. Umupo ka na"

"Haii nako Paeng, manatili ka sanang ganyang kakalma hanggang mamaya."

"Uminom ka nga muna, oh heto."

Kabang kaba talaga ako pero yung kasama ko, hanga talaga ako sa pagkachill.

"Maam Ayie, anjan na po ang parents nyo at si Keion."

Nakatayo lang kaming dalawa ni Raphael sa gitna ng living room. Hindi ko alam bakit hindi kinakabahan si Paeng pero ako halos maihi na sa kaba. Alam ni Mama na uuwi ako, si Papa, hindi.

Papa won't really like this. Sabi nya, magboyfriend daw ako kapag 30 at magpakasal kapag 35. 22 pa lang ako at feeling ko, hindi pa man, mabubyuda na ako. Okay na sa kanya na boyfriend ko si Paeng ang hindi ko alam ay kung matatanggap nya na magpapakasal na kami. I even promised him I'd get married on a later year.

Keion was the first one to run inside the house.

"Ate?!"

"Keion! I missed you!"

"Miss you Ate! Who's this? Is he the enemy?"

"Keion, NO. Sya si Kuya Raphael."

"Ayaw ko sya Kuya."

"Keion."

Papa looks calm pero biglang nagapoy ang mata nya ng makita nya si Raphael senyales na alam kong hindi sya natutuwa. Pagkalapit na pagkalapit nya sa amin, agad nyang sinapak si Paeng ng tatlong beses na kahit kami ni Mama halos di na nakapag ready. Tatlong beses agad! Kaya halos gumulong ang kawawang si Paeng.

"Papa!"

"Lukas!!!"

Sasapakin pa sana ulit nya ng isa pero humarang ako.

"Papa! No please po. Please!"

"Lukas! Nag-usap na tayo ha! Umayos ka."

Itinayo namin ni Mama si Paeng na dumudugo ang labi.

"Okay ka lang ba hijo? Let's bring you to the hospital?"

"Babe!"

"Kapag di ka umayos jan! Sisipain kita Lukas."

"Okay lang po ako Maam."

"I'm so sorry hijo, I am Traea Seigfreid, I am Aiesa's mother."

"Raphael Javier po Maam."

Mama smiled but raised her brows when she face Papa.

"Ako lang ang magulang ni Aiesa ha Lukas?"

"I don't need this shitty introductions."

Papa walked out and Mama just laughed.

"Magbibihis lang kami, then let's have dinner together. Hijo, please use the guest room. Baka mabyuda agad ang panganay ko kapag tumabi ka sa kanya sa kwarto."

DesugaredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon