Ayie
Kinakabahan ako sa premiere na ito. Bukod sa kasama ko si Raphael, magpapapampam pa kami about engagement.
"Ready ka na?"
"Hindi pero may choice ba ako?"
This man just laughed.
"Let's do this?"
I hold his hand. Hindi ko rin talaga alam pero twing malapit sya sa akin, naniniwala akong safe ako. Twing hawak nya ang kamay ko, alam kong hindi ako masasaktan.
Pagdating namin sa venue, maraming tao, mejo nabawasan na ng kaba ko ng saya. Thankful din ako na kahit andami ngayong tsismis tungkol sa akin, marami akong nagiging supporter.
The management is extremely happy. Habang nalulugmok kasi ako sa tsismis at issues lalong tumataas ang ratings ng mga shows ko, kahit endorsements ko dumadami din lalo.
"Let's go?"
"Aren't you nervous?" bulong ko
"No!"
"Yabang."
"Hindi naman talaga."
"So what are you feeling?"
"Happy? Excited."
"Ikaw na!"
Paeng smiled then I clung to his arms. One way or another, kailangan masanay na talaga ako.
Pagbaba pa lang namin ng sasakyan, marami ng tao, at mukhang mas maraming media. Hindi kami agad nakapagpainterview para makaabot kami sa roll. For me, okay naman yung movie not my best but that was good. Pero dahil nga sa issues ko, aba! Hot topic ang movie na ito! Dinagsa ang premiere at balita ko, sold out na ang first 3 days ng showing sa major malls.
"How's the movie?"
"You've got a lot of kissing scene."
"So?"
"Tsk tsk tsk."
"Kainis ka naman. Ano nga ang masasabi mo?"
"Maganda yung bidang babae!"
"Paeng naman eh! Di ka pwede magreview ng movie ha?"
Paeng laughed again. Paglabas namin, nagpapicture kami sa photowall, at may ilang members ng media na nakapagtanong sa amin. Heto na, aarte na kami.
"Aiesa, Totoo bang inagaw mo lang si Dr. Raphael sa totoo nyang girlfriend?"
"Hindi ah, Paeng can answer that for all of you."
"Hindi totoong inagaw ako, hindi rin totoo na may iba ako. Isa lang naman ang mahal ko. At yun ay ang magandang kasama ko ngayong gabi."
Raphael took my other hand. Biglang humangin kaya natabon ang buhok ko sa mukha ko. Ofcourse I removed the hair on my face at alam naming nakita ng lahat ang singsing.
"Wow! Aiesa is that an engagement ring?"
Nagkatinginan lamang kami ni Raphael. That's our cue to run away.
We just smiled and kept mum about this. Agad kaming umalis sa venue.
"What we did was okay right?"
I nodded and showed him some of the paparazzi news.
"Trending nga ako oh."
#AiesaEngaged
#AiesaDiamondring
"Do you like your ring?"
I smiled. "Yes."
"I am happy you liked it."