Sorry for the late updates. Sobrang busy lang po talaga.
Ayie
"Ayie!"
"Mary?"
"Tumawag si Manang. Nagkakagulo daw sa bahay mo."
"Ha? Bakit?"
"Pumunta yung Lola Sally mo dun sa bahay mo, nakita nya yung mga bata. Pinapalayas daw ng Lola Sally mo."
"Ano?!! Si Paeng?"
"Nakasalang daw sa OR. 6 hours daw yun kaya hindi nila magulo."
"My God!"
"Yie, malakas daw ang ulan sa Philippines, yung dalawang bata nasa ulanan."
"Ano?? Ipagbook mo ako pauwi Mary!"
"Pero.."
"Please, Mary? Hindi pwedeng mastress si Rayna!"
I am panicking! Lola Sally can be as cruel as a devil pero sana she spared the kids! Regina is just 16 and Rayna is just 10!
Nakakuha daw ng flight si Mary pero 3 hours pa bago umalis. At 3 hours din ang flight! I'll have atleast 6 hours bago makarating sa bahay! The girls have been too soaked under the rain.
Hindi ako mapakali.
"Ayie, wag kang ikot ng ikot! Baka makilala ka."
"Mary! Yung girls. Baka umiiyak na sila! Baka nastress na si Rayna. Baka kung ano na nagyayari!"
"Ayie."
I sighed. I tried calling Myelle. Sya ang pinakapwedeng kumuha sa girls atleast before I arrive. Buti na lamang talaga at mabait si Myelle. I'm happy that she was more than willing to do so. Mejo hindi na ako nagwoworry pero I was so stressed while waiting for the flight. Si Mary naiwan na muna to help me bail out. First time ever kong umalis during a scheduled shoot.
Pagdating ko sa bahay, I found Lola Sally seating in the middle of the living room drinking wine.
"Lola Sally."
"Buti at umuwi ka na."
I sighed.
"Lola, anong pong ginawa nyo sa mga bata?"
"Pinalayas ko."
"Lola! Bakit mo naman ginawa yun? Ang lakas ng ulan! Paano kung magkasakit ang mga bata?"
"Anong pakialam ko pa sa mga basurang pinulot mo?! Ang magaling mo bang asawa ang namilit sayo para isama ang mga pobreng yun??"
"Lola! Ako po ang namilit kay Paeng na patirahin dito ang mga bata! Ako Lola!"
"Bakit?? Si Jessica na kadugo mo pinalayas mo para mapatira ang mga pobreng yun sa bahay mo?"
"Lola! Pamilya ko na po sila! Hindi po sila kung sino lang."
"Pamilya? Anong alam mo sa pamilya eh ampon ka?!"
Parang dinurog ang puso ko. Paanong ang sarili ko pang kadugo ang makakapagbitaw ng ma ganitong salita sa akin??
"Opo, ampon ako. Inampon ako ng mabubuting tao. Minahal ako ng mga umampon sa akin. Tinuruan nila akong maging mabuti, tinuruan nila akong magmahal ng tama. Nagpapasalamat ako na inampon nila ako at hindi ako napunta sa inyo. Alam ko na po, kung bakit hindi ako ibinigay ng Nanay ko sa inyo, alam ko na po kung bakit pinilit nya si Mama na kunin ako at hindi ipakilala sa inyo."
"Aba! Sumasagot ka na ngayon! Atribida ka! Matapang ka na!"
Lola Sally hit me and I was just crying. More than her hit, my heart is aching more.