12

750 39 2
                                    

Ayie

After all the chaos, I hope kalmado na ang media at sana naman wag naman na sa akin lahat ng hot topic. I am okay with my projects at hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko para lang kumalma ang industriya sa akin.

Oh well, I will be taking a 2 week off. Tapos na ang mini-series namin, birthday ng kapatid ko sa isang araw. Nakauwi na rin si Rayna at maayos na ang paningin nya. So I can go back home.

Home. Germany is my home. I was born and raised there. My loved ones are there. Excited na ako pero kinakabahan pa rin. Sana kalmado na ang Papa ko.

"Paeng, anong gagawin mo habang nasa Germany ako?"

"Maghahanap ng bagong girlfriend."

Hinampas ko na lang sya.

"Ano nga?"

"Edi magwowork ako. Doon muna ako sa Batangas, doon naman ako nakaduty eh."

"Hindi ka ba lilipat sa Metro Medical City?"

"May 60 hours pa ako na kailangang bunuin."

"So pagbalik ko lilipat ka na?"

"Wow, gustong-gusto mo na ako makasama no?"

"Kapal ah!"

"Oh, airport na to, ayusin mo yang itsura mo. Baka makilala ka nila."

"Hindi ka na bababa?"

"Paano tong sasakyan?"

I sighed. Minsan talaga walang sweet bones tong taong to! Manong man lamang ihatid ako at ibaba ang gamit ko. Tsk.

So I opened the door. I was about to open the compartment when he went down. Kinausap nya yung isang guard at ibinigay nya ang susi.

"Akala ko di ka bababa?"

"Akala mo lang yun."

"Sus! Mamimiss mo ako no?"

"Baka ikaw!"

"Tse."

He was gentleman enough para ihatid ako hanggang sa may gate, syempre hindi na sya makakapasok kasi hindi naman sya aalis.

"You message me when you land there okay?"

"Yes. Please text me din when you head back."

"Yes Love. See you in 2 weeks."

I walked a little but Paeng hugged me from the back.

"I'll miss you, Love. I'll behave and wait for you."

Hindi na ako lumingon pa muli kasi baka umiyak ako. I wear a hoody and a pita mask after checking in. I don't want my peace to be disrupted. I waited in the private lounge.

The travel time was 14 hours. It was tiring as hell pero nung makita ko si Mama, I suddenly felt so recharged.

"Mama!!!!"

"Ang anak kong maganda. I miss you so much!!!"

"Ako din Mama!!"

"I bet you're tired and hungry, let's go home?"

"Ma, si Papa ba galit pa din?"

Mama nodded.

"Mama,..."

"Ay 'wag mo pansinin ang Papa mo. When we reach home, we eat and rest. Rest well because Nana knows you're here."

"I love you, Mama."

"I love you too."

And yes, dahil super aga pa, like 5am pa lang dito, I hit the bed kasi tulog pa rin naman si Keion. I gave Mommy the luggage with lots of stuff from The Philippines. Actually, may padala ang Tita ni Paeng na mga niluto nya para daw sa Mama ko.

DesugaredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon