16.5

657 33 7
                                    

May nakakaiyak po ba sa istoryang ito? -Meron po, hintayin lang natin. Nasa bandang dulo.

Bakit po nakakabored? -Hindi po kasi action movie itong storya ni Ayie.

Ayaw mo na po ba magsulat? -Gusto po, gustong gusto, pero para makapagsulat ako ng libre, kailangan ko po magtrabahong mabuti.

Mababaril po ba si Paeng? -Pagiisipan ko pa.

Kailan po yung kay Ada? -Kapag ready na po sya.

Ayie

The wedding plus the honeymoon wasn't just a happy time. It was my happiest days.

And today, pabalik na kami. Kinakabahan ako but what else can I do? Well, truth is mas masaya naman ako kesa kinakabahan. Having Paeng as a husband is a sure win.

Napag-usapan namin ni Paeng ang mga magiging arrangement namin. Pumayag sya na sa bahay na sya uuwi kesa umupa pa sya sa apartment tsaka iwas tsismis na din. Pumayag din sya na maaari syang interviewhin every now and then kasi nga celebrity na rin sya. Basta hindi maapektuhan yun trabaho nya, okay sya sa lahat.

"Yie, bukas, babalik ako Batangas kasi kukunin ko yung mga gamit ko doon. Tsaka magpapapirma ako ng clearance para makasimula na ako sa Metro Medical. Baka the day after na ako makabalik."

"Ayaw mo ba tanggapin yung recommendation letter ni Ninang Annika?"

"Wag na, wala ka bang bilib sa akin? I can apply and I can be accepted without the letter."

"Sure?"

"Yep."

We intend to have separate rooms. Napagusapan na namin yun at ang magiging set up pa namin. Ganun naman talaga dapat kaya lang, nagulat ako ng makita si Lola Sally at Jessica sa bahay ko.

"Lola Sally."

"Kilala mo pa pala ako."

Sinubukan kong magmano pero tinapik nya lang ang kamay ko.

"Lola, sorry po hindi ko kayo nadadalaw nitong nakaraan."

"Dahil yun sa lalaking yan!"

"Lola,.."

"Bakit kasama mo yan??? Diba't sinabi ko na sa iyo na ayaw ko sa lalaking yan?!"

"Love, uuna na ako sa kwarto. Iaakyat ko na muna ang mga gamit natin."

"Anong iaakyat?! Dito mo patutuluyin ang lalaking yan?!!"

"Lola Sally, Lola sorry po. Nagpakasal na po kami. Asawa ko na po si Raphael."

"ANO???!!"

"Diba Lola?! Sabi ko na sa'yo eh!"

"Nagpakasal ka na hindi ko alam?!"

"Lola Sally, sa Germany po kami nagpakasal."

"ANO?!!!!"

"Lola Sally."

"Nakakalimutan mo ata Aiesa, kami ang totoo mong pamilya, kami ang kadugo mo! Nagpakasal ka ng hindi ako kasama? Pinili mo ang pobreng doctor na yun??"

"Lola."

"Talaga bang hindi na ako kasali sa pamilya mo ha Aiesa?"

"Lola Sally, please."

Lola stood up and about to walk out.

"Lola Sally, huwag naman po kayo magalit please."

"Bitawan mo nga ako! Hindi mo naman ako kailangan na hindi ba? Ni hindi mo man lamang nga naipagbigay alam sa akin ang pagpapakasal mo."

DesugaredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon