23

760 42 4
                                    

Ayie

"Love, I'm sorry, kailangan kong umalis ng matagal."

"Love, it's okay. This is your job, a part of you whom I loved so much. Don't worry, I promise to pick you up when you return."

I hugged Paeng.

"Hindi mo ba ako mamimiss?"

"Ako pa ba ang hindi makakamiss sayo?"

"Sorry Love ha? Sabi ko magtry na tayo magbaby tapos ako naman yung mawawala ng matagal."

"Love, di naman tayo nagmamadali. Okay lang yan."

"Do you love me?"

"Of course."

"Will you still love me even I am this busy for the rest of our lives?"

"I love you more than you could ever think. You could be busy all days of our lives but always come home to me, okay?"

"I love you so much, Love."

"And I do too, I love you more than the stars in the sky."

We slept hugging each other. Mamimiss ko talaga ang asawa ko. Two weeks, sobrang tagal. I promised him we'll try for a baby pa naman, kaya lang I had lined up projects na di namin pwedeng hindi ituloy. Anyway, I asked Tita Aria to limit my projects after this kasi nga I'd like us to try for a baby. Si Mama din kasi, she always asks. Excited na excited na sya magkaapo lalo pa't nalaman nyang buntis na rin si Myelle. Ako din, excited na akong maging Mommy!

I'll stay in Macau for 2 weeks straight. And all I wish is mabilis na matapos yung 2 weeks. Paeng had prior commitments kaya hindi sya makakasama o makakadalaw man lang. Tapos may pasok ang girls kaya mag-isa lang talaga ako.

While I was in Macau Paeng calls me often. Nagdududa na nga ako kung nagtatrabaho nga ang asawa ko kasi oras-oras may message mula umaga hanggang gabi. If I cannot answer, he'll leave video messages.

Then Wednesday came, he told me he'll be off for a medical mission in Mindoro. Syempre hindi ko sya kayang pigilan kasi ako naman hindi nya pinipigilan. Pero kinakabahan ako kaya lang di ko sya kayang kontrahin because Paeng loves doing this. Twing may free time sya, he'll do volunteer works. He loves being in service, he loves doing his part as a good citizen of this country.

His last message was on a Thursday afternoon, sabi nya aakyat daw sila sa Bundok. May pagpipicture pa nga kasama yung ibang doctor. Friday na ng gabi, wala pa ring message kaya I called the girls, unfortunately, hindi rin daw tumatawag pa ang kuya nila.

Kinabahan ako! He would never make us worry about him this much. Pwedeng ako, hindi ako magmessage pero hindi si Paeng. At impossible na hindi nya tatawagan yung dalawa kasi pareho kaming wala sa bahay.

"Ayie!"

"Mary, kailangan ko atang umuwi."

"Bakit?"

"Hindi sumasagot si Paeng!"

"Ediba sabi mo nasa Mindoro? Baka naman wala lang signal."

"Kinakabahan ako eh. Hindi naman yun papayag na hindi man lang makamessage sa amin ng mga kapatid nya."

"Haii nako, matulog ka na muna Ayie. Kailangan mo ng energy bukas. Maaga ang call time mo. I promise, I'll try to rebook your flight earlier."

"Thank you Mary."

But I really can't sleep that night. Ikot ako ng ikot. I keep on thinking about what happened to Paeng! Bakit di nya ako minemessage! Bakit hindi sya sumasagot sa tawag ko?!

DesugaredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon