Ayie
"Ayie!!! Ayie!!"
"Mary?"
"Tumawag si Tita Diana! Pumunta daw tayo sa bahay nila."
"Bakit may nangyari ba?"
"Bilisan natin."
Kinabahan ako tuloy! Hindi naman madali magpanic si Mary pero nagpapanic sya ngayon! Kaya pati tuloy ako damay.
Pagdating namin kila Tita Diana, agad akong tumakbo sa loob ng bahay! Kinakabahan ako kasi kagabi ko pa iniwan yung girls dito.
"Tita? Gina? Rayna?"
Tawag ako ng tawag sa kanilang tatlo at hindi ko akalain na iba ang makikita ko. Para akong tinakasan ng kaluluwa ko.
"Paeng?!!"
Darkness succumb my being. Hindi ko alam kung gaano katagal pero nagising ako na nasa kwarto. Nakaupo sa tabi ko ay ang asawa ko kaya agad akong bumangon at niyakap sya.
I hugged him sooo tight and clung to him so he won't leave me again!
"Paeng! Where have you been? Miss na miss na kita! Miss na miss!"
"Ate! Andito na si Kuya."
I smiled and nodded at the girls who were at the doorstep. Yakap yakap ko pa rin si Paeng ng napakahigpit. I've been hugging him for a little while but he did not hug back. He even walked a little farther than me.
Masakit but, no, this won't stop me from being happy that he is here.
"Paeng, okay lang ba? Anong nangyari? Ang tagal kitang hinintay."
"Aiesa?"
"Yes, Paeng?"
Paeng removes my hands from his arms.
"I am okay."
"Are you sure? Where have you been? No, you don't need to answer. Masaya lang ako na andito ka na ulit. Kasama na kita ulit!"
Hindi ko alam kung bakit parang hirap na hirap si Paeng.
"You need to listen to me."
"Okay,."
"From that accident, I do not remember so much. I lost a five-year worth of memory."
"Okay, let's have that fixed."
"We tried. But it won't be coming back."
"Paeng, hindi. Subukan natin, maghanap tayo ng pinakamagaling na doctor. Paeng, wag natin ito sukuan."
"Ms. Aiesa,.."
"Miss?? Paeng, asawa mo ako. Love, Love ang tawag mo sa akin. Paeng wag ganito, antagal tagal kitang hinintay eh."
"Ms. Aiesa sorry."
"Paeng, wag mo akong biruin ng ganito. Please. Ang tagal tagal kong hinintay ang araw na ito."
"Paeng?"
Paeng smiled at that girl. Sya si Glydel ang ex-girlfriend ni Paeng.
"Paeng?"
"I am really sorry Ms. Aiesa, pero sa oras na ito sa puso at isip ko,si Glydel, sya ang girlfriend ko, sya ang present ko."
"Ako ang present mo!"
"Pasensya ka na talaga Ms. Aiesa. Hindi. Si Glydel lang talaga ang naaalala ko. Sa loob ng tatlong taon, ni minsan hindi ka pumasok sa isip ko. Sa ngayon, hindi ka nageexist sa buhay ko ngayon. This time, nabubuhay akong girlfriend ko si Glydel."