Paeng
After Aiesa left, her being haunts me. Habang tumatagal, lalong hindi naalis ang maganda nyang mukha sa isip ko. Habang pinipilit kong alisin sya lalo akong hinahabol ng mga ala-alang hindi pamilyar.
"Babe?"
"Ah, Del, gusto mong kumain?"
"May problema ba?"
"Wala."
"Trabaho ba?"
I smiled. Trabaho? Hindi ko nga alam kung bakit ako nagtatrabaho sa BPO. Samantalang doctor na daw ako. Doctor ako, may lisensya pero hindi ko magamit kasi hindi ko naman alam kung paano ko yun nakuha. Kung hindi pa nga ako tinulungan ni Adam, baka hindi talaga ako nagkaroon ng trabaho.
"Kumain ka na, kailangan mong uminom ng gamot."
Glydel sighed.
"Paeng, bakit lagi kang malungkot? Inissip mo ba si Aiesa?"
"Del, tigilan mo yan. Masama sa iyo ang mag-isip ng kung ano-ano Del, sige na."
Glydel gave me an envelope.
"She sent this to you."
"Sige, mamaya na ito. Kailangan mong uminom ng gamot sa tamang oras."
"Divorce papers yan."
Hindi ko pinansin si Glydel at patuloy kong nilagyan ng pagkain ang plato nya habang parang sinasaksak ang puso ko.
"Babe?"
"Del, malalate ka na sa pupuntahan mo. Kumain ka na at uminom ng gamot. Malapit na din ang shift ko, sige na.."
Thankfully Glydel finished her breakfast. She went out to go to her office. While I, I take time to read the documents inside.
Hindi ang divorce paper ang nakapukaw ng pansin ko kundi ang maliit na note na kasama nito.
Hi Paeng,
Sorry, it took some weeks to be finalized.
Mama had a hard time accepting our decision.
Anyway, please sign and send it back to me.
I already arranged this, you just need to drop this again at the same courier. No payment is needed. I'll send you the decision copy right away.
Thank You and Please Stay Healthy Always.
Aiesa Seigfreid
Wala namang nakakadisturb sa sulat nya pero lumuluha ang mga mata ko. Nahihirapan akong talaga. Parang may gustong kumawala sa utak ko. Para akong nalulunod!
Hindi ako mapakali so I decided to ask help from Adam's wife. Hindi ko sya natatandaan pero sa social media kasi ni Adam walang ibang picture kundi ang asawa at mga anak nya. Nabanggit ni Adam na Seigfreid din ang asawa nya, na pinsan sya ni Aiesa.
"Ninong!!!!"
Nagulat ako nung biglang yumakap sa akin yung anak ni Adam. Pinatawad naman na ako ni Adam pero binilin nya na wag akong lalapit sa pamilya nya. Pero kasi, kailangan ko sila ngayon.
"Ma! Ma! Ninong is here, Ninong saan na si Ninang Ayie? Miss ko na po sya."
"Evan anak, look out for your brother okay? Ninong and I need to talk."
"Okay, Mama. Bye Ninong! Tell Ninang Ayie I miss her so much."
The little boy ran.
"Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito?"