Noah's POV
"Gising kana pala. Tara sabay na tayo mag-almusal." Napaharap ako sa nagsalita. Nakita ko si Todd na nakangiti sa akin.
Nasisinagan siya ng araw na nagpatingkad ng kagwapuhan niya. Wala itong suot na pang-itaas, tanging short lamang ang saplot sa katawan niya. Takte! Abs palang niya ay parang bigla na akong nabusog. Napakakisig niyang lalaki.
Nakaramdam na ako ng gutom kaya sumunod na ako sa kanya at dumiretsyo na kami sa kusina. Doon ay naabutan ko na nakahain na ang pagkain. Sinangag at itlog ito, mga paborito kong kainin tuwing umaga.
Naupo na ako, ganun rin siya. Tumitig ako sa pagkain at napa-isip. Kung iisipin siya palang ang lalaking gumawa sakin ng ganito. Yung pag-gising ko ay may agahan na at kakain na lang.
Pero bakit sa ganitong uri pa ng panahon? Bakit kailangan sa ganitong sitwasyon pa? Hys!
Maliit lang itong lamesa kaya kasya lang ang dalawang tao. Nagsimula na kaming kumain. Sobrang tahimik, walang gustong kumibo. Tanging patak lang ng tubig sa faucet ang maririnig. Masyado pang awkward ang sitwasyon dahil hindi pa namin kilala ang isat-isa.
Habang kumakain si Todd ay palihim ko siyang sinusulyapan. Hindi tulad kahapon na galit at puot ang makikita mo sa mukha niya. Ngayon ay napaka-aliwalas na nito na para bang wala lang sa kanya yung nangyari sa pamilya niya at ang katapusan ng sangkatauhan at ng mundo.
"Ok kana ba? Hinimatay ka kasi kagabi. Pasensya na talaga. Hindi ko lang talaga matanggap ang nangyari sa anak ko." Pagbasag niya sa katahimikan. Kahit wala na akong kapamilya ay alam ko na masakit iyon para sa kanya.
Tumingin siya sa akin na para bang nag-iintay ng sagot."Okay na ako. Medyo lupaypay lang ang katawan ko, ewan ko ba. Pagod lang siguro kasi ako at tsaka sobrang na-shocked lang sa mga kaganapan kagabi. Hindi parin ako makapaniwala." Naiiling kong sagot sa kanya."Nakikiramay nga pala ako sayo sa nangyari sa mag ina mo." Malungkot kong sabi dito.
Tumango siya sakin na walang ekspresyon ang mukha. Nagpatuloy lamang itong kumain. Nakakapagtaka naman. Naka-move on na ba siya kaagad sa nangyari sa mag-ina niya?
"Inaamin ko na hindi mawawala ang pighati at lungkot ko para sa anak ko. Pero kailangan kong maging matatag at maging malakas. Lalo na sa mga ganitong panahon." Tumingin ito sa akin."Sa tingin ko masaya na rin ako ngayon." Seryoso niyang banggit pagkatapos ay nagpatuloy na ito sa pagkain.
Tama naman siya na kailangan maging malakas sa panahong ito dahil walang lugar ang takot at panghihina sa panahon ngayon. Pero saan siya masaya? I'm confused. Di ko makuha ang ibig niyang sabihin. Mahirap naman mag-judge kaya hinintay ko nalang siya na magpatuloy ng kwento.
Kinuha niya ang baso na may tubig at ininom ito bago ulit magsalita."Bago muna siguro ang lahat ay magpakilala muna tayo sa isa't isa. My name is Todd, Todd Faukerson." Sabay inilahad niya sa akin ang kaliwang kamay niya habang nakangiti ito.
Ngumiti rin ako dito bago magpakilala."Ako naman si Noah."
"Nice meeting you in this zombie apocalypse." Ani nito.
Hinawakan ko ang kamay niya at naki-pagkamay. Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam nung maghawak kami ng kamay na hindi ko naramdaman sa ibang lalaki. Para bang nakuryente ako sa tagpong ito. Bahagya ring tumibok ng mabilis ang tibok ng puso ko. Para bang nakaramdam ako ng kagaanan sa kanya. Pinawi niya yung takot sa puso ko. Weird pero totoo!
BINABASA MO ANG
SWAD1: In The Zombie Apocalypse
Mystery / ThrillerStuck With A Daddy: In The Zombie Apocalypse Sa pagkalat ng nakakatakot na virus ay na-stuck si Noah sa isang lugar kung saan isang lalaki ang makakasama niya. Magkakasundo kaya sila? Ano kayang mangyayari sa kanilang dalawa? Will they survive? May...