Noah's POV
Tanghali na nang nagising kami ni Todd. Nandito kami ngayon sa balkunahe dahil sinasanay niya ako kung paano ang tamang pag-gamit ng baril. Pang self-defense ko daw kung sakali na dumating ang oras na kailangan na naming makipag-sapalaran.
"... Yeah, that's right. Dapat hindi lang yung sandata ko sa baba ang hinahawakan mo, dapat ka ring masanay sa tunay na baril." Ani nito habang tutok na tutok na tinititigan ang hawak kong baril. Namutawi rin ang mapang-asar niyang ngiti sa labi.
Sinampal ko ito sa balikat ng mahina."Galing mo talaga mang asar, eh." Nakangisi kong tugon sa kanya.
Tinuro nga ni Todd sa akin kung paano humawak ng baril. Kagaya ng mga napapanood ko sa mga action movies, itututok mo lang naman ito sa direksyon na gusto mong patamaan at kalabitin ang gatilyo.
Kontrolin ko daw ang aking pag-hinga. Kapag handa na daw akong paputukin ang baril, huminga daw ako ng malalim at ibuga ang kalahati nito. Ani pa nito, huwag ko raw panatilihin sa loob ko ang aking hininga dahil mapapa-bilis lamang nito ang tibok ng puso ko na maaaring maka-apekto sa pag-asinta ko ng target.
Pinayuhan nya ako na tibayan ko daw ang pag-hawak kasi may impact ito na maaaring mag-patumba sa akin. Sanayin ko raw ang katawan at tenga ko sa lakas at maka-bingeng tunog nito.
Pinaka-huli at ang pinaka-importante sa lahat, lakasan ko daw ang loob ko kapag dumating sa punto na kailangan ko na daw kalabitin ang gatilyo.
Pinagmasdan ko siya sa kanyang gagawin. Dumungaw ito sa balkunahe na akin namang ginaya. Tila may hinahanap at sinisipat siya sa ibaba.
Ikinasa niya ang baril na hawak niya, hinawakan ito ng maigi at itinutok patungo sa kaliwang direksyon paibaba. Kasabay nun ang pag-pustura ng maayos ng kanyang katawan patungo sa kanyang braso hanggang sa kanyang kamay. Tila ba may dumaloy na alon ng enerhiya sa buo niyang katawan.
Ang tindig niya ay halatang hindi matitibag, ang pag-hawak niya ng baril ay tila mala-aksyon star sa isang pelikula at ang kanyang mukha na pokus na pokus sa target. Walang duda, isa siyang Police captain ng kapulisan.
"Wag ka muna dyan mag-pantasya sa katawan ko, focus Noah. You can have it after this." Nabalik ako sa wisyo ng magsalita ito.
"Huh? Loko! Hindi kita pinag-papantasyahan." Palusot ko, teka ba't nagpapalusot ako? Eh, hindi ko naman talaga siya pinag-papantasyahan.
Baka masapok ko ito kaya itinuon ko na lang ang atensyon ko sa kanyang target."Sa ganitong kaso, ulo ang kailangan mong patamaan sa kanila. Don't hesitate, get ready and shot!" Kasabay nun ang malakas na putok ng baril. Ang galing niyang umasinta, headshot talaga! Humarap na ito sa akin kasabay ang pag-hawi ng kanyang buhok.
"Galing!" My eyes widened and twinkled. Napa-palakpak pa ako habang nakatingin sa kanya.
"Its your turn, Noah." Inabot nito sa akin ang baril na agad ko namang kinuha. Nag-hanap rin ako ng target at saka ginaya ang pustura ng kanyang katawan kanina.
Sinubukan ko nang mag-focus at asintahin na ang target nang bigla akong yakapin mula sa likod ni Todd. Tila ba nawala ako sa pokus ng mga sandaling iyon. I felt so weak. Halos araw-araw nahuhulog ang loob ko sa kanya.
"Your left arm seems unstable. Hayaan mong alalayan muna kita." Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa instruction ng kanyang katawan. Yinakap at sinuportahan niya ang likod ko, inalalayan ang hawak ko sa baril at saka ipinatong niya ang kanyang ulo sa balikat ko.
"Pinaka-huli, huwag kang magpapa-distract sa mga bagay o kung sino man na nasa paligid mo. Dahil maaari nila itong gamitin para patumbahin ka." Pagkatapos nun ay pinaputok na namin ang baril. Sapol na sapol sa ulo ang zombie na tinarget namin.
BINABASA MO ANG
SWAD1: In The Zombie Apocalypse
Mystery / ThrillerStuck With A Daddy: In The Zombie Apocalypse Sa pagkalat ng nakakatakot na virus ay na-stuck si Noah sa isang lugar kung saan isang lalaki ang makakasama niya. Magkakasundo kaya sila? Ano kayang mangyayari sa kanilang dalawa? Will they survive? May...