Chapter 21

1.5K 68 8
                                    

Noah PoV

Limang araw na simula nang huli kaming kumuha ng pagkain sa may kalupaan. Hanggang mamayang gabi nalang ang itatagal ng mga goods namin dito sa yate kaya naman binabagtas na namin ulit ang malapit na siyudad sa kinalalagyan namin para kumuha ulit ng pagkain. Same strategy as before, ipapark ang yate sa gilid, magpapagabi at tsaka kikilos.

Sunny day ngayon. May katamtaman lamang itong init na dumdampi sa mga balat namin. Tama lang din ang breeze ng hangin ngayon sa dagat. Maski sa nakalipas na mga araw ay ganun rin. Nagpapasalamat kami dahil so far, wala namang masamang panahon ang humamon sa amin dito sa karagatan.

Ngayon ay nandito kaming buong pamilya sa taas nitong yate. Tabi tabing naka-upo, nagrerelax at nagkwekwentuhan. Family bonding in short. Masaya kami dahil dumating ang tatlong chikiting na ito sa amin. They gave us extra joy, hope, and strength to live everyday. Wala na akong ibang hihilingin pa kung hindi ang makita silang nakangiti at masaya.

"Baby ngumingiti ka ata dyan. Bakit?"inakbayan niya ako pagkatapos. Nakita niya pala na ngumingiti ako magisa.

"Masaya lang ako kasi dumating kayo sa buhay ko."I smiled and he kissed me.

"Alam mo baby, may plano ang Diyos. Di tayo habang buhay nandito. Mararanasan rin natin ang kaginhawahan at kapayapaan. Maniwala lang tayo."sabi ni Todd na halata sa mga mata nito ang pag-asa. Ngumiti nalang ako sa kanya at yinakap ito.

"Dad! Daddy look ang laki ng nahuling isda ni tito Joseph!"manghang sabi ni Jake sa amin. Napatingin naman kami sa baba at nakita nga namin ang hawak ni Joseph na isda.

Since nasa dagat naman kami why not di kami kumuha ng pagkain dito. Nangingisda rin kami para pangtawid gutom.

"Pre laki niyang nahuli mo ah. Jackpot!"sigaw ni Todd.

"Oo nga sarap nito pangpulutan. Sayang nga lang wala tayi alak!"nagtawanan ang dalawang mukhang alak.

___________

Third person PoV

Ilang minuto na rin silang naglalayag sa dagat. Naaaninag na nila ang siyudad na dadaungan nila. Pero habang papalapit sila doon ay may kakaiba silang napansin.

"Dad! Bakit po nasa baba na ang langit?"tanong ni Yohan sa Dad nitong si Yohan. Hindi naman alam ni Noah ang isasagot dahil maging siya ay hindi alam kung ano iyon.

"What the F!"ani Ian na may pagtataka sa mukha.

"Ano yan?!"ani Jane.

Halata ang pagtataka sa mga mukha nila. Naghahanap ng kasagutan kung ano ba ang puting bumabalot sa buong siyudad.

"Huwag muna tayong masyadong lumapit. Baka isang uri yan ng phenomena?"suggest ni Marco.

Huminto muna sila di kalayuan sa siyudad. Patuloy na tinatanaw at inuusisa ang parang ulap na bumabalot sa siyudad.

"Para siyang...usok!"opinyon ni Noah.

"Pero san galing? Sino ang may gawa?"tanong ni Ian.

Habang nagpapalitan ng mga hinala kung ano nga ba iyong bumabalot sa siyudad ay may kakaiba silang tunog na naririnig mula roon. Papalapit ng papalapit ang tunog na ito sa gawi nila. Ilang segundo pa ang lumipas ng iniluwa ng puting parang usok na ito ang tatlong military helicopter.

Wala na silang pinalagpas na pagkakataon. Sumigaw sila ng malakas habang kumakaway sa mga ito. Ang kanilang mga ngiti ay umabot hanggang tenga. Halata naman na napansin sila nito at tumigil sa ere.

SWAD1: In The Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon