Noah's POV
Paunti-unti kong dinidilat ang mga mata ko. Purong puti, yan lang ang nakikita ko. Nasisilaw ako. Nasa langit na ba ako? Di ako makakita ng maayos. Inaaninag ko ng paunti-unti pero purong puti lang talaga ang nakikita ko.
"Sa tingin ko ay may malay na siya. Gising na siya, Guys!" Narinig ko mula sa kung saan. Siya na ata si San Pedro.
Kinusot-kusot ko ang mata ko at saka ito ibinuklat upang makita ko kung nasaan nga ba talaga ako. Ang OA ko kwarto lang pala ito na purong puti. Nasisinagan rin ako ng liwanag ng araw na nanggagaling sa may bintana.
"Baby!" Nawala bigla yung liwanang dahil may ulo na humarang dito. Niyakap ako nito ng mahigpit. Sobrang higpit nito."May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba? Ano ba ang gusto mong kainin?" Sunod sunod na tanong nitong si Todd.
Wala akong naging imik sa kanya. Napangiti ako ng makita ko ulit ang mukha niya. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko dahil sa lubos na sayang nararamdaman ko ngayon.
"Todd, Mahal ko." Hinawakan ko siya sa pisngi. Tinititigan ko lang ang mukha niyang kay amo. Ito yung huling mukha na nakita ko bago ako mawalan ng malay. For the second time, he saved me again.
"Oh, baby dahan-dahan lang ah. Wag ka munang gumalaw masyado. You should take a rest and I'll take care of you."
Umupo ako sa kama na nahihigaan ko. Medyo masakit ang likod ko kaya nahirapan akong umupo. Sumandal ako sa headboard ng kama.
Pinagmasdan ko ang mga taong nakapaligid sa akin. May mga bagong mukha akong nakikita. Isang babae at dalawang lalaki. Ngayon ko lang sila nakita. Nakangiti sila sa akin habang isa-isa ko silang tinitingnan.
Tumingin naman ako kay Todd kalaunan."Sino sila, Todd?"
"Baby sila ang sumagip sa atin doon sa ilog noong bumagsak tayo. Kaya kung hindi sila dumating baka patuloy parin tayong tumatakbo sa kamatayan." Ani Todd habang hinahaplos nito ang braso ko.
Pinagtagpo ko ang mga kamay ko sa tapat ng dibdib ko kasabay ang pag-vow ko sa kanila isa-isa sabay sabing,"Maraming salamat sa pagsagip sa amin. Utang namin ang buhay namin sa inyo."
"Walang ano man iyon." Tugon sa akin nitong babaeng medyo may kapayatan, medyo kulot ang buhok, sa tingin ko ay may tangkad siyang 5'6 at maputi rin ito. May ibubuga rin siya sa ganda dahil din ata sa tamang pagkakalapat ng kolorete sa mukha nito.
"Jane nga pala." Paglahad nito ng kanyang kamay na tinugunan ko namang agad.
Inakbayan niya ang lalaking katabi niya bago ulit magsalita."Ito naman ang asawa kong si Ian, ang pinakamacho, pinakagwapo at lahat na ng pinaka ay nasa kanya na." Pagpapakilala nito kasabay nun ang pagkaway nitong si Ian sa akin. Naghalikan din sila pagkatapos. Todd naiingit ako, galaw-galaw! Char.
Matipong ang pangagatawan nitong si Ian at matangkad din kagaya nila Todd at Marco. He has a round-bearded face, thick eyebrows and a heart shaped lips. May ibubuga rin sa itsura ika nga, sa tingin ko nga chickboy 'to.
Binati naman ako ng asawa ni Jane na si Ian.
Dumako naman ang tingin ko sa tahimik na lalaking nasa tabi naman ni Ian."Ako naman si Migs, kaibigan nilang dalawa nito lang ng maganap na ang pandemya." Mahinhin at tila walang ganang pagpapakilala nitong isang lalaki, teka lalaki nga ba?
Mas payat pa ito sa akin, well tama lang naman katawan ko. Ang mga mata nito ay tila inaantok o yung sanasabi nila na sleepy eyes na rare lang sa tao, matangos rin ang ilong, medyo light brown ang kulay ng balat nito at naka-undercut ang buhok nito.
BINABASA MO ANG
SWAD1: In The Zombie Apocalypse
Mistério / SuspenseStuck With A Daddy: In The Zombie Apocalypse Sa pagkalat ng nakakatakot na virus ay na-stuck si Noah sa isang lugar kung saan isang lalaki ang makakasama niya. Magkakasundo kaya sila? Ano kayang mangyayari sa kanilang dalawa? Will they survive? May...