Noah's POV
Naka-upo ako sa isang kama sa loob nitong mini-house kung saan pumasok yung maliit na bata. Yung kaunting kaba ko kanina sa tiyanak--ay este bata na iyon ay nawala. Napalitan ang kaba na iyon ng pagkamangha at awa dahil sa mga bata na nasa harapan ko ngayon.
Hindi nga ako nagkakamali, hindi pa malabo ang mata ko. Tunay silang mga bata.
Nakaupo silang tatlo sa harapan ko ngayon. Nakangiti ako para hindi ito matakot sa akin. Parang napaka-inosente pa kasi nila.
Pero napansin ko na parang may mga takot sa kanilang mga mata. Animo'y may pinagdaanan silang matindi at nakaka-traumang insidente. May kutob ako na kagaya rin namin ay dumaan sila sa matinding puyat at takbuhan.
Lahat sila ay mahahaba na ang buhok. May kadungisan na rin ang mga ito.
"Mga bata 'wag kayo matakot sa akin. Hindi ko kayo sasaktan, hindi ako masamang tao." pagpapahinahon ko sa kanila. Napahangos naman ako dahil mukha namang tumalab.
"Ako si Noah." pagpapakilala ko. Hindi ko alam pero parang gusto ko itong ginagawa kong pakikipag-usap sa kanila. Kay gaan sa pakiramdam nitong ginagawa ko. "So ngayon, gusto ko pong makilala ang mga cute names ninyo. Pero dapat magpakilala kayo sa akin. Okay po ba?" sabi ko in a childish way para makuha ko ang loob nila. Tumango naman sila sa akin isa-isa.
Tiningnan ko sila isa-isa bago ako magsalita. "Hmm... Simulan po natin sa iyo." pagturo ko.
Itinaas naman nito yung kaliwa niyang kamay pagkatapos ay ikinaway ito ng mahina. "Ako po si James. Thirteen years old. Ako po ang panganay sa aming tatlo." sabi nung may katangkadan na bata. Siya yung nahila ko kanina na akala ko ay si Migs.
"Ba't hindi ka nag-react kanina nung nahila kita?" tanong ko.
"Kasi po kinabahan na rin ako sa pagsisigaw ninyo. Nanigas na rin yung katawan ko nun."
Napakamot naman ako sa at alanganing ngumiti. "Ganun ba. Ikaw naman po ang magpakilala." sabi ko doon sa isang bata na katabi nitong si James.
"Hello. Ako naman po si Jake. Ang pangalawa po sa aming magkakapatid. Pitong taong gulang. Nakatira sa Brgy. Dinailan, Sta. Rosa, Maynila. Ang talent ko po ay---." di na nito natuloy ang sasabihin nang takpan ni James ang bibig nito.
"Uy, anong talent-talent ka dyan? Wala tayo sa school." bulong ni James na ikinangisi ko. Nakakatuwa naman sila.
"Eh, mukha kasi siyang teacher, kuya. Parang yung teacher natin sa English, cute din." tila pumalakpak ang aking tenga dahil sa narinig ko. Gusto ko itong si Jake. Honest sa buhay.
"Hello, Jake. Cute napaka-cute n'yo ring tatlo."
Pang-huli nang magpapakilala ay yung bata na nakita ko nung isang araw. Hindi siya makatingin ng maayos sa akin at tila nanginginig ito habang nasa likod ni James.
"Yohan, wag ka nang matakot. Hindi naman siya masamang tao." pagpapakalma ni James dito.
Linapitan ko nalang siya at dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya.
"Baby boy?" unti-unti naman siyang tumingin sa mga mata ko. "Relax kalang po. Wala ng mga bad zombies dito." pagkasabi ko nung zombie ay bigla ako nitong niyakap at umiyak mg umiyak. Agad ko namang hinagod ang likod nito habang pinapa-alo ito.
BINABASA MO ANG
SWAD1: In The Zombie Apocalypse
Mistério / SuspenseStuck With A Daddy: In The Zombie Apocalypse Sa pagkalat ng nakakatakot na virus ay na-stuck si Noah sa isang lugar kung saan isang lalaki ang makakasama niya. Magkakasundo kaya sila? Ano kayang mangyayari sa kanilang dalawa? Will they survive? May...