Noah PoV
Nasa harap kami nitong malaking tarangkahan. Patuloy parin sa pag-iyak itong si Yohan dahil ayaw niya na umalis si Todd.
"Daddy! Wag kana po umalis please."nakayakap ito kay Todd habang patuloy parin na umiiyak. Hinahaplos ko naman ang likod nito. Pinipilit ko nalang tatagan ang loob ko para sa mga bata kahit gusto ko nang umiyak talaga. Wala naman din akong magagawa dahil propesyon yan ni Todd kailangan niya talagang umalis kahit na ilang beses ko siyang pinilit na wag na sumama.
"Baby diba nag-usap na tayo? Kailangan umalis ni Daddy."tumingin naman si Todd sa akin. Pilit akong ngumiti sa kanya kahit sakit na sakit na ang loob ko."I promise baby Yohan na kapag natapos namin ito ay babalik agad ako at never na tayo magkakahiwalay."
"Pra-pramis mo po yan ah."pautal utal na sabi ni Yohan.
"Yes! I promise."hinalikan na niya ito sa ulo."James since ikaw ang panganay, bantayan mo ang mga kapatid mo ah wag mo silang pababayaan pati si Dad mo. Tulungan mo rin si Dad mga gawaing bahay."Tumango lang si James sa kanya.
"Jake tara nga dito. Wag ka masyado kumain ng mga matatamis, sige ka mabubungi ka nyan. Bantayan ninyo si Dad ah."hinawi nito ang buhok ni Jake. Pagkatapos ay yinakap niya na ang mga anak namin.
Pagkatapos ay tumayo siya at lumapit sa akin."Baby I know hindi ka payag na umalis ako. Pero ito kasi ang sinumpaan kong tungkulin...but I promised, after this mission, I'm gonna stay forever by your side at sa mga anak natin. Mangako ka lang na iintayin moko. I love you baby ko."di ko na napigilan ang luha kong kanina pa gustong lumabas.
Hinagkan ko siya."Pangako ko hihintayin kita Todd, hihintayin ka namin ng mga anak mo. Mahal na mahal kita Todd."
"Mr. Faukerson, we need to go."sabi nung isang sundalo. Tumango naman si Todd at binitbit na ang mga gamit niya.
Pagkatapos ng iyakan na iyon ay unti unti na siyang nawawala sa pagsarado ng tarangkahan. Nakita ko pa siyang yumuko at parang may pinunas siya sa mga mata nito. Iyon ang huling sandali na nakita ko siya.
________________
One month later
Isang buwan. Isang buwan na simula nang umalis si Todd para sumama sa isang mission na sagipin ang mga natitirang buhay doon sa lungsod na pinagmulan namin. Isang buwan na rin akong nangungulila sa pagmamahal niya at mga yakap niya. Isang buwan na pabalik balik ako doon sa tarangkahan, inaabangan na iluwa siya neto papasok. Gabi gabi rin akong umiiyak dahil sobra ko na siyang nami-miss.
Ang tanga ko naman kasi. Bakit ko ba siya pinayagan umalis? Dapat pinigilan ko nalang siya noong araw na iyon. Sana di nalang ako pumayag sa gusto ng mga sundalo na iyon. I'm missing him so much.
Sa sobrang kakaisip ko lagi sa kanya ay nakalimutan ko na ngayon pala ay kaarawan ko na. Happy Birthday self! Batiin ko nalang sarili ko wala naman kasing nakakaalam na kaarawan ko ngayon. Wala rin nakakaalam sa mga anak ko na ngayon ang birthday ko kasi di ko pa pala nasabi sa kanila. Miski sa mga kaibigan namin. Naaalala ko na tanging si Todd lang ang napagsabihan ko noon. Tinatamad ako mag-celebrate siguro pupunta nalang akong simbahan mamaya para magdasal. Ever since din naman kapag birthday ko ay pumupunta lang ako sa simbahan at sapat na sakin iyon.
"Dad. Good Morning po."bati ni James na nagpabalik sa ulirat ko. Umupo na siya sa lamesa para kumain.
"Dad umiiyak ka na naman po. Tahan na po."bati sakin ni Jake. Di ko pala namalayan na tumulo na naman ang mga luha ko.
"Dad ito po panyo."iniangat ni Yohan ang isang panyo. Napa-smile nalang ako sa ginawa niya kasi nakatingkayad ito at pilit inabot sa akin ang panyo. So cute!"Smile kana po."habol niya.
BINABASA MO ANG
SWAD1: In The Zombie Apocalypse
Mystery / ThrillerStuck With A Daddy: In The Zombie Apocalypse Sa pagkalat ng nakakatakot na virus ay na-stuck si Noah sa isang lugar kung saan isang lalaki ang makakasama niya. Magkakasundo kaya sila? Ano kayang mangyayari sa kanilang dalawa? Will they survive? May...