Chapter 10

2.6K 98 12
                                    

Noah POV

Dalawang araw na rin ang lumipas ng magkasakit ako. Pasalamat ako dahil gumaling at naka-recover kaagad ako. For sure gumaling ako dahil sa pag-aalaga at pagmamahal ni Todd. Dalawang araw na rin ang lumipas simula nung matagpuan at iligtas kami nila ate Jane, kuya Ian at ni Migs sa ilog na tinalunan namin.

Ang dali lang pakisamahan ng mag-asawa dahil napaka-hospitable nila at friendly pa. Di ko nga akalain na magiging close agad kami which is good kasi sino pa bang magdadamayan at magtutulungan in the end kung hindi kami nalang mga natitirang buhay.

Kahit na ganito ang kinahantungan ng mundo ay feeling blessed pa rin ako dahil nakilala ko sila na hindi ko inaasahang magmamalasakit sa akin at sa bawat isa. Lalo na itong lalaking laman ngayon ng aking puso't isipan.

Actually, nakatingin ako sa kanya at pinagmamasdan ito ngayon habang magkahawak ang mga kamay namin. Nandito kami ngayon sa terrace nitong bahay na tinutuluyan namin nakatambay at nagre-relax. Magagandang bulaklak at halaman ang aming pinagmamasdan kasabay ang huni ng mga ibon. Kay ganda rin ng panahon ngayon, tamang-tama lang ang init na nagmumula sa araw.

Sapat naman ang taas ng bakod dito sa bahay upang hindi kami mapasok ng mga zombies mula sa labas.

"Sobrang sweet nila no, Todd? Parang tayo lang noon nung nasa condo pa tayo. Mag-aasaran at maghaharutan buong magdamag." Kinikilig na banggit ko kay Todd habang nakatingin sa sa gawi nila Marco at Migs.

Nagtatanim kasi sila ng mga seeds ng mga puno doon sa bakuran.

Kinikilig ako sa tuwing inaasar ni Marco si Migs. Hindi sila pero para silang magkasintahan kung magharutan. Nakakatuwa lang na nakikita na naming ngumiti ngayon si Migs. Hindi ko alam kung anong nangyari pero after nung hatidan ni Marco si Migs ng meryenda noon, lagi na silang magkasama.

Dalawang araw pa lang ang lumipas ay may napapansin na talaga kaming apat diyan sa dalawa na yan. Mahirap mag assume pero baka nililigawan na nitong si Marco si Migs or baka talaga may relasyon na sila. Who knows? Di naman yun malabo. Pero kahit ano pa man yun ay mas better para kay Marco upang hindi na niya maramdaman mag-isa, ganun din kay Migs.

"Ey! Ey! Ey! Magsikain muna tayo. Wala na tayong ibang ginawa kung hindi lumamon. Yung abs ko naglayo na. Hoy! Kayonh dalawa dyang lowkey couple snack muna kayo." Pabirong pag-aya samin ni kuya Ian.

"Ulol!" Sigaw ni Marco sa malokong boses.

"May abs ka? Ba't di ko alam?" Biro ni Ate Jane kay Kuya Ian.

"Tara nga dito. Buti nalang talaga love na love kita." Sabay inakbayan nito sa Jane habang hinaharit-harot.

May dala silang tray na may mga cookies at dalandan juice na pinakagusto ko sa lahat.

Umupo na sila Ate Jane at Kuya Ian sa tabi ko kasunod nila sila Marco at Migs. Bale naka-circle kami dito sa lamesa.

"Tamang-tama gutom na ko. Kanina pa tunog ng tunog itong tiyan ko." Sabi ni Marco habang tinitingnan ang mga cookies sa lamesa. Kinuha nito ang isang cookies at kumagat."Hmm sarap naman nito. Ikaw ba nag-bake nito Jane?" Manghang tanong ni Marco.

"Well, yeah ako nga nagbake niyan pero yung recipe at procedure ng pagluluto ay tinuro ni Migs sakin."

Napalingon si Marco kay Migs habang nakamilog ang mata."Totoo ba yun, Migs? Marunong ka mag-bake?"

Pinagtagpo ni Migs ang mga kamay niya habang binubutingting ang kanyang kuko. Tila nahihiya ito."Totoo naman yun. Mahilig ako magbake ng cake pero madalas hindi ko natitikman o kinakain ang mga niluluto ko." Ani Migs habang palinga-linga ng tingin sa aming apat.

SWAD1: In The Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon