Chapter 7

2.8K 113 8
                                    

Noah's POV

Gumising ako na masakit ang mga kasukasuan at ilang parte ng katawan dahil sa pagod. Ikaw ba naman maglakad at magbike ng dis-oras ng gabi sabayan pa ng kaba na may pagkabalisa dahil baka may zombie na pala sa tabi mo.

Tumayo ako at nagstretch-stretch. Pinagmasdan ko si Todd. Tulog na tulog at humihilik pa ito. Lumuhod ako at hinalikan ko ito sa noo tsaka kinumutan ko siya. Ang bait kapag tulog parang batang sanggol.

Dito kami nag-stay sa first floor ng isang office building. Maaliwalas at tsaka may kalawakan naman ito. Sakto naman na may mga folding bed dito sa room kaya yun ang ginamit namin para higaan pansamantala.

Dumako naman ang tingin ko sa humihilik din na si Marco may distansya mula sa amin. Ang lalakas humilik, Jusmi. Dinaig pa ang alarm clock sa ingay nitong dalawa.

Tumayo ulit ako at tsaka dumako sa may window glass. Hinawi ko ng kaunti ang damit na isinampay ni Todd dito upang makita ko ang labas at makapasok din kahit papaano ang sinag ng araw.

Ibang-iba na ang scenariong makikita dito sa mainroad kumpara doon sa dati naming pwesto. Mas tambak ang mga sasakyan, zombie at may mga uwak na kinakain ang laman ng mga nabubulok na katawan ng tao. Nakakasuka as in.

Pinili ko nalang na takpan ulit ito at nilagyan ng kaunting awang. Naghanda na ako ng makakain para sa agahan.

Para sa akin muna ang ihahanda ko dahil mukhang mamaya pa sila magigising. Ang hihimbing pa kasi ng tulog parang mga mantika.

Isang oras na rin ang lumipas. Nakakain na rin ako. Nganga parin itong dalawa at humihilik parin.

Medyo na bo-bored na ako kaya naisipan ko na mag-exercise muna lahit masakit ang katawan. Nangongolelat ako sa dalawa na ito kagabi. Pagod na pagod na ako samantalang sila ay hindi ko nakikitaan ng pagkapagod.

"Good morning, Baby Noah." Napalingon ako kay Todd. Nakatingin ito sa wall clock habang kinakamot pa ang likod. Namumungay pa ang mga mata nito."Tanghali na pala. Hindi mo kami ginising."

Nilapitan ko ito at kiniss."Good Aftie, My Daddy." Pagbati ko."Hindi ko na kayo ginising dahil ang himbing pa ng tulog ninyong dalawa." Natutuwa kong tugon sa kanya."Mabuti pa at kumain kana. Sandali at ipaghahanda kita."

"Okay, Baby. Maghihilamos lang ako sa CR."

Ready to eat food na ang hinain ko kasi wala naman ditong lutuan. Pagkalabas niya sa banyo ay inimbitahan ko na ito upang kumain na.

Sinusubuan niya rin ako habang pinapanood ko siyang kumain. Halatang gutom na gutom ito.  Parati kasing full ang loob ng bibig nito. Tila ba ilang weeks na hindi nakakain. Ang cute.

"Dahan-dahan lang, baka mabulunan ka, Todd." Payo ko dahil punong-puno na ang bibig nito ng pagkain.

"Gutom na gutom kash--" Hirap na hirap nitong tugon. Marahan kong inilapag sa kanyang labi ang hintuturo kong daliri.

"Shh! Kumain ka na nga lang dyan." Natutuwa kong sabi. Ang cute niya kasi kumain.

Nagke-craving ako kung pano siya kumain kahit na busog pa ako. Paminsan-minsan ay may nagme-mess na pagkain sa tagiliran nito na lubos kong ikinasasaya. Ang babaw ng kaligayahan ko. Naalala ko lang kasi yung mga bata sa orphanage kung saan ako lumaki.

"Oh, bat ganyan ka sakin makatingin?" Tanong ni Todd.

"May naalala lang ako. Kumusta na kaya sila dun sa orphanage kung saan ako lumaki? Si Mother Theresa na namumuno roon. Sila Paul, Blake at Kay na kasama kong lumaki doon ay asan na kaya? Madalas kasi kaming dumalaw doon simula nung bumukod na kami. Hoping ako na sana naka-survive pa sila doon lalo na yung mga bata. " Ani ko habang nakatingala.

SWAD1: In The Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon