Noah's PoV
Maaga kaming gumising kanina para magja-jogging. Kasama namin sila Ian at Jane na nasa unahan na. Akala mo naman sa kanila marathon ito eh. Si Todd at Marco naman ay ganun rin, kasabay lang nila ang mga bata.
"Dad! Tito Migs! Bilisan po ninyo!" sigaw ni Jake sa amin ni Migs. Pareho kami nakahawak sa tuhod, naka-tuwad at hingal na hingal. Jogging pa ba 'to? Takbuhan na ata ito.
"Hintayin ninyo naman kami mga anak." sigaw ko dahil may kalayuan na sila sa amin. Iba talaga pag bata, full of energy pa.
Yes, you heard it right. Anak na ang tawag ko sa kanila. Kami na ni Todd ang tatayong mga magulang ng tatlong bata. Masaya ko iyong tinanggap, ganun rin si Todd.
Alam ko na hindi ganoon kadaling maging isang magulang pero gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para maging isang huwarang mga magulang sa kanila. Sabay namin ni Todd na gagampanan ang responsibilidad na naka-atang sa aming dalawa.
Nagpatulog pa kami ni Migs at sinubukan pang makahabol sa kanila.
Hindi lang sumama sa amin ay si Joseph. Nitong mga nakaraang araw ay gabi-gabi na siyang umiinom. Kapag tinatanong naman namin kung anong problema niya, ang sasabihin niya lang ay wala. Sobrang lamig na rin niya nitong mga nakaraang araw. Ibang-iba na siya noong nakilala namin siya.
Hindi naman sa ayaw ko sa kanya, ah. Hindi ko rin alam kung totoo na may gusto siya sa akin o wala, basta iniiwasan ko nalang siya hanggang maaari. Ayoko ng gulo sa mansion.
"Gagaling ng mga asawa natin Noah, napaka supportive." biro ni Migs."Mukhang may iniisip ka diyan, okay ka lang ba?" pahabol na tanong nito.
Tumango naman ako sabay sabing, "Oks lang ako. Pero itong si Todd? Babatukan ko talaga yan kapag naabutan ko." natawa nalang kami at nagpatuloy na sa pag-jogging.
Finally, nakarating na kaming lahat dito sa pinakadulong likod ng isla. Mayroon ditong daungan ng mga sasakyang pandagat. Mayroon ding isang yate dito na halatang hindi pa nagagamit.
Sabi ni Marco ay ireregalo niya sana yan sa papa niya. Kaso nga lang daw nangyari nga ang pagkalat ng virus sa mundo kaya hindi na natuloy.
"Nasaan ba si papa ngayon?" tanong ni Migs.
Lumapit naman sa kanya si Marco at inakbayan ito. "Nasa province siya ngayon. Napadalahan ko pa siya ng mensahe patungkol dito sa kumakalat na virus bago mawala ang lahat ng network provider dito sa atin."
"Sana ayos lamang si Papa." nalulungkot na hiling ni Migs.
Hinalikan muna ni Marco si Migs sa noo nito bago ulit magsalita. "Napakalakas ni Papa. Alam ko na hindi yun sumusuko sa laban. He'll be fine and i'm sure about it. If we survive this pandemic, hahanapin ko siya." tugon ni Marco.
Makaraan pa ang ilang minuto ay naisipan na naming bumalik na. Sakto naman dahil mayroon ditong isang tourist mobile. Dahil sa pagod ay doon na kami sumakay lahat na pinagmaneho ni Ian.
Pagkarating namin ng mansion ay agad kaming naglinis ng katawan dahil tagaktak talaga ang pawis naming lahat. Pagkatapos ay bumababa na para kumain.
Nandito na rin itong si Joseph na halatang may hang-over pa. Sinisira niya na ang buhay niya dahil lang sa alak na yan.
"Hindi niyo man lang ako ginising. Gusto ko rin sana na sumama." tila walang ganang sabi ni Joseph habang nakatingin sa plato niya.
"Ikaw kasi puro ka inom, imbes magising ka ng maaga, eh hindi, kaya lagi kang late magising." sagot naman ni Marco. "Try mo na wag muna uminom mamaya para makasama ka bukas sa amin." pangaral ni Marco.
BINABASA MO ANG
SWAD1: In The Zombie Apocalypse
Mystery / ThrillerStuck With A Daddy: In The Zombie Apocalypse Sa pagkalat ng nakakatakot na virus ay na-stuck si Noah sa isang lugar kung saan isang lalaki ang makakasama niya. Magkakasundo kaya sila? Ano kayang mangyayari sa kanilang dalawa? Will they survive? May...