Chapter 15

2K 83 1
                                    

Noah's POV

Nandito ako sa sala pinapaypayan ng mga OA kong mga kasama. Akala nila nagha-haluscinate ako doon sa nakita kong bata. Ito namang isa baka buntis daw ako kaya may nakikita daw ako na di nila nakikita. Anong konek? Sana nga totoong buntis ako, char!

Basta I swear to God, kitang kita ng dalawa kong malinaw na mata na bata talaga yung nakita ko kanina.

"Baby ano bang itsura nung bata? Gaano siya katangkad? Ano ba yung suot niya? Describe mo nga." tanong ni Todd na sobrang na ang pag-aalaa kanina pa.

"Ang bilis niyang tumakbo di ko masyadong naaninag yung mukha niya. Ang natandaan ko lang ay nakasuot siya ng mahabang puting damit." sagot ko sa kanya.

Bumalik na sila Ian, Joseph at Marco mula sa kusina. Tiningnan kasi nila kung nandoon pa yung bata.

"Wala naman kami nakitang bata doon o ano mang kahina-hinala." ani Ian habang ito'y nakahalukipkip.

"Tiningnan ko naman sa may labasan ng kusina. Wala rin akong nakita mula doon." sabi naman ni Joseph.

"Sigurado kaba talaga sa nakita mo, Noah?" tanong ni Marco.

Tumango nalang ako. Kanina pa sila tanong ng tanong kung sigurado daw ba talaga ako sa nakita ko, eh, ang linaw-linaw pa kaya ng mata ko mas malinaw pa sa future namin ni Todd.

Alam ko na hindi sila maniniwala kasi wala namang proof pero malinaw talaga sa akin ang nakita ko hindi ako pwedeng magkamali. Bata iyon! Pero for now siguro sasabihin ko muna sa kanila na baka stress lang ako at kailangan lang magpahinga.

Napahilamos na lang ako ng mukha. "Siguro stress lang ako." tangi kong sabi habang hawak ko ang braso ni Todd. Nakita ko naman na sobrang nag-aalala si Todd sa tabi ko.

"Guys siguro aakyat muna kami ni Noah. Sasamahan ko siyang magpahinga. Baka kailangan niya lang mabawi yung lakas niya." banggit ni Todd. Pagkatapos ay binuhat ako nito. Hindi na ako umapela pa. Inangkla ko nalang sa leeg niya ang kaliwa kong braso.

"If you need something Noah, tawag ka lang sakin, I mean sa amin." pahabol na sigaw ni Joseph habang paakyat na kami ni Todd.

Ginaya ni Todd yung pagsabi ni Joseph ng walang boses. Napailing at napangisi nalang ako sa ginawa niya.

Pagkapasok namin sa kwarto ay marahan niya akong sa kama, kinumutan at tsaka tumabi siya sa akin.

"Todd?" pagtawag ko sa kanya.

"Yes, baby?"

"Naniniwala ka ba sa akin na may nakita ko kanina?" tanong ko sa kanya habang yakap-yakap ko siya.

"Baby, sa trabaho namin kailangan na kailangan talaga ang proof o ebidensiya para mapatunayan na totoo ang isang bagay, lalo na pagdating sa mga case. Ngayon sasagutin ko yang tanong mo,oo naniniwala ako sayo na may nakita ka. Even though wala kang ebidensyang maipakita o maisumite sa akin, maniniwala at maniniwala ako sayo." bulong nito sa akin tama lang para marinig ko. Nakakataba naman ng puso ang ganyang mga kataga.

"Pero may tatlong posibilidad kasi kung ano man iyong nakita mo. Una, baka totoong bata talaga iyon. Pangalawa, hindi malabo pero baka multo yun. Pangatlo, baka dala lang ng pagod o trauma mo kaya nag-haluscinate ka." hinalikan niya muna ako sa noo bago ulit magsalita. "Lahat tayo dumaan sa matinding pagsubok at takot, lalo kana Noah. You deserve a year of rest with a daily dose of my love for you." pagkatapos niyang sabihin iyon ay mas sumiksik pa ako sa katawan niya. Piling ko kasi mas gagaling ako ng mas mabilis kapag nasa tabi ko lang siya, hindi ko naman maikaka-ila na may trauma ako sa lahat ng nangyari.

SWAD1: In The Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon