Chapter 6

3.2K 131 5
                                    

Isang linggo na ang lumipas mula nang makilala nila Todd at Noah si Marco. Sa isang linggo na iyan ay naging masaya naman ang kanilang samahan at wala namang naging problema.

Ngunit kagaya nga ng sinasabi ng iba, 'walang forever'.

Naubos na ang supply ng kanilang pagkain kaya kailangan na nilang umalis sa condo kung saan nagsimula at nabuo ang pagmamahalan nila Todd at Noah.

Mahirap man para kay Noah na lisanin ang lugar kung saan nabuo ang pagmamahalan nila ni Todd ay wala na siyang magagawa.

Nag-hihintay nalang sila na mag-gabi para isagawa ang kanilang plano.

Dalawang araw na ang nakakalipas nang masinsinang nag-usap ang tatlo para bumuo ng planong pag-alis sa kinalalagyan nila.

Ang kanilang plano ay ang makarating sa 'La Hacienda Island', isa itong isla hindi kalayuan sa may kalupaan na pag-aari ni Marco. May nakatayo doong mansion, may naglalakihang pool, ang isa ay konektado mismo sa dagat, mayroon rin itong sariling sports complex, gym, mini farm, sariling clinic at lahat ng makikita sa isang resort ay naroroon na.

Ngunit hindi biro ang makapunta doon dahil may kalayuan ito sa kinalalagyan nila. Siguro ay aabutin sila ng ilang mga gabi bago makapunta sa pampang kung saan sasakay sila ng speed boat para makapunta roon.

Kaya pinag-isipan nilang mabuti ang babaybayin nilang daan, inisip nila ang pinaka maiksing ruta para makatipid sa oras at makarating doon ng mas maaga at higit sa lahat ligtas.

Noah PoV

6:34 PM. Nakaupo ako sa sofa habang nakatitig sa hawak kong pistol gun. Kaba at takot ang naghahalo-halong emosyon sa akin na lumilikha ng matinding pawis sa katawan ko.

Di ko kasi alam kung ano ang mangyayari sa amin kapag sinimulan na naming isagawa ang plano. Walang kasiguraduhan sa labas.

Tumingin ako kay Todd na nasa harap ko ngayon. Nakasukbit sa likod nito ang bag na may mga importanteng gamit katulad na lamang ng ilang goods na natira sa nakalipas na linggo at ilang mga baril na pagmamay-ari niya.

Mula sa nakatayong si Todd ay lumuhod ito sa harapan ko, nginitian ako at pinunasan ang pawis ko sa mukha gamit ang kanyang kamay. Kumalma naman ako ng kaunti dahil sa ginawa niyang iyon.

"Wag ka nang mag-alala sa akin, Todd. Ayos lamang ako." Sabi ko. Pero kahit anong pilit kong itago ang nerbyos ko, alam kong nahihimigan parin niya ito. Kitang-kita ko kasi sa mga mata niya ang pag-aalala

Hinawakan nito ang isa kong kamay."Noah, Alam mo ba nung bata pa ako. Kasama ko noon si Papa, sobra akong natakot noong una kong sakay sa helicopter. Noong nasa itaas na kami ay wala akong ibang nararamdaman kung hindi takot. Nakatingin lang ako kay papa at naninigas." Pagkwento niya. Para saan naman iyan at naisipan mo pang ikwento ngayon."Alam mo ba kung ano ang sinabi ni papa sa akin nun?"

"Ano?" Pagtataka kong tanong.

"Alam mo anak, natural lang matakot. Hindi naman natin iyan maiiwasan. Alam mo ba kung paano masu-surpass ang takot na iyan saiyo? Kailangan mo lang mag isip ng mga magagandang bagay na nangyari sa iyo, o kaya naman isipin mo yung mga taong minamahal mo para bigyan ka ng lakas at inspirasyon para mag patuloy sa ano mang pagsubok sa buhay. O kaya naman mula sa takot ay hanapin mo ang magandang bagay na nakatago dito." Sabi daw yan ng papa niya.

Nagpatuloy sa pagkwento sa akin si Todd."Itinuro niya sakin yung labas ng bintana at sumilip daw ako. Doon lang nawala ang takot ko nang makita ko ang nasa labas. Manghang-mangha talaga ako noon sa tanawin sa baba habang nasa itaas kami." Sabi ni Todd habang nakatitig sa mga mata ko.

SWAD1: In The Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon