Chapter 19

1.7K 75 18
                                    


"Boss. Hindi na po kinakaya ng selda ang mga pinapakain nating mga walang silbi sa mga zombies." nakayukong sabi nito sa kanyang boss dahil sa takot.

Humangos ng malalim ang tinutiring nilang boss, "Susundin mo ba ang mga inuutos ko o ikaw ang ipapakain ko sa kanila?!" bulyaw ng boss sa kanya.

Nanginginig na nag-salute ang alalay sa kanyang boss pagkatapos ay bumaba siya sa base ng barko kung saan nakaselda ang mga zombie.

"Malilintikan tayo kay boss pag hindi ninyo yan dinispatiya. Ipasok ninyo na yan, kakayanin pa naman ata ng selda." sabi ng alalay na kausap ng boss kanina.

"Please maawa kayo. Gusto pa naming mabuhay." pagmamaka-awa ng isa sa mga tauhan nila na itinuring na nilang wala ng silbi sa kanila.

Binuksan ng kausap ng alalay ang selda at itinapon sa loob ang tauhan na walang silbi. Pero lakas-loob niyang itinulak ito kaya nabuksan muli ang selda na may mga zombie. Dahil doon ay nakalabas sa kulungan ang sandamakmak na mga bilangong zombie.

Samantala, walang kaalam-alam ang boss at mga tagasunod nito sa itaas ng barko na nakawala ang mga zombie sa seldang kinalalagyan nito.

Halos maubos na ng mga zombie ang lahat ng tauhan at crew ng barko, tagasunod at mga alipin sa loob ng barko. Lahat sila ay hindi handa sa nangyari. Lahat sila ay walang kalaban-laban. Walang awa silang pinagpapatay ng mga zombie na iyon. Ang bilis kumalat ng virus sa katawan ng mga na-infect dahil sa kahinaan ng resistensya ng mga ito.

Hingal na hingal naman ang alalay ng boss na nakarating sa taas. Nakagat ito sa binti ng isa sa mga zombie ngunit maswerte at nakatakbo pa ito sa itaas.

Lumapit ito sa boss niya pagkatapos ay pumatong sa mga braso nito. "Boss, tulungan moko." nauutal na pagmamaka-awa niya.

"Anong nangyari sa iyo?! Umalis ka sa katawan ko!" sigaw ng boss. Akmang itutulak na sana siya nito nang bigla itong mag-angat ng ulo. Kulay puti na ang kulay ng mga mata nito. Mapula na ang mga ugat nito sa mukha. Kakaiba na rin ang kilos nito.

"Ah!" sigaw ng boss dahil walang sabi-sabi siyang kinagat nito pagkatapos ay pinunit pa ang laman.

Walang natirang buhay sa kanila. Lahat sila ay hindi nakaligtas. Lahat ay na-infect ng katakot-takot na virus. Sila rin ang naglagay ng taning sa mga buhay nila.

Isang araw na lang ang itatagal ng barko na ito bago makadaong sa dalampasigan ng 'La Hacienda Island' kung saan naroroon si Noah at mga kasamahan niya.

__________

Isang linggo na ang nakalipas nang mag-propose si Todd kay Noah. Sa buong linggo na iyan ay naging masaya lamang ang samahan nila. Ipinapakita nila sa isat-isa ang kanilang pagmamahal sa bawat araw na lumilipas. Hindi na nila iniisip ang problema sa labas ng isla.

Wala ng awkwardness, selos at sama ng loob sa loob ng mansion. Pinupuno nila ng mga activities ang araw nila para manatiling fit at healthy. Abala rin sila sa mga bagong tubong gulay na kanilang tinanim sa mini-farm. Walang araw na nasasayang sa kanila. Lahat ng araw na iyon ay importante para sa kanila.

"Bagong umaga, bagong saya." masiglang sigaw ni Noah matapos siyang magising nang maaga.

Sumilip si Todd sa pinto ng kwarto nila ni Noah para ayain na itong mag-almusal. "Good morning, Baby. Luto na ang almusal. Baba ka nalang after mo mag-ayos. Nandon na rin sa baba ang mga anak natin." masaya niyang tugon. Nauna na itong nagising dahil gusto niya na palagiang ipaghanda ang mga kasamahan ng pagkain. Lalo na ang kanyang pinakamamahal na si Noah.

"Magandang Umaga rin, Todd. Okay, baba na ako after ko mag-ayos." tugon ni Noah sa magalak na tono.

Mabilis na siyang pumunta sa banyo para mag-ayos ng sarili pagkatapos ay bumaba na rin naman ito.

SWAD1: In The Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon